The Stalker (gxg)

10K 57 15
                                    

'' miss nahulog mo sa jeep '' tumingala ako sa paa ng babae na nasa harapan ko. Nasa tapat na ako ng gate ng UNI. at napahinto para magsintas ng sapatos.

I saw a girl who's wearing the sweetest smile I've ever saw in the entire university. Alam ko na same school kami dahil nakalagay sa id niya just not so sure kung anong course.

'' oh salamat ha, ngayon pa naman ang pasahan