CHAPTER 4

329 24 6
                                    

Naitulak ko sya ng malakas sa ginawa nya saakin. Hindi ko alam pero, angat yung gulat ko ngayon at nako-konsensya ako dahil meron syang girlfriend tapos gagawin nya ito saakin.

“Ba-bakit mo ginawa yun?”

“Aamin na ako, oo, gusto na din kita. Hi-hindi lang talaga ako sanay na sabihin ang nararamdaman ko, hindi katulad mo na kayang mag-open up kaagad. Pero, Shontelle mahal na din kita. Siguro nga, nagseselos lang ako na kaya sabihin ng iba yung tunay na nararamdaman nila sayo kaysa naman saakin na nako-kontento na lang sa ganito.”

Para akong lumutang sa kawalan ngayon, yung parang gumagaan na yung pakiramdam ng ulo ko sa mga narinig ko galing sa kanya. Hindi ko alam kung hihimatayin na ako, pero ang sarap sa pakiramdam nang bigla kong maalala yung babae na humalik sa kanya kanina.

“Paano yung girlfriend mo kanina na kasama mo?”

“Sabi ko na nga ba. Hindi ko girlfriend yun, yun ang tunay kong kapatid.” Medyo napanganga naman ako ng marinig na may kapatid pala syang totoo.

“May tunay ka palang kapatid? Bakit hindi ko alam, stepsister ko pala sya ganun?”

“Gusto mo ba?” tanong nya saakin habang hawak ang magkabilang balikat ko.

“Ayoko. Sister-in-law na lang.” nakangiting sabi ko sa kanya.

Tinignan nya ako at hinawakan nya ang bewang ko sabay hinatak nya ako papalapit sa katawan nya para yakapin ng mahigpit which is gustong-gusto ko. Officially, mag-on na kami ngayong araw na ito. Ngayon ang problema, paano namin ito sasabihin sa mga magulang namin. Mag hy-hysterical nito si mama plus gagawing mop yung sarili nya sa sahig sa kaka-inarte. Ay! Ang mahalaga saakin ngayon, ay yung kami.

Bumalik na kami sa classroom at nakita ko ang isa sa mga kaklase kong si Kiskis na pinagkakaguluhan sya ng mga kaklase ko. Matangkad na lalaki si Kiskis, medyo bench body at mabait sa mga kaklase namin. Balita ko ay, gamer sya at nanliligaw doon sa campus crush slash head turner ng buong campus na si Irish.  Akala ko nung una dahil lang sa gwapo kasi sya kaya pinagkakaguluhan ayun pala iba ang dahilan. Gulat ko lang ng bigla nya akong tawagin.

“Shontelle. Tara dito.” kumakaway na tawag nya saakin.

“Bakit na naman? Siguraduhin mong hindi masasayang ang oras at buhay ko dyan. I’m a busy person you know.”

“Iwan nyo muna kami, kailangan ko ng concentration.” narinig kong sabi nya, kaya nag alisan naman yung mga kaklase namin. Mga uto-uto.

“Ano bang pakulo na naman ‘to? Wala pa akong allowance, wala akong mapapa-utang sa’yo.”

“Tumingin ka saakin ng derecho.” tumingin naman ako sa kanya, uto-uto din ako eh. Tapos bigla na lang napa-hampas sya ng bahagya sa armchair nya.

“Masaya ka ngayon ‘no?” biglaang tanong nya saakin.

“Ah.. Kailangan ko bang sagutin yan? Well, slight. Ay, sige na nga! Oo, masaya ako. Masaya pa ako kaysa sa nanalo ng lotto, kaysa sa gumaling sa sakit na cancer. Basta masaya ako, tapos.”

“Halata kasi sa mga mata mo eh, pero may napansin din ako. Meron kang itinatago na medyo big deal sa iyo? Tama ba?”

“Watdahel! Ano ka ba Kiskis, manghuhula ka ba?? Paano mo nasabi yan?! May sa demonyo ka bang tao ka?” nanlalaki yung mata ko ng tanungin ko sya.

“Psychology, bitches! Kung ako sa’yo, let it go. Mas malaking problema pag pinatagal mo yan.”

Pagkasabi nya nun, medyo lumuwag ng kaunti yung turnilyo ng utak ko, tumayo ako at dahan-dahang lumapit kay Lawrence at sinabing,

Wrong Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon