Izle's POV
nakatulala lang ako sa kawalan habang paulit-ulit kong naaalala ang nangyari kanina. Si Fern.. Nabaril siya.. nabaril siya dahil sa akin..
hindi ko maiwasang maiyak dahil sa lungkot at takot na baka may masamang mangyari kay Fern.
"Izle!" napatingin ako sa direksyon ng tumawag sa akin at nakita ko sila Gerald, Steven at Leo.
tumakbo sila palapit sa akin.
"ayos ka lang? Si Fern kamusta?" Tanong ni Gerald.
hindi ako agad nakasagot. Naguguilty kasi ako dahil sa nangyari.
"a-ayos lang ako pero si Fern.. Hindi ko alam.. Naguguilty ako sa nangyari.." at tuluyan na kong umiyak..
"Hindi mo kasalanan yung nangyari, kasalanan ng Marc na yun kung bakit nagkaganon si Fern.." sabi ni Steven habang hinihimas ang likod ko.
"ako kasi dapat yung babarilin ni Marc eh.. pero sinalo ni Fern.." patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang sinasabi iyon.
"Na saan si Fern!? Anak!? Fern!" biglang sumulpot ang nagmamadaling ina ni Fern. Nang makita niya kami ay lumapit siya sa amin.
"Kamusta na si Fern!? Ok lang ba siya!?" tanong nito sa akin..
"na sa operating room pa po siya tita.." sagot ni Steven.
tumayo naman ako at niyakap ang mama ni Fern..
"sorry tita.. sorry po.. Ako po ang may kasalanan kung bakit nabaril si Fern.." humagulgol ako sa iyak pagtapus nun.
naramdaman ko namang napatigil ang mama ni Fern sa sinabi ko at maya-maya pa ay tinapik-tapik na niya ang likod ko..
"hindi mo kasalanan iyon Izle.. Iniligtas ka ng anak ko at ang may kasalanan ay ang bumaril sa anak ko.." malumanay na sabi nito.
nakaramdam naman ako ng kaunting kagaanan ng loob at unti-unti akong kumawala sa mahigpit na yakap.
"everything's gonna be alright ok?" sabi nito.
.....
"stable na po ang pasyente, fortunately hindi tumama sa puso ng pasyente ang bala ng baril and it just slipped near on the underarm.." paliwanag ng doctor sa amin.
"thank you for doing everything doc.." sabi ng mama ni Fern.
"your welcome, babalik nalang ako para maresetahan ko siya ng gamot.."
pagtapus nun ay umalis na yung doctor..
lahat naman kami ay napatingin kay Fern na mahimbing na natutulog..
maya-maya pa ay nakarinig kami ng tunog ng text messeges at iyon ay galing sa mama ni Fern.
tinignan nito ang cellohone niya.
"nahuli na nila si Marc, nakakulong na ito ngayon.."
sabi ng mama ni Fern.pagtapus nun tumahimik saglit.
"pupuntahan ko lang po siya saglit.." paalam ko.
"Wag Izle, baka kung anong mangyari sayo dahil sa lalaking yun.." sabi ni Gerald.
"it's ok, nakakulong naman na siya.. At saka I just want my questions to be answered by him.." sagot ko.
nagpaalam na ko sa kanila at umalis na ng hospital papuntang Jailhouse.
pagdating ko ay agad kong hinanap kung saan ang selda ni Marc.
malayo pa ay tanaw ko na si Marc kasama ang kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Your Guardian Angel [Completed]
FanfictionSi Izle Montemayor ay tagapagmana ng isang sikat na entrepreneur sa bansa na siyang nagpapatakbo ng isang malaking clothing company at isa sa mga shareholder sa isang corporate company na nagbibigay ng pinakamalaking shares. Dahil sa taglay nitong b...