Chapter 24

1.6K 72 3
                                    

"Dad, you can't let me stay here in prison! I'm your son!" sigaw ni Marc sa kanyang ama.

"But what you did is wrong Marc! I told you not to damage my name! You deserve to be here.." inis na sagot ni Mr. Veuché at tumayo na upang umalis.

"Dad! get me out of here!" sigaw ni Marc ngunit hindi siya pinakinggan ng kanyang ama at tuluyan ng umalis.

inis na sinipa niya ang pader "Bwisit! Magbabayad kayong dalawa.." Nakatingin ito sa kawalan habang nagsasalita.

"Magbabayad kayong dalawa.." tumulo ang luha sa mga mata nitong puno ng galit.. "Hindi pa tayo tapos."

...

Izle's POV

It's been a week after nung incident about kay Marc Veuché.

maayos na ang problema sa company, nakahinga na rin ako ng maluwag. Natapos na rin ang club room namin na pinaayos ko para magamit na ulit namin..

back to normal na ang lahat pwera nalang sa amin ni Fern.. Hindi ko alam pero medyo awkward at hindi ako sanay sa mga nangyayari. Sanay naman akong kasama siya palagi pero ngayon? Hindi ko na alam. May mga times pa nga na iniiwasan ko siya. Hindi ako sasama sa gala nilang apat or hindi ako sumasama sa kanya pag gusto niyang pumunta ng mall.. Ewan ko, simula kasi nung.. nung ano.. Alam niyo na yon! Ang hirap kasi pag naaalala ko yung halik na ginawa niya sa akin.. Kainis! Yan nanaman tayo sa halik na yan! Hays, bakit niya ba kasi ginawa yun!? Bakit ba kasi hindi man lang ako pumalag? Bakit ba kasi hindi ako umangal at sinapak siya sa ginawa niya or tinulak man lang? Ang daming bakit! Waaa! Ayaw ko na!!

"uy Izle.." sumitsit pa si Fern at kinakalabit ako. Nandito kami ngayon sa loob ng room at nagkaklase.

"Uyyy Izle..." palakas na ng palakas yung kalabit niya.

"Izle!" malakas na pagkakabulong niya.

"tumahimik ka nga, kita mong nagkaklase tayo eh." bulong ko habang nakatingin pa rin sa harapan.

"sumama ka sa gatherings mamaya ah? President ka pa naman ng club.. Hindi pwedeng wala ka.." sabi nito.

napagdesisyunan kasi naming lahat na magkaroon ng gatherings ang buong club ng sa gayon ay makilala pa namin ang isa't isa.. Ako yung nagpasimuno nung una pero ngayon parang pinagsisisihan ko na..

"Alam ko namang iniiwasan mo ko.. Kung ayaw mo kong makasama hindi nalang ako pupunta basta ikaw pumunta ka.." Nang marinig ko yun ay nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.

alam niya palang iniiwasan ko siya. Siguro obvious na obvious yung ginagawa ko at hindi nalang siya nagsasalita.

dahil dun ay nawala na ko sa discussion, pinag-isipan ko kasi kung dapat ba kong mag sorry kay Fern dahil nasaktan ko siya sa pag-iwas ko.. Gusto ko rin naman siyang makasama pero kasi naaalala ko yung ano eh, yung halik! Hays!.

hays sige hayaan mo na nga! mag sosorry nalang ako.

"Fern sorry nga..." hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil pagharap ko ay saktong nakatapat ang mukha ko sa mukha niya. Ang lapit namin sa isa't isa..

"Ano yon?" tanong nito.

inilayo ko naman ang mukha ko sa kanya at humugot ng hininga.

"so..sorry nga pala.. Hindi naman sa iniiwasan kita.. ayaw ko lang kasi na.. Hays! Kasi naman bakit mo kasi ako hinalikan nung araw na yun!?"

dahil sa inis ay napalakas ang boses ko at dahil doon ay natuon ang atensyon ng mga kaklase namin sa aming dalawa..

"may something sila ni Fern?" ewan ko kung bulong ba yun kasi napakalakas ng boses nung kaklase ko habang sinasabi niya iyon sa isa ko pang kaklase.

Your Guardian Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon