ISM 8: Be my girlfriend.

803 12 0
                                    

"Ui Patrick, lalim ng iniisip mo ah.." Natauhan ako ng bigla akong tabihan ni Jess...

Nung isang araw ko pa iniisip yun nagawa ko kay Cleo... Nadala ako ng galit ko pero alam kong mali un ginawa ko.

"Wala, oh bat ka nandito?"

Nasa may oval kami ngaun kasi umiiwas ako sa canteen dahil sa babae. Wews, ganito pala feeling pag gwapo ka... kasi nung panget ako sila umiiwas sakin eh...

"Wala naman si Le-an kasi nasa meeting ng SC kaya naisipan kong hanapin ka.."

"Ah ganun ba.." *sigh

"Lalim nun ah, anu ba kasing iniisip mo.."

"Wala naman to, napagod lang ako.."

"Napagod? maging pogi? hahaha! Ibang klase pala noh grabe daming chicks na humhabol sayo, kaya tuloy hirap mo ng hagilapin. Hahaha!"

Kahit pabiro lang yun sinabi ni Jess alam kong nagtatampo na sila sakin, hindi nadin kasi ako nkakasama sa group studies dahil sa kaliwa't kanang party ng batch na to.

Pakiramdam ko tuloy ibang tao na talaga ako... Nkakamiss din pala yun tahimik na buhay.. >______<

"Jess, nagbago na ba ko?" Out of the blue kong question to... Wla lang gusto ko lang malaman....

"Samin hindi ewan ko lang sa trato mo dun sa girl na gusto mo."

Bigla kong kinabhan dun sa tanong nya... ewan ko pero biglang nanginig yun kamay ko... Bakit kasi kahit anong pilit kong kalimutan sya gnun padin nanyayari pag nakikita ko sya...

Iniwasan ko na lahat ng pwedeng pagkakataon na makita ko sya pero dinadala padin ako ng paa ko sa kanya...

Tapos nung senior's ball... pinaiyak ko sya dahil sa ginawa ko... Nagdilim kasi paningin ko... binalot ako ng galit sa puso ko.. naiinis ako kasi umiiyak nnman sya...

Lagi nalang syang ganun... pero sabi nga nila looks can be deceiving.. Psh!

Pero bakit gusto ko sya laging kasama... tsk bakit ba gusto ko palagi syang nakikita... Kainis! >______<

If She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon