"Huh? Hindi ha, bakit naman?" kalmado nyang sagot saakin.
"Ayiie, ayaw pa amining nagseselos sya! Amin-amin din, pag inamin mo tatanggapin naman kita ng buong-buo! Welcome na welcome ka dito sa puso ko pre! Alam mo yan."
Pinilit kong abutin yung ilong nya para pisilin ito kasi ang cute-cute nya ngayon. Hindi malaman yung reaksyon ng mukha nya kung matatawa sya or sisimangot eh. I don't know kung cute yun para sa inyo pero ang cute ng mukha nya nung gawin nya yun. Bahala kayo kung hindi nyo feel. Kanya-kanya daw taste yan.
"Wag ilong ko, yung ilong mo na lang."
"Ayoko, pango ilong ko eh! Mas gusto ko yung ilong mo, matangos." sabi ko sa kanya, habang halos hindi makahinga sa kakatawa sa ginagawa ko sa kanya.
"Tara na sa room." hinawakan nya yung dalawang wrist ko para pigilan ang pangungulit ko sa kanya. Pero wala eh, likas akong makulit. Nag-pout na ako ng nguso pagkasabi nya nun at sinabing, "ang haba pa ng break natin eh! Dito muna tayo sa garden, ang ganda nung mga bulaklak dito eh."
Lumayo ako sa kanya at tumingin-tingin sa mga bulaklak. Ang ganda dito, feeling ko princess ako bigla. Parang gusto kong kumanta ng For the First Time in Forever habang naglalakad-lakad. Hindi naman talaga umalis Lawrence, bagkus umupo sya sa isang upuan sa garden at inilabas yung cellphone nya. May ginagawa sya pero ewan ko kung ano.
Bigla syang napasigaw sa kinauupuan nya kaya nagulat naman ako.
"YES!"
"Ay anak ng pating! Anong nangyari?"
"Wala, na-beat ko lang yung top score ko." sabi nya habang tuwang-tuwa na bumalik sa kinauupuan nya, napatayo pa talaga sya. Grabe naman ma-carried away itong lalaking ito, kung 'di lang talaga kita love.
"Anong nilalaro mo?" umupo na ako sa tabi nya at nakipag-kulitan. Naglalaro sya nung parang piano, yung Don't Tap the White Tile. Dahil, inggitera at mapagpatol ako kinalaban ko sya sa laro na iyon. At inubos namin ang oras namin sa kakalaro sa garden.
Makalipas ang ilang oras, bumalik na din kami sa classroom at nag-simulang mag-aral. Kahit medyo topakin ako, nag-aaral naman akong mabuti. Hindi nga lang ako 'sing talino ni Albert Einstein pero pwede na din.
Pagkatapos ng klase at habang nag-aayos ako ng gamit ko, narinig kong nagsalita si Lawrence dahil halos katabi ko lang sya sa upuan.
"Wag ka nang sumama dun, baka ano pang mangyari sayo."
"Selos." pang-asar na sabi ko na naman sa kanya. Inayos ko yung mukha ko at buhok ko. Nag-face powder ako at lipstick ulet at may bagong dagdag sa collection ko, ang blush on.
"Bahala ka, magkita na lang tayo sa bahay."
Pagkasabi nya nito ay tumayo na sya at naglakad palabas ng classroom. 6:00 PM na din at medyo madilim na sa labas. Pero dahil nakapagbitiw na ako ng salita kay Chris mukhang kailangan ko talagang tuparin iyon. Sinundan ko ng tingin si Lawrence at nakita ko si Chris na nakatayo na sa labas ng classroom namin. Napahinto pa saglit si Lawrence sa harap nya at nagpatuloy na ding maglakad.
"Hi!" bati nya saakin.
"Hi." malakas na sagot ko naman sa kanya with matching tayo at kaway na akala mo ang kausap ay nasa kabilang isla pa.
"Tara na?"
"Sige, pero sana wag tayo masyado mag-tagal ha? "
Lumabas na kami ng building at nakita ko si Lawrence na naglalakad papalapit sa driver namin. Gusto ko syang kalabitin kaso nahihiya ako kasi magmumukha akong tanga eh. Aamin akong crush ko sya tapos sasama ako sa ibang lalaki. Don't worry Lawrence my love, friendly date lang 'to and please kindly erase the date.
BINABASA MO ANG
Wrong Love (COMPLETED)
HumorAminado ako. Ako ang unang nagkagusto sa kanya, paano ba namang hindi ako mahuhulog sa tulad nya, eh ang gwapo-gwapo nya as in at super talented pa. Ayun nga lang, tipid syang magsalita at medyo snob. Pero kahit na ganoon sya ay hindi ko pinigilang...