Weeks go on.
Pagkaapak ko pa lang ng aking mga paa sa kalsada pababa ng jeep ay nagmamadali na akong naglakad papunta ng school.
'Late na ko! I'm dead! Bakit ba kasi ang tagal kong nakatunganga sa salamin kanina eh!'
Lakad, takbo ang ginagawa ko dahil late na talaga ako. Mag fa-facilitate kasi kami ngayon ng seminar for graduating student at ako ang naka assign sa registration kaya kailangan umabot ako sa oras.
Ng makapasok ako sa school ay dali dali Kong tinahak ang daan patungo ng auditorium dahil doon gaganapin ang seminar.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita Kong wala pang eatudyante doon na a attend ng seminar kundi mga kasamahan ko lang na peer pa lang at inaayos ang venue.
"Late ka!" Pang-aasar nila Elise sa akin.
"Alam ko! Huwag mo ng ipagsigawan!" Mataray na sagot ko sa kaniya na kaniyang ikinatawa.
Agad na akong naupo at sinimulang ayusin ang mga attendance sheet. Pagkatapos syempre nag-ayos ng itsura dapat kase presentable pa rin naman!
Sakto naman pagkatapos ko ay dumating na si ma'am
Hizon.Nag-aalangan siya kasi anong oras na wala pang dumarating na estudyante.
"Mamaya may darating man o wala the seminar will go on. Kayo na lang I se-seminar namin. Advance n'yo na.": Biro nito sa amin.
"Ma'am ayan na meron na!" Natutuwang sabi naman ni Elise ng may nakita siyang student na pumasok sa auditorium.
"Mukhang konti lang ang darating ngayon, sige na doon muna ako kayo na bahala dito check ko lang 'yong doon sa harap." Sabi niya at tumango lang ako bilang tugon bago siya tumalikod sa amin.
Mangilan ngilan lang ang mga estudyanteng dumarating. Bawat papasok sa entrance ng auditorium ay tinitignan namin. Biglang may pumasok na dalawang pamilyar na pamilyar na estudyante.
"Wal crush mo!" Mahinang sigaw ko Kay Elise saka ko siya pasimpleng sinipa sa paa. Agad naman itong napalingon saka mabilis na sinulyapan ako at pinanlakihan ng mata.
"Oo kasama niya si ano mo!" Ganting sabi nito. Tinaasan ko lang siya ng kilay . inayos na niya ang attendance sheet at pinapirma na niya ang crush nya. Kinikilig ako para sa kaniya. Nakita ko namang lumapit si Sophia upang kuhanan ng picture si Elise. Syempre captured din pati crush niya. Bawat anggulo ay kinukuhanan nya ng picture sina Elise saka si Liam .crush ni Elise. Sinasamantala ang pagkakataong makuhanan sila ng picture.
"Good morning. " napaangat ang ulo ko upang tignan siya.
"Good morning din." Ganting bati ko Kay Harvey saka ngumiti. Oo nandito rin siya. Kasabay siya ng crush ni Elise na dumating.
"Kailangan pa bang pirmahan 'to?" Tanong niya sa akin saka ipinakita ang program na ibinibigay namin sa kaniya.
"Kahit huwag na. Ayos na yan... Basta mag-aattendance lang. " wika ko sa kaniya. Tinitignan niya ako sa mata Hindi ko alam kung bakit kaya nag-iwas ako ng tingin.
Hindi ko kasi kayang makipagtitigan sa kaniya ng matagal. . . pakiramdam ko mamumula ang making mga pisngi baka makita n'ya pa!
"Saan?" Tanong niya habang Hindi nag-aalis ng tingin sakin. Muli ko siyang tinignan sa mata.
"Dito yung attendance ng mga boys. Any course naman 'yan. Attendance kasi ng girls hawak ko eh." Sabi ko sa kaniya. Tumango siya saka matipid na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Checkmate
HumorLoving him from a distance is painful. Loving him without assurance that he will love you back is hilarious! But isn't it the real essence of love? To love ... Love.... Love... And love someone without waiting to love you back like the way you d...