Malungkot na nakaluhod sa altar,
Taim-tim na nananalangin sa Diyos,
Na sanay hilumin ang nagdurugong puso,
Na sanay sa aking kaarawan na to ay masaya.Nalungkot ako pag-iniisip ko na akoy nag-iisa,
Sa araw ng pasko, bagong taon at maging kaarawan ko,
Ano bang bago sa buhay ko na laging nag-iisa?
Itatanong pa ba kung alam ko ang dahilan?Pilit ngumiti sa kabila nang lahat,
Pusoy patuloy pa ring nagdurugo dahil sa mga sugat,
Walang awa niyo ako sinaksak sa salitang akoy nag-iisa,
Ngunit salamat dahil natutunan kong tumayong mag-isa.Masaya naman pagnag-iisa ako,
Pero di maiwasang mapaisip sa peklat na nakaraan,
Kung saan maraming nanghusga sa akin,
Maliit man ang kanilang tingin ngunit alam ko ang lahat.Pag akoy nag-iisa, pakiramdam ko ang saya,
Walang humusga at kontento,
Pero ang sugat ay laging nagdurugo dahil sa pag-iisa,
Ang pag-iisa ay minsan masaya at minsan malungkot.

BINABASA MO ANG
POETRY
ŞiirYou found a right place to read... This is the way I expressed what I'm feeling... Everything was written by me. Author_Ice who always sad and lonely...