Tanging ang tunog ng busina ng van ang narinig ko kasunod ang malakas na sigaw ni Shontelle sa pangalan ko. Ang sumunod na pangyayari ay malabo na sa memorya ko, bumagsak ako sa sahig at napalingon sa aking likuran.
Hindi ko inaasahan na ganitong eksena ang makikita ko paglingon ko sa aking likod. Hindi kalayuan ay nakita ko si Shontelle na nakahiga sa basang semento ng dahil sa ulan. Walang malay at duguan. Hindi agad ako makatayo sa kinauupuan ko. I can’t even say anything, as of now, I just stared at her lifeless body. Gumapang ako para makalapit sa kanya, pero dugo nya na ang dumadaloy ngayon sa kalsada na kahit na umuulan ay hindi agad nadi-disolve.
I hold her hands na ngayon ay hindi na humahawak saakin pabalik. Yung mukha nyang ngayon ay wala ng smile at foul words na lumalabas sa bibig nya. Yung mata nyang, kumikislap tuwing tumatawa sya. Ang babaeng mahal na mahal ko ay wala na.
“Shontelle, hey, gising nandito na ako. Tara, sige bumalik na tayo sa hospital hatakin mo na ako pabalik ng hospital sasama na ako please, stand up.”
Nagsisimula ng magkumpulan yung mga tao sa paligid ko pero ni isa sa kanila walang nag-abalang tumulong or tumawag ng tulong. Inilabas ko ang cellphone ko galing sa bulsa ko, nabasag ang screen nito ng itulak ako palayo ni Shontelle kanina, pero usable pa din naman sya kaya nakatawag ako sa hospital.
“Hello, dad!”
“Lawrence, nasaan ka? Pati si Shontelle na kakakuha lang sa kanya ng stem cell lumabas para hanapin ka! What’s wrong with you son? Anyway, good news, nag match kayo ni Shontelle, you’ll be cure.”
Pagkarinig ko nito, mas lalo akong na-guilty sa katangahang ginawa ko.
“Dad, Shontelle’s been hit by a van. She’s not in a good condition right now, please send an ambulance.”
Ilang sandali pa ay dumating na ang ambulance at binigyan sya ng first aid. Tinignan ang pulso nya sa leeg at sa wrist pero, the rescuer just shook his head.
“Kaka-hinto lang ng pulso nya. Time of death 9:15 PM.”
Kinuha ng mga rescuer ang duguang katawan ni Shontelle at inilagay sa wheeled stretcher at isinakay sa van. Up until now, hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari. Pakiramdam ko ay hindi totoo ang mga nangyayari and halos mahimatay na din ako dahil nilalagnat na naman ako ngayon.
Hindi pa din nag-sisink in saakin ang lahat ng kausapin ako ng mommy ni Shontelle.
“Nag-donate si Shontelle ng stem cells nya para sayo at kailangan na mailagay iyon sa iyo bago matapos ang 24 hours. Please, Lawrence wag mo sanang sayangin yung ginawa ng anak ko para sa’yo.”
Para na akong mababaliw ngayon. Hindi tumitigil sa pagpatak ang luha ko kahit na walang reaksyon ang mukha ko. Shontelle, where are you? I really need you now. Pumayag na din ako para sa stem cell transplant para hindi masayang ang ibinigay na chance saakin ni Shontelle.
“I know, gugustuhin mong mabuhay ako kaya para sa’yo, mabubuhay pa din ako. Ayokong masayang, yung lahat ng sakripisyo na ginawa mo para saakin. I love you.”
Nakatingin ako ngayon sa picture ni Shontelle sa cellphone kong basag. Hinalikan ko ito at inilapag sa mesa sa tabi ng kama ko. Dinala na nila ako sa operating room at sinimulan ang Stem Cell transplant. Nang magising ako, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ramdam kong nandito si Shontelle sa tabi ko kahit alam kong wala na sya.
“Lawrence, kamusta na ang pakiramdam mo?” Tanong saakin ng daddy ko.
“Okay na po ako ngayon.”
“Kaya mo na bang bumisita sa funeral ni Shontelle?”
