CHAPTER 6

298 21 5
                                    

“Bakit hindi mo saakin sinabi na meron ka palang sakit?!” Medyo pagalit pero nag-aalalang tanong ko sa kanya. Napag-alaman ko kasing matagal na pala syang may sakit, ngunit ngayon ko lang nalaman dahil kapag kasama ko sya ay malakas naman sya eh. Hindi ko nakita na kahit minsan nanghina sya.

“Lawrence..” Nag-iinarteng tono ng boses ko habang naiiyak akong kumakalabit sa kanya na kasalukuyang nakahiga sa kwarto nya. Hindi na naman nya kasi ako pinapansin parang bumalik yung isnaberong Lawrence. Hindi naman ako makapag-taray sa kanya kasi yung tunay na naramdaman ng puso ko talaga ngayon ay sobrang takot, kaba, pagkalungkot at dismaya.

Hindi ko talaga sya mapilit magsalita kaya lumabas na lang ako ng kwarto para kausapin yung si stepdad. Baka kailangan nya lang mapag-isa ngayon.

“Dad.”

“Shontelle, tara dito maupo ka.”

“Dad, gaano na katagal yung sakit nya? At ano po ba exactly yung sakit nya?” Hindi agad nakasagot si stepdad sa tanong ko sa kanya, huminga muna sya ng malalim habang hawak-hawak ang kamay ng mama ko.

“Ilang buwan bago kayo dumating sa buhay namin na diagnose ang Acute Lymphocytic Leukemia nya, pero maaga namin nalaman ito kaya maaga din naming nagamot. Hindi ko inaasahan na lalala sya ngayon ng ganyan, dahil nag-gagamot naman sya. At regular na pumupunta dito sa hospital para sa maintenance nya.”

Nag-gagamot sya? Pero, hindi ko sya nakitang nag-gamot or uminom ng gamot. Anong gamot ang sinasabi ni stepdad saakin? Dahil dito, bumalik ako sa loob ng kwarto at lumapit kay Lawrence na tulala pa din at nakatingin sa bintana.

“Lawrence?” Tumingin sya saakin pero hindi sya nagsalita. Kaya nagpatuloy akong magsalita, “ayokong maniwala na may sakit ka kasi alam ko malalagpasan din natin ‘to eh. Strong ka diba? Wag kang mag-alala hindi ako aalis sa tabi mo, sasamahan kita hanggang gumaling ka. I love you.” 

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. Kahit hindi sya sumasagot sa sinasabi ko, ramdam ko na natatakot din sya para sa buhay nya. Ako din naman natatakot para sa kanya, pero hindi pwedeng takot ang ipakita ko sa kanya, dahil mawawalan sya ng pag-asa dapat lang na bigyan ko sya ng lakas ng loob.

Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay sa dibdib nya hanggang makatulog sya. Hindi ako papayag na mawawala sya saakin, gagawa ako ng paraan para gumaling sya.

Kinabukasan, pagkagising ko sa hospital wala si Lawrence sa kama nya kaya nagmadali akong tumakbo palabas ng kwarto nya at hanapin sya.

“Leche, nasaan na yun? Bakit wala sya dun sa kwarto?” Patuloy akong nagtatatakbo sa hallway ng makita ko sya sa may vending machine. Napatakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko sya sa takot na akala ko namatay na sya at dinala na sya sa morgue!

“Bakit ka umalis ng kwarto? Tinakot mo ako,” ngumangawang sabi ko sa kanya habang nakayakap. Wala akong pake kahit nakatingin na itong mga taong ito saakin, hindi naman nila ako maaalala kapag na-discharge na si Lawrence dito eh.

“Bumili lang ako ng kape para saating dalawa.”

Bumalik din kami kaagad sa hospital room at doon ininom ang binili nyang kape. Teka, pwede ba sya ng kape? Wala akong kaalam-alam sa sakit nya, paano ko sya mababantayan ng husto nito?

“Oops! Pwede ka ba nyang kape?” Pagpigil ko sa pag-inom nya. Napatingin naman sya saakin, sabay ngiti. “Oo naman,” sagot nya saakin. Hindi na ako pumalag pa at hinayaan ko na lang gawin ang gusto nya.

“Hindi kita nakitang uminom ng gamot sa sakit mo at hindi ko alam na regular kang pumupunta dito sa hospital. Daya mo, hindi mo shinare saakin.” Naka-pout lips na sabi ko sa kanya kaya agad nya akong hinawakan sa braso at niyakap mula sa likod.

Wrong Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon