"AHHHHH!" isang nakabibinging tili ang nabitiwan ko pagpasok ko ng kwarto ko. Bakit? Kasi, yung stepbrother kong magiging boyfriend ko in the future parang binigyan nya ng pag-asa yung maaaring mabuo between us!
"Tignan natin." sabi nya saakin bago sya tuluyang naglakad palayo kanina. Bakit nya sasabihin yun saakin kung walang patutunguhan hindi ba? Hindi kaya crush nya na din ako? Teka! Wag muna ako masyadong umasa ng sobra kasi baka lumagapak ako sa ground floor.
Excited kong kinuha ang uniform ko at tinitigan ito. Ang cute ng uniform ko, kulay white sya tapos plaid yung palda. Waah~ Sana maging maganda ang first day ko bukas. Ngayon lang ako ginanahan ng ganito sa pagpasok sa school. Dati, school-uwi ako kasi wala naman akong gagawin sa school kung tatambay ako kasi bully nga ako ee. Mang-aaway lang ako dun hanggang mabaliw ako ng sagad.
Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bago kong bag. Syempre maarte na ako ngayon, nagpabili ako ng face powder at lipstick sa daddy ko. Now, proud na akong tawagin syang daddy. Dahil kung magkatuluyan kami daddy na talaga ang itatawag ko sa kanya. Ayyyy! Kinikilig ako!
Nagpasya na akong humiga nang makarinig ako ng tunog ng gitara.
Bumangon ako ulit at sumilip sa bintana. At nakita ko si Lawrence na nasa terrace ng kwarto nya. Katabi ko lang pala ang kwarto nya parang sinadya talaga ng Poong Maykapal na mag-kaganito ang pangyayari.
Sumilip lang ako at hindi na ako nagpakita sa kanya. Pero napansin nya pa din ako! Ang lakas naman ng pakiramdam nitong taong 'to!
"Bakit?" nagtanong na lang syang bigla saakin.
"Ahh~ Wala naman, narinig ko lang kasi. Hehe.." namumula ako ngayon for sure! Matutulog na lang ako para pa akong ma ha-high blood.
Hindi sya sumagot sa sinabi ko sa kanya, tinuloy lang nya yung pag-gigitara nya. Nakakatuwang hinahayaan nya akong panoorin sya. Yung mukha nya na super, ubod, nuknukan, saksakan ng gwapo na seryosong nag-gigitara. Pero bago pa ako mag deliryo ng tuluyan bigla syang tumayo.
"Huh? Aalis ka na?"
"Matulog ka na, sabay na tayo pumasok bukas. Good night."
Pumasok na sya sa loob ng kwarto nya at sinara ang pintuan ng terrace nya. At naiwan akong mukhang gagong mag-isang nakangiti.
Kinabukasan, maaga pa lang naka-abang na ako sa labas ng pintuan. Inilugay ko ang buhok ko na wavy at lagpas balikat na usually lagi kong tinatalian dahil feeling sagabal. Nagsuot din ako ng hikaw at naglagay ng face powder. Ginamit ko din ung lipstick na bagong bili ko pa lang kahapon. In short, nagpaganda ako para sa kanya.
Halos mapunit na ang pisngi ko sa kakangiti mag-isa. Ang dami ko kasi na-iimagine pagdating nya kung anong magiging reaction nya pag nakita nya na ako.
Imagination Shontelle Level
"Lawrence!"
"Shontelle, ang ganda-ganda mo ngayon. Pwede ba kitang halikan?"
"Oo naman. Kahit gaano pa katagal."
Naku! Kinikilig akong isipin yun! Ay teka, anjan na sya! Ehem! Shontelle, galingan mo nag-practice ka pa kagabi.
"Lawrence!"
Napatigil sya sandali sa harap ko pero millisecond lang ata. So, it means! Tagumpay ang plano ko. Na-stunned ko din sya ng beauty ko! Oha! Ang cute ko pa dito sa uniform ko. Tapos lumapit sya saakin, papalapit na sya ng papalapit ng bigla syang lumagpas saakin. Oo, sumakay na sya sa kotse na nasa likod ko. Bastos na bata!
BINABASA MO ANG
Wrong Love (COMPLETED)
HumorAminado ako. Ako ang unang nagkagusto sa kanya, paano ba namang hindi ako mahuhulog sa tulad nya, eh ang gwapo-gwapo nya as in at super talented pa. Ayun nga lang, tipid syang magsalita at medyo snob. Pero kahit na ganoon sya ay hindi ko pinigilang...