Funeral. Hindi ako makapaniwalang sya ang nasa funeral ngayon at hindi ako. Ngayon alam ko na ang nararamdaman nya kung bakit ayaw na ayaw nya akong mamatay. Sobrang sakit pala dito sa puso ang mawalan ka ng other half mo. Pagdating sa funeral ni Shontelle, dumating ang mga kaibigan at ilang kamag-anak ni Shontelle galing sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Hindi ko alam kung paano ako ngayon lalapit sa coffin ni Shontelle. Hindi ko ata kakayaning lumapit sa kanya. Ayaw kong ang maging huling ala-ala nya sa akin ay yung nasa loob sya ng kabaong. Hindi ko kakayanin, kaya umupo na lang ako sa pinakaharap malapit sa kanya.
“Shontelle, alam mo ba nung unang beses na nakita kita sa music room, dun pa lang ay nagustuhan na kita. Hindi ko alam parang there’s a connection between us na parang hindi awkward na makasama kita. Hindi ko nga lang din expected na ikaw ang unang aamin saatin dalawa na talagang kinasaya ko naman nung gabing yun kaya nga nag-gitara ako sa may terrace para i-express yung happiness ko nun. Alam kong magkatabi ang kwarto natin at alam kong sisilip ka talaga pag narinig mo ako. Nung time na nakipag-break ka saakin, halos hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko pa lang na magiging stepsister na talaga kita, para akong inaalog sa utak kasi hindi ako makapag isip ng maayos. Ikaw yung babaeng kayang sirain yung pagiging kalmado ko. Nung nawala ka, halos halughugin ko ang buong Pilipinas para makita ka lang kasi iba na yung level ng pagmamahal ko sa’yo para kayanin pang mawala ka saakin eh.”
Naiiyak akong hawak-hawak ang kwintas na regalo ko sa una naming monthsary, una at huli na din pala ito. Dahil sa sakit ko, hindi namin na i-celebrate ang debut na importante sa kanya kahit yung mga sumunod na monthsary namin ay hindi namin na-icelebrate ng maayos. Narinig kong mas iniisip nya ang kapakanan ko kaysa sa iba, pero bakit bigla akong nasiraan ng bait at tinalikuran sya nung gabing iyon?
Bakit hindi ako nag-isip ng tama at ngayon ay nagsisisi akong wala na yung babaeng palaging mangungulit at hahawak sa braso ko tuwing wala ako sa mood. Wala na yung babaeng, makikipag-away dahil sa lalaking gusto nya. Yung babaeng na amaze sa flower sa mini-garden ng school. Yung babaeng, masaya ako tuwing kasama ko sya.
“I’m so sorry, Shontelle. I know, I’ve never done a lot of things to show you how much I love you, but, I really love you. Ikaw ang unang laman nitong puso ko. At ikaw na din siguro ang magiging huli.”
Tuloy-tuloy na pumapatak yung luha ko. Hindi ko nasagip ang buhay ng taong tumanggap sa lahat ng negative attitudes ko, ang babaeng tunay na nagmahal saakin unconditionally. I love you Shontelle, you will always be remember. Kailangan kong bumalik sa hospital for further examinations, malaki pa din ang chance na hindi tanggapin ng katawan ko ang stem cell ni Shontelle, pero I'll try my very best to keep her inside my body.
But kahit anong maging desisyon ng Diyos, I'll accept it with all my heart.
Iniwan ko ang box laman ang necklace sa paanan ng kabaong ni Shontelle. Ayokong umuwi to think na wala ng Shontelle na sasalubong saakin, pero I have to face the truth. She’s no longer here with me, and I have to deal with it. I know, she’s still here beside me because her part is flowing inside my body but I will still miss her presence.
I will miss you Shontelle.
THE END
BINABASA MO ANG
Wrong Love (COMPLETED)
HumorAminado ako. Ako ang unang nagkagusto sa kanya, paano ba namang hindi ako mahuhulog sa tulad nya, eh ang gwapo-gwapo nya as in at super talented pa. Ayun nga lang, tipid syang magsalita at medyo snob. Pero kahit na ganoon sya ay hindi ko pinigilang...