I was sitting at the sofa here in Guidance office when suddenly Elise slap me!'Damn!'
Mahina lang naman but still! It shocked me!
Tinignan ko siya ng masama! Pero tinawanan lang ako!
"Ano bang problema mo!?" Singhal ko sa kaniya. Pero tawa lang siya ng tawa . Naman ne!?
"You know what? Kung nakakamatay lang ang tingin kanina ka pa nangisay d'yan!" Dagda ko sa kaniya.
"Ang seryoso mo kasi!? Nasaan ba isip mo? Mukhang lumilipad kung saan!" Natatawang sabi niya sa akin
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ayoko na magsalita.
"Ah! Alam ko na!" Bilang sabi niya na animo nagkaroon ng light bulb sa ulo!
'Huh!'
"Anong kalokohan na naman yang naisip mo' ELISA!?" Singhal ko ulit sa kaniya. Naiinis kasi ako ehh!
"Hahahaha. Nasa Engineering dept---" Darn!
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya dahil tinakpan ko na ang kaniyang napaka daldal na bibig!
"Hahahaha" tawa pa ng babaita!
"Bwisit!" Sabi ko saka ako umalis sa tabi niya at lumipat na sa isa sa cubicle sa loob ng office.
"Oh bakit nakasimangot ka?" Tanong naman ni Rose.
"Papaano sinasabi ko lang ang totoo kung nasaan nagpunta ang lumilipad niyang isip nagagalit siya! Hahahaha" biglang singit ni Elise na sumunod pala sa akin! Hmp!
"Bakit nasaan ba? Haha." Natatawang tanong ni Rose. Isa pa 'to! Sinamaan ko naman ng tingin si Elise na wala paring humpay ang pagtawa!
"Nasaan paba edi nasa ENGINEERING DEPARTMENT!" sabi niya saka sabay tumawa ng tumawa! Na ikinatawa rin ni Rose!
"Magkakabag ka sana!" Nayayamot na sabi ko Kay Elise ngunit Hindi ako pinansin at patuloy pa rin sa pagtawa ang baliw!
"Tara!" Biglang sabi naman ni Sophia na kabubukas lang ng pinto. Napakunot noo naman ako.
"Saan?" Tanong ni Rose.
"Hahaha anong tinatawanan n'yo dyan?" Sabi ni Sophie imbes na sagutin ang tanong ni Rose.
"Paano si Al---" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Elise at ako na mismo tumakip sa kanyang bibig! Na ikinatawa ni Rose at ni Sophia.
"Tama na nga yan halika na punta tayo sa likod! Miryenda tayo." Natatawang sabi ni Sophia sa amin.
"Walang maiiwan dito kayo nalang." Sabi ni Rose sa amin.
"Ay sasamahan ko na lang siya rito. Pabili na lang ako." Sabi ko kila Sophia.
Bahagyang tumahimik ito saka tumango.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Elise sa akin.
"Carbonara kung meron. O kaya chicken nuggets na lang kung wala." Sabi ko sa kanila sabay abot ng pambili sa kanila.
"Ikaw Rose?" Tanong ni Sophia Kay Rose. Umiling ito saka ngumiti .
"Sige alis na labas na kami. Kayo na muna bahala dito." Sabi naman ni Sophia.
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Rose. Tumango naman ako saka napakunot.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala. Hahahaha" sagot niya saka tumawa ng tumawa.
"Ano ba! Haha minsan alam mo Hindi ko alam kung galit kana o ano. Kasi naman Aliyah, mag dagdag ka naman ng expression mo. " sermon niya sa akin napapailing na lang ako't pinakikingan ang sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Checkmate
HumorLoving him from a distance is painful. Loving him without assurance that he will love you back is hilarious! But isn't it the real essence of love? To love ... Love.... Love... And love someone without waiting to love you back like the way you d...