Chapter 5

8 1 0
                                    


Today is the last day of the academic year 2018-2019.

Wala na ang mga cute na cute na batang makulit dito sa school dahil nauna na silang nagbakasyon sa amin.

Tapos naman na exam namin so clearance na lang.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid ng campus.

Maaliwalas. Tahimik na rin.

Bumaba na ako sa grand staircase ng school namin na sa entrance ng school. Ang ganda nga eh, daig mo pa 'yong prinsesa ka na bumababa mula sa hagdanan every time na papasok ka sa school. Tapos nasa baba, last step ng hagdan nandoon naghihintay sa iyo ang prince charming mo habang may hawak na bouquets of blue rose .hahaha

"Hi! Pwedi bang sumabay?" Nawalan ako ng balanse ng matapilok ako ng dahil sa gulat ng may biglang nagsalita sa tabi ko!

Naramdaman ko na babagsak ako kaya napapikit na lang ako!

Ngunit imbes na sahig ang pagbagsakan ko ng may maramdaman akong bisig na kumabig sa bewang ko upang hindi ako tuluyang lumagapak sa hagdanan at magpagulong gulong pababa ng hagdanan!

"T-thank you..." mahinang sabi ko kay Harvey. Hindi ko siya magawang tignan dahil sa lakas ng pagkabog ng aking dibdib dahil sa kaba.

"Are you okay?" Tanong naman niya ngunit tanging tango lang ang aking nasagot dahil sa kaba!

"Ehem!" Bigla akong naalarma ng may biglang tumikhim at narealize ko na hawak hawak nya pa rin ako sa bewang!

My goodness! Dali dali akong nag-ayos ng tayo ko at hinarap ang tumikhim.

"Aliyah! Anong nangyari?" Nakangising tanong ni Vera, kaklase ko.

Shocks! Bat ba nakita pa ng babaeng 'to?

"Ah- eh, muntik na kasi akong mahulog sa hagdan kanina natapilok kasi ako." Sabi ko dito saka na nilingon si Harvey. "Tara na" aya ko dito at iniwan na si Vera!

"Thank you pala ulit." Nahihiyang sabi ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya bilang sagot.

"Thank you din pala. " sabi niya. Napakunot naman ako ng noo.

"Saan?" Tanong ko sa kaniya.

"Malapit na naming matapos 'yong project namin. Thank you sa pagtulong mo sa amin. Hindi kasi namin alam paano gagawin eh. "

"W-wala 'yun. Kaya naman eh.." Mahinang sabi ko sa kaniya.

"Saan ka n'yan?" Tanong niya sa akin.

"Sa guidance lang." Mailing sabi ko sa kaniya. Tumango ito saka pinulot ang panyo ko. Nahulog pala Hindi ko namalayan!

Nahihiya ko namang tinanggap ito..

"Salamat." Mahinang sabi ko ngunit sakto lang upang marinig niya.

"Tara?" Aya niya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot  at bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka marahan akong hinila upang magpatuloy ng maglakad!

Hindi ko alam kung babawiin ko ang kamay ko mula sa kaniyang pagkahawak ngunit!

Sa pagsalikop ng aming mga palad animo may kuryenteng dumaloy sa akin katawan . kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng aking dibdib na animo may kabayong nagkakarerahan sa loob nito!

Nais ko sanang magsalita ngunit animo wala akong salitang maisatinig!

Magkahawak kamay kaming naglalakad sa hallway!

'Is this for real!?'  Tanong ko sa aking sarili!

Tinignan ko ang aming mga kamay na magkahawak parin! Napahawak ako sa aking dibdib na walang humpay sa pagwawala nito sa bilis ng kabog.

CheckmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon