Izle's POV
pagdating na pagdating ko sa bahay ay agad kong hinanap si Gizle.
umakyat ako sa kanyang kwarto. Kumatok ako ngunit walang sumasagot, sinubukan ko naman itong buksan ngunit naka lock ang pinto.
"Gizle lumabas ka dyan, mag-usap nga tayo.." mahinahon kong sabi.
ilang minuto ang lumipas at walang sumasagot ngunit biglang bumukas ang pinto.
pumasok ako at hinanap ang aking kapatid.
nakita ko ito sa kanyang higaan at nakataklob.
"Gizle may problema ba? Mag-usap naman tayo.." kahit na alam ko ang kanyang problema ay tinanong ko pa rin ito.
"wala kuya, gusto ko lang mapag-isa.." sagot nito sa akin.
"dali na kasi.. Kala ko ba walang lihiman?"
naalala ko ang pangako namin sa isa't isa na magsasabihan ng sikreto dahil nga sa kaming dalawa nalang ang magkapamilya.
sa pagkakataong ito ay umupo siya sa kanyang kama.
"hindi na ko aasa kay Fern kuya, naiinis ako sa kanya.. Sinaktan ako ng girlfriend niya.." sabi nito sa akin.
so totoo nga yung sinabi ng girlfriend ni Fern kanina.
"pero kuya wag kang magagalit kay Fern ah? Sa pagkakaalam ko kasi ay walang girlfriend si Fern kaya lumapit ako sa kanya kaya kuya wag kang magagalit sa kanya ah?"
parehas na parehas talaga kami nitong kapatid ko na hindi magawang magalit sa isang tao kahit na anong sama ng ginawa nito sa amin.
pero hindi ko pa rin mapigilang mainis dahil sa nangyari.
"sige hindi ako magagalit pero anong balak mong gawin ngayon?" tanong ko sa kanya.
"babawian ko yung babaeng yun... Baka hindi niya ako kilala at kung saang pamilya ako nanggaling.."
natawa naman ako sa kanya.
"bahala ka basta ayaw ko ng nasasaktan ka ah?"
"opo kuya.."
"sige na pupunta na ako sa kwarto ko.."
"sige kuya goodnight po.."
lumabas na ko ng kwarto niya at dumiretso naman ako sa kwarto ko.
pagpasok ko ay saktong nag vibrate yung cellphone ko. tumatawag yung secretary ko.
"hello sir, successful po yung fashion week natin ngayon.. Marami pong salamat sa tulong.."
"walang anuman, anyway.. si Liam ba umattend kanina?"
"yes sir and tumulong rin po siya mag organize ng event kanina.."
"ok.. thanks for the information, tell our staffs na kakain kayo for celebration, yung bayad is ako na bahala.."
"ok sir, again thank you po.."
"your welcome always.."
ibinaba ko na ang tawag at umupo sa couch.
buti naman at naging successful yung event. Makakapagpahinga na ulit ako kahit papano.
naalala ko bigla si Fern.
siguro nga dapat hindi ako magalit sa kanya pero kasi mali yung ginawa niya.
kung kailan tuloy medyo nag-uusap na kami ay ganito pa yung nangyari.
haaaays! hayaan mo na nga.
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [Completed]
FanfictionSi Izle Montemayor ay tagapagmana ng isang sikat na entrepreneur sa bansa na siyang nagpapatakbo ng isang malaking clothing company at isa sa mga shareholder sa isang corporate company na nagbibigay ng pinakamalaking shares. Dahil sa taglay nitong b...