"Miss, pa sign po ng clearance." Sabi ng bagong pasok na babae.Nakangiting tinanggap ang kaniyang clearance. . .
'Tourism'
Maganda ito, matangkad, balingkinitan ang katawan at may magandang ngiti.
Iniabot ko sa kaniya pagkatapos itong matatakan.
Ibinalik ko ang aking tingin sa binibilang Kong form.
Abala ako sa pagbibibilang ng may biglang naglapag ng isang Tupperware na may lamang-
"CARBONARA!" Takam na takam na sabi ko! Inangat ko ang aking tingin sa naglapag.
Si Elise..
"Diba Hindi ka kumakain nyan?" Nakangising sabi ko sa kaniya!
"Oo nga." Maikling sabi niya.
"Eh kanino yan?" Mabilis na tanong ko sa kaniya.
"Sa iyo!" Nakaismid na sabi niya!
Pero teka!? Tama ba ang narinig ko?
"A-akin?" Nahihiwagaang tanong ko sa kaniya. "Hindi ka nag bibiro? Wal masamang Biro 'yan alam mo 'yan." Ulit na tanong ko sa kaniya malapad ang ngiti ko habang naninigurado ang tingin.
"Oo sa iyo yan! Hindi ka sana malusawan!" Natatawang sabi niya!
"Bastos kang babae ka ah!" Kunwaring nakasimangot na sabi ko sa kaniya.
Binuksan ko ang Tupperware at saka ang inabot na tinidor ni Elise.
Ang bango! My g! Amoy pa lang nakakatakam na shocks.
Madali kong tinikman into at Hindi nga ako nagkamali masarap nga!
Busy ako sa pagsubo ng lumapit sila Rose at Sophia.
"Wow! Penge!" Sabi ni Sophia ng makita into ang carbonara.
Iniabot ko sa kanila ang tinidor saka nila ito tinikman.
"Kanino galing 'to?" Tanong sa akin ni Rose.
"Kay Elise." Malapad na ngiting sabi ko saka uminom ng tubig.
"Anong akin?" Nakataas ang isang kilay na sabi nito. Napakunot naman ako ng noo sa narinig.
"Hindi ba dala mo 'to?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Oo nga." Sagot naman nito.
"Edi sa iyo galing?" Sabi naman ni Rose.
"Hindi nga sa akin eh." Pilit naman ni Elise!
"Ang gulo mo Elisa!" Nakasimangot na sabi ko sa kaniya.
Tinawanan lang ako ng gaga!
"Are you done?" Sarkastikong sabi ko sa kaniya.
"Oo na! Hindi nga kasi sa akin galing 'yan! Alam n'yo namang Hindi ako kumakain n'yan eh. Pinaabot lang sa akin sa labas." Malapad ang ngising pag-amin niya!
"Pinaabot?" Tanong ni Sophia na nakakunot ang noo.
"Nino?" Curious na tanong naman ni Rose!
"Nino pa ba?" Gatong nito sabay abot sa akin ng note! "Tinanggal ko muna 'yan kasi baka himatayin ka di mo makain 'yan eh. Alam ko naman favorite mo yung nagbigay- este! Favorite mo 'yan!" Natatawang sabi ng bruha!
Thank you for helping us! As a thank you gift please accept this.
I know it's your favorite! Eatwell Reign.-Klein
BINABASA MO ANG
Checkmate
HumorLoving him from a distance is painful. Loving him without assurance that he will love you back is hilarious! But isn't it the real essence of love? To love ... Love.... Love... And love someone without waiting to love you back like the way you d...