Introduction

7.2K 165 2
                                    

Nakahiga ako sa isang kama, ito ay kama ng hospital... malabo ang aking paningin ngunit alam ko at tanda ko ang nangyari bago ako mahiga ito sa hospital..

nagdadrive nun si papa habang katabi nya si mama habang ako naman at ang aking nakababatang kapatid na si Gizel.. Masaya lang kami nung oras na yun

ng biglang may lumiko na truck patungo sa amin at pagtapus nun ay nawalan na ko ng malay..

ma..pa.. Gizel..

umaga na ng magising ako. pagmulat ko ng mata ay magulang at kapatid ko agad ang hinanap ko ngunit wala sila.. Ako lang ang tao sa loob ng kwarto.

hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa mga nakatusok sa aking braso..

maya-maya lang ay pumasok ang doktor kasama ang aking auntie at uncle..

"mabuti naman at gising ka na.. dalawang araw ka ng tulog.." sabi ni auntie.

"Uhm.. si.. sila mama at papa pati ang kapatid ko.. nasan sila?" nagkatinginan sila pagtapus kong itanong iyon.

dahan-dahang lumapit sa akin si auntie at hinawakan ang kamay ko..

"uhh yung mama at papa mo Izle.. wala na sila.." biglang nanikip ang dibdib ko sa sinabi nyang iyon..

wala na ang mga magulang ko.. wala na kong magulang.

ramdam ko ang pag-agos ng luha sa aking pisngi..

"yung kapatid mo na sa loob ng kabilang kwarto, gising na sya at nagrerecover na.."

ang kapatid ko.. salamat at buhay sya..

niyakap ako ni auntie..

Ma.. Pa.. mamimiss ko kayo..

pagtapus ng ilang araw na pamamalagi ko sa ospital ay nakalabas na rin ako at saktong ibuburol na sina mama at papa.

Habang nakikinig sa pari at habang tinitignan ko ang aking mga magulang ay di ko maiwasang  maiyak..

kahit puno ng sakit at dalamhati ang nararamdaman ko ay nagawa ko pa rin pakalmahin ang aking sarili.

inisip ko nalang na kailangan ko pang alagaan ang aking kapatid. Sya nalang ang pamilya ko kaya kailangan ko syang protektahan.. yun ang ipinangako ko sa aking magulang..

naayus na rin ang documents ko at ng aking kapatid sa school na lilipatan namin na pangarap din sa amin nina mama't papa..

next week na ang start ng klase.. Sana ay maging maganda ang stay namin ng kapatid ko sa school na yun..

Your Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon