PROLOGUE

757 27 16
                                    

Nakakalungkot! Basta nalulungkot ako! Pake nyo ba? Bakit hindi ako malulungkot?! Pang-limang lipat ko na 'to ng school. Hindi na nakakatuwa itong pangyayaring ito ng buhay ko. Kaawa awa at masalimuot ang walang-muwang kong sarili.

Ako nga pala si Shontelle, 17 pero 1st year college pa din dahil sa walang sawang paglipat namin ng bahay ng mama ko. Mama ko? Oo mama ko. Prostitute ata ito eh! Chos lang! Paano ba naman kasi, pang limang lalaki na nya ito since nung pumasok ako as college student. 16 ako nung pumasok ako sa college sa course na Culinary tapos ngayon Interior Designer na ang course ko. Watdahel!

Wala na kasi akong papa kasi namatay sya. Mahilig kasi syang uminom ng alak at one time lasing sya tapos nahulog sya sa kanal tapos tumama yung ulo nya, ayun dead on the spot! Simula nun, iba-ibang lalaki na ang pinapakilala saakin ng mama ko. Wala naman akong pake eh, basta ba wag nya akong pabayaan sa mga kailangan ko OK na ako.

Anyway, nandito ako ngayon sa tapat ng bagong bahay na lilipatan namin. Mayaman yung bagong boylet ng mama ko kaya OK na 'to mukhang masa-satisfy nya ang needs ko.

"Shontelle, baby, ito na yung bagong bahay ninyo ng mama mo. Kasama ko na kayo titira dito. From now on, call me Daddy okay?" Sabi saakin nung bagong kinakasama ng mama ko sabay hawak sa balikat ko at yuck ha?! Baby?! Nakakasuklam!

"Opo, uh~ Daddy?" Pwe! Sarap masuka!

Pinagbuksan kami ng gate ng isang matandang babae. Hindi naman super tanda parang mga nasa 60's na din, mga ganun. Pero kulubot na din kaya matanda na sya for me.

"Welcome home, ijo." Bati nya sa huklubang bagong jowa ng mudra ko. Yung mama ko naman naka-kapit sa braso nitong lalaking ito. Parang tarsier na chinita.

"Ma, kukunin ko lang yung bag ko dun sa kotse."

Kaya tumalikod na ako sa kanila para kuhanin yung cute kong backpack. Kulay black ito na may ulo ni Hello Kitty na nakadikit. Hindi nyo na maitatanong, mahilig ako sa pusa. Ay mali! Hindi pala pusa si Hello Kitty! Isa syang bata, so mahilig ako sa batang mukhang pusa. Pero, kalokohan! Edi si Mcdo, hindi din clown at si Spongebob ay hindi din sponge? Punyemas!

"ARAY!" Napasigaw ako ng ubod ng lakas na halos kaboses ko na si He-Man sa pagkaka-sigaw ko. Naglabasan lahat ng ugat ko sa leeg at sa ulo sa nangyari saakin. Naipit kasi yung legs ko ng pinto ng kotse.

"Ay, sorry may tao pala dyan."

Wala! Hindi ako tao, dyosa akong bobo ka! Mayroong boses ng isang lalaki na humingi ng sorry saakin. Wala 'di ko matatanggap ang sorry nya! Na-damage ang binti kong makinis! Inalagaan ko pa ng scrub 'tong binti ko, babahiran mo lang ng katangahan mo!?! No way, dude!

Lilingunin ko na sana sya ng mabilis syang pumasok sa loob ng bahay. So it means, kasama ko sya sa bahay? I hope not, I hope boy lang sya dito.

"Lawrence! Bumalik ka dito! Humingi ka ng tawad sa stepsister mo!"

Stepsister? Tama ba ang narinig ko?

"Nag-sorry na ako 'di mo lang narinig." Sabi nito ulet habang naglalakad papasok. Ang salbahe nung lalaking yun ah!

"Hoy! Lawrence!"

"Teka! Stepsister?! Bakit po? Kasal na ba kayo?" Nanlalaki na ang mata ko ng maitanong ko ito sa mama ko. Pero, sabay silang ngumiti at ipinakita ang wedding ring nila sabay na sabing, "Civil!"

Diyos ko! Hindi po nila alam ang kanilang ginagawa!

______________

Author's Note: Sana po ay magustuhan ninyo itong bago kong sulat na story. Hindi po ako perfect writer dahil madami po akong flaws at typo sa story, sana po ay maintindihan ninyo. Salamat sa lahat ng magbabasa ng story na ito. Comment kayo kung anong masasabi nyo sa prologue ko. Thank you very kamsa.

Wrong Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon