Izle's POV
"ahhhhhhggg!" napasabunot nalang ako sa sarili ko habang nagrereview.
2 days nalang monthly exam na at eto ako nagrereview sa loob ng club room. Naging busy kasi ako sa labas ng school kaya hindi ko namalayan na malapit na pala ang monthly exam.
"Nagrereview ka?" nagulat naman ako ng sumulpot si Steven sa harap ko.
"uy! Nakakabigla ka naman.." sabi ko. "wala ka ring klase ngayon?"
"wala pa, mamaya pang tanghali.. Nasaan nga pala si Fern?" tanong nito.
"hindi ko alam eh.." sagot ko sa kanya at muli ng bumalik sa aking pagbabasa.
ilang segundo pa ay napakamot na agad ako ng ulo.
"may maitutulong ba ko?" tanong nanaman ni Steven.
"wa-wala.. ok lang ako hehehe" naghihiya kong sagot sa kanya.
"I think you should highlight the main point first so you can easily understand it.." biglang sabi ni Steven.
tinignan ko lang siya at hindi maka react.
lumapit ito sa akin at naglabas ng highlighter. "ganito oh.." sabi nito at kinuha yung module na binabasa ko.
ilang saglit pa ay ibinalik niya sa akin yung module at may iilang mga highlighted sentences.
"yan yung mga main point ng paragraph.."
binasa ko yung mga naka highlights and yeah tama nga siya.
"thank you Steven.." sabi ko sa kanya.
"wala yun, at saka pasensya na rin kasi hindi kita matulungan dyan hahaha, wala kasi akong alam pagdating dyan.." namumula yung mukha niya habang sinasabi ang mga iyon.
Bakit parang ang cute niya pag nahihiya? Hahaha.
"ok lang, natulungan mo na nga ako eh.."
"bakit hindi kayo sabay nagreview ni Fern? Panigurado malaki maitutulong nun sayo, Matalino yun kahit na may pagka masungit yun.."
naalala ko naman si Fern ng mabanggit siya nito.
Sabi kanina ni Fern saglit lang siya ah? Ang sabi niya kasi may kakausapin lang siya tapus hindi na siya ulit nagpakita.
"may.. kakausapin daw kasi siya.."
"sino naman?"
"hindi ko alam eh.."
napatingin kaming dalawa sa pintuan ng magbukas ito at pumasok si Leo.
"uyy kuya Steven, dumadamoves ka ngayon ah.." pang-aasar nito kay Steven.
"tumigil ka nga, baka gusto mo makatanggap ng sapak.." inis na sabi nito kay Leo.
natawa naman ako sa asaran nilang dalawa, Para kasi silang bata.
bumukas muli ang pinto at pumasok naman si Gerald na may dalang pagkain.
"Wow, para sa amin ba yan Ger?" Tanong ni Steven.
"bahala ka dyan, iniwan mo ko kanina sa may room.." masungit na sagot nito.
inihagis niya sa aming dalawa ni Leo yung dalawa niyang sandwich. Bale si Steven nalang ang wala.
"hindi ko naman yun sadya bro, malay ko bang sasama ka sa akin?" natatawang pagmamakaawa ni Steven.
"tangina mo.." yung nalang ang nasabi ni Gerald at hinagisan si Steven ng sandwich.
habang kumakain ay nabanggit nanaman ni Gerald si Fern.
"oh bakit wala si Fern?" tanong nito.
"may kinausap daw sabi ni Izle.." sagot naman ni Steven.
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [Completed]
FanfictionSi Izle Montemayor ay tagapagmana ng isang sikat na entrepreneur sa bansa na siyang nagpapatakbo ng isang malaking clothing company at isa sa mga shareholder sa isang corporate company na nagbibigay ng pinakamalaking shares. Dahil sa taglay nitong b...