Title: Peklat
Author: IceMasaya naman nong una,
Ngunit ewan ko ba't nagkaganito?
Masakit malamang may iba ka,
Masakit isipin na bigla ka lang nawala,
Hinahanap ka't hinihintay,
Bawat pasko at bagong taon,
Nakaupo sa ilalim ng puno,
Umaasa na dadating ka,
Masaya naman tayo noon,
Bakit nagkaganito?
Hindi kasi ako handa,
Yung malayo kayo sa akin,
Wala nang iba mas masakit pa,
Naintindihan ko naman,
Kaso hindi niyo mawala sa akin ang sakit,
Umaasang mabuo man lang,
Kahit man lang isang araw,
Pero alam nating imposible,
Sinugatan niyo na ako,
Kahit pa maghilom ang sugat,
Mananatili itong alaala sa akin,
Isa itong peklat ng nakaraan,
Na hindi ko man lang bastang basta mawala.Naalala niyo ba na minsan ko lang kayo makita,
Na gusto ko kayong makasama,
Na maramdaman man lang na ako'y isang bata,
Pero alam niyo ba?
Na malaking kawalan sa akin,
Ang hindi natin pagsama-sama,
At malaking kawalan sa inyo,
Ang hindi niyo ako makitang nagdadalaga,
Gaya ng sabi ko,
Naiintindihan ko,
Pero hanggang saan?
Yung oras ba na matanda na kayo?
Yung dumating sa puntong di tayo magsama?
Alam niyo bang sinaktan niyo ako ng todo?
Yung hindi ko alam kung paano babangon,
Wala man lang kayo sa oras na ako'y nadapa,
Naintindihan ko,
Kasi mahal ko kayo,
Kahit masakit,
Alam kong kakayanin ko,
Alam kong mahalaga ito,
Kahit di ko man lang sinabi,
Pinaramdam kong di ko kayo kailangan,
Pero tatlong bagay ang sigurado,
Kakayanin ko 'to,
Kailangan ko kayo,
At mahal na mahal ko kayo.
BINABASA MO ANG
POETRY
PoesíaYou found a right place to read... This is the way I expressed what I'm feeling... Everything was written by me. Author_Ice who always sad and lonely...