Chapter 1

31.6K 650 177
                                    

Isabelle

"Damn it!"

Naiinis akong bumangon sa aking kama sabay off sa nakakarinding tunog ng aking alarm clock na syang gumising sa mahimbing kong pagkakatulog.

Geez! I had only four hours of sleep and I swear, ang sakit ng ulo ko! Ba't ba kasi ang aga ng klase ko eh. Ang ibang mga estudyante natutulog pa sa ganitong oras pero ako papasok na.

Tsk! Ang unfair ng mundo

"Come in!" Sigaw ko sa taong kumakatok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Good morning, ma'am Isabelle. Pinapababa na po kayo ng ama nyo, kakain na daw po." Mahinahong sabi ni Christine, isa sa mga katulong namin dito sa bahay.

"Okay, I'm gonna take a bath first. Pakisabi na lang susunod na ako." Sagot ko rito bago pumasok sa banyo.

I did my morning rituals habang kumakanta. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na rin ako while wearing a fitted jeans and a white off shoulder top as my uniform.

Oh, I forgot to introduce myself!

By the way, I'm Isabelle Hoffman, twenty-one years old and I studied in Hoffman University. And yeah, actually my father owns it. I'm a graduating student with a course of Business Administration but at the same time nagmomodel rin ako sa isang sikat na brand ng damit.

Bakit naman kasi hindi? Kung biniyayaan naman ako ni lord ng magandang mukha at seksing katawan, bonus na ang 5'8 na height.

Pagdating ko sa hapagkainan ay naabutan kong nag-uusap sina mom and dad. For sure business matter na naman siguro ang pinag-uusapan nila though I won't mind. Kahit naman kasi busy sila sa mga businesses namin, they make sure na lagi silang may oras para sa amin ni kuya Shaun.

Hm. Speaking of the devil, kumusta na kaya ang lalaking yun? Nasa Paris kasi sya ngayon dahil sya ang nagma-manage ng business namin doon.

"Sabi ni Manang Rosa late kanang umuwi kagabi-- o mas tamang sabihing kaninang madaling araw." Agarang sabi ni Dad pagkatapos kong humalik sa pisngi nilang dalawa ni mom at naupo na sa harapan nila.

"Dad, please not now. Masakit ang ulo ko."

"Sino ba ang hindi sasakit ang ulo kung anong oras kana umuwi kaninang madaling araw." Litanya na nito na ikinatigil ko sa pagnguya ng pagkain.

"Nagkayayaan lang kaming magbabarkada kagabi, Dad. Hindi ko namalayan ang oras." Palusot ko na ikinabuntong hininga nya.

"Sweetheart, alam mong hindi ka namin pinagbabawalan sa mga lakad mo. Pero nag-aalala rin kami sa kaligtasan mo, anak." Mahinahong singit ni Mom. Na'guilty tuloy ako sa ginawa ko.

Tama si Mom, noon pa man ay wala akong naririnig na masasakit na salita mula sa kanila kahit na minsan ay mali na ang ginagawa ko. Ang lagi lang nilang paalala ay mag-iingat ako at huwag gumawa ng kalokohan.

Wala na akong mahihiling pa sa mga magulang ko dahil lahat ng gusto ko ay binibigay nila. Kaya siguro ako naging spoiled brat dahil kunting lambing ko lang sa kanila ay binibigay nila agad ang kailangan ko. They treat me like a princess dahil nag-iisa lang naman akong babae.

Naso'spoiled ako lalo na kay Dad, kahit na strikto at intimidating syang tingnan ay malambot naman ito pagdating sa kanyang pamilya lalo na sa akin. I'm may be a bitch pero pagdating sa pamilya at sa mga kaibigan ko ay bumabait ako.

Midnight Creature (Immortal Series #1) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon