"Finally!" Mahinang wika ko saka nag-unat ng aking mga kamay bago ko inayos ang damit na aking suot.
Ibinaba naman sa coaster ang dalawa kong maleta. Iniabot iyon sa akin ni Carl, kapwa ko atleta.
"Iyan na po maleta mo ateng matahimik." Nakangiting sabi niya as akin.
"Thank you." Nakangiting pasasalamat ko sa kaniya.
"Uuwi kana ba nyan?" Tanong nito sa akin. Umiling lang ako bilang tugon sa kaniyang tanong.
"Saan ka n'yan ateng matahimik? Halika hatid kita para hindi ka mabigatan sa dala mo." Wika nito. Napangiti na lang ako sa kaniya. Kung sanang si crush lang nagsabi nyan sa akin baka sakaling kulay kamatis na sa sobrang pula ang aking mukha sa sobrang kilig.
Pasimple ko tuloy iginala ang aking mga mata at nakita ko ang mga pamilyar na bulto ang naglalakad papalapit sa aking direksyon.
"Huwag na wale (bunso) nandyan na 'yong mga friends ko. Salamat na lang ng marami. Uwi kana para makapagpahinga ka na rin." Wika ko sa kaniya. Natawa naman siya ng mahina ng tinawag ko na naman siyang wale.
"Sige ate, bye na. Congrats ulit!" Masiglang paalam niya sa akin at saka na tumalikod habang bitbit bitbit ang sarili niyang maleta.
"Welcome back Ti!" Masiglang bati sa akin ng aking mga kaybigan saka isa isa nila akong niyakap.
"Miss you so much Aliyah!" Sabi ni Rose sa akin habang nakayakap sa akin.
"Miss you too, ti" sabi ko sa kaniya.
"Kamusta laban wal?" Tanong naman sa akin ni Elise.
"Haha. Bronze lang ehh." Mapaklang sabi ko saka bahagyang ngumiti.
"Wow! Congrats!" Sabi naman ni Sophia.
"Not bad for a newbie like you. First time mo yan and look, bronze is not bad at least may nakuha, hindi ba?" Sabi ni Elise sa akin na aking ikinangiti. I hug them and they hug me too. I really miss this 3 gals.
"Bye ate aliyah! See you around! Mauna na kami sa iyo." Pagpapaalam ni beth sa akin. Kasamahan kong chess player din.
"Ingat." I wave to them saka ngumiti.
"Tara sa guidance?" Aya sa amin ni Rose. Tumango lang ako saka tinulungan nila ako sa mga bitbit ko.
"Close na kayo nyan?" Pabulong na tanong sa akin ni Rose. Napakunot ako ng noo sa kaniyang itinanong.
"Huh? Nino?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Aist! Never mind!" Mahinang wika niya saka niya ako inirapan. Babaeng to? Kauuwi ko lang nyan ah?
Naunang pumasok si Sophia sa guidance at sumunod na kami.
"Congrats!" Masayang Bati nila sa akin ng makapasok ako sa loob.
"Thank you." Nakangiting tugon ko sa kanila.
"Kamusta laban n'yo?" Tanong sa akin ni ma'am Hizon. Guidance counselor ng school namin. Adviser namin mga student peer facilitators.
"Bronze po ma'am." Pagbabalita ko sa kaniya.
"Wow naman. Be glad and thankful, it is your first time but look, nakapag bronze kapa." Nakangiting wika niya sa akin.
"Yes po." Sagot ko sa kaniya.
"Liyah! Size 9 sakin ti!" Bungad sa akin ni Alex. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Size 9 namang pinagsasabi mo dyan? Ano ako balik-bayan? Ay nako Alex kadarating ko lang lubayan mo ko. Mapagal Ku.( pagod ako)" Nakakunot noong sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Checkmate
HumorLoving him from a distance is painful. Loving him without assurance that he will love you back is hilarious! But isn't it the real essence of love? To love ... Love.... Love... And love someone without waiting to love you back like the way you d...