CHAPTER 1

495 27 8
                                    

Nakaka-stress! Three days na ang nakalipas since makarating kami dito. Buti na lang at maganda ang kwarto ko at mayaman ang napangasawa ng mama ko. Oo, kasal na nga silang dalawa! Buwiset, mahirap bang ipaalam kaagad saakin na kasal na sila? Parang mga tanga kasi, feeling teenager!

"Shon," malambing na tawag saakin ng mama ko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Ayoko sanang buksan, gusto ko pang magtampo ng mga 30% pero 'di ko din natiis at pinagbuksan ko sya ng pinto.

"Anong kailangan mo, Mrs. Villanueva?!" sabi ko sabay irap ng aking tantalizing eyes.

"Tawag ka ng daddy mo, i-eenroll ka daw nya sa bago mong school." sagot naman ng mama ko.

"Daddy?! Wag mo ngang masabi-sabi saakin yan, kita mo oh! Tumatayo balahibo ko! Kung lalaki lang ako, pati yung ano ko tatayo! At, ma! Hindi ka pa ba nadala? Pang ilang lalaki mo na yan oh. Tapos pinakasalan mo pa. Susmiyo!"

"Yun nga eh! Pinakasalan nya ako, ibig sabihin seryoso sya saakin. At saka sa lahat ng mga naging kinakasama ko, sya lang nagyaya na pakasalan ako. Oh diba?" sabi naman ni mama.

Gilitan ko kaya 'tong nanay ko? Parang first time mainlove! Ay ewan! Kaya ako, 'di ako maiinlove. Ako pa? Masarap na pagkain lang kuntento at masaya na ako. Tatambay na lang ako habang buhay.

Kinuha ko ang cardigan ko na color black at doll shoes ko. Sinuot ko na ito pati yung bagpack kong Hello Kitty at sinimulang buksan ang pinto.

"Sige na ma, sasama na ako dun sa asawa mo. Aayain ko 'to mag-mall kita mo, uubusin ko pera nya tapos hindi kita titirahan." naka-pout kong sabi sabay bukas ng pinto, narinig ko pang sumagot ang mama ko bago ako tuluyang nakalabas.

"Puso lang nya kailangan ko."

"Eww!"

Nakaka-asiwa yung pinagsasasabi ng mama ko. Ganito ba mainlove? Ang landi mo na nga, cheesy pa. Kasuka. Bumaba na ako ng hagdan para sumama sa stepdad ko na kasalukuyang naghihintay sa tapat ng mansion namin. Nakiki-namin na din ako ngayon kasi kung tutuusin naman may karapatan na ang mama ko kasi legally, kasal na sila. Ay ewan ano bang pinag-lalaban ko.

"Shontelle, tara na?"

Sumakay na ako sa kotse at nag-drive na sya paalis. Itong si Mike also known as asawa ng mama ko, kung tutuusin gwapo sya at 'di naman ganun katanda. Parang nasa 45-50 years old ang hitsura nya.

"Sa school na lang ni Lawrence kita i-eenroll ha? Para maging magkasama din kayo. Don't worry, magandang university nag-aaral si Lawrence kaya magugustuhan mo din dun.” sabi ni stepdad.

Lawrence? Ah.. Yung anak nya. At wow, may anak na din pala sya. Nagkaroon pa ako ng instant na kapatid na inipit yung legs ko. Masakit pa nga din hanggang ngayon.

"May anak po pala kayo noh?" sabi ko naman sa kanya habang pinakikielaman yung mga display sa front ng kotse nya.

"Hindi ba halata?"

"Ay halata po! Halatang-halata!"

Bigla syang natawa sa sinabi ko, nakakatawa ba yun? Compliment nga yun eh! Ilang sandali pa, andito na kami sa school na sinasabi nya. In fairness, parang hindi naman pang normal na tao itong school na ito eh! Ano ba nag-aaral dito mga prince at princess? Parang castle ni Elsa sa Frozen eh.

"Ang ganda naman po dito, sigurado po ba kayo na dito nyo ako pag-aaralin? Baka magkalat lang po ako dito. Hindi nyo na maitatanong, isa akong certified salbahe mula bata ako hanggang ngayon."

Wrong Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon