Prologue

2.4K 31 9
                                    

Nakaupo ako sa bench malapit sa garden ng campus habang nagbabasa nang maramdaman kong may tumakip sa mga mata ko.


Alam kong ikaw yun, dahil sa lambot ng mga palad mo.


“Niel.” Sabi ko habang nakangiti.


“Bakit ba hindi ka pa nagkakamali ng hula tuwing ginagawa ko yun?”


“Kasi sabi ng puso ko, ikaw yun.”


“Ang corny mo naman! Hahaha.”

Inirapan ko lang sya ng tingin. Minsan na nga lang maging corny, aasarin pa.

“Uy, nagtampo na yan.”


Di ko parin sya kinikibo atpinagpatuloy ko ang pagbabasa.


“Sige ka pag di ka kumibo itetext ko si Chelsea.”


Napatingnin ako bigla.

Si Chelsea, ang panakot niya lagi sakin tuwing ganitong sitwasyon.


Si Chelsea, ang kontrabida sa relasyon namin. Lagi niyang binibigyan ng letter si Niel.


In short, admirer sya ni Niel.


“Mukha mo, Chelsea ka dyan?”

“Sus. Joke lang yun!”

“Subukan mo lang talagang gawin, lagot ka sakin!.”


“HAHAHAHA. Pikon! Yaan mo na, mahal naman kita eh.”


“Mas pikon ka. Naalala mo nung una tayong magkita?”


“Oo naman. Lakas mo mang asar eh. -___________-“ Sya


“Bakla ka naman talaga kasi. Hahahaha :D” ako


“Yun nga kasi yung role ko sa play na pinapractice namin!”


“See? Mas pikon ka!” Hahaha.

At ang loko, sinamaan nga ko ng tingin.
Naglakad sya palayo pero yinakap ko sya mula sa likod.


“Hayaan mo na, kahit mas pikon ka, mahal naman kita.”

Humarap siya habang nakangiti at hinalikan ako sa noo.



*BACK TO REALITY*


“Lexi, Lexi, gising na. Ayan na si Niel!!!!” – Sigaw ni Joyce, kaklase ko.


Ayan na sya, ayan na sya, ayos ba mukha ko?


May muta ba ko? Magulo ba mukha ko?


Letse, sino ba kausap ko?


Nandito ako ngayon sa library.


Inaabangan si Niel. Tuwing ganitong oras kasi, madalas siyang mapagawi dito.


Wag na kayong magtaka. Kasi alam na alam ko. :D


Nakita ko syng papasok sa entrance ng library.


Ako naman, eto, kunwari nagbabasa ng libro para di nya mahagip yung presence ko.

Naglalakad na sya na may dalang madaming envelopes na di ko alam ang laman. Siguro acivities yun ng section nila. President kasi sya kaya laging busy :/


Naupo siya three tables na malayo sakin. Siguro nga di niya ko nakita.


Ang cool niya talaga tingnan, kaya lalo akong naiinlove.

Engineering student pa, astig talaga.


Sa tuwing nakikita ko nga sya, feeling ko lumulutang sya sa sparks.


Dumating si Chelsea, bineso niya si Niel habang nakaupo ito.


Ang sakit sa puso, nakakainis talaga pag nakikita ko silang ganyan.


Tipong dinudurog ang puso ko ng maraming beses.


Tipong gusto kong biglang umulan ng yelo na tig tetres at bagsakan sila.

Kung Kasalanan ang Maging TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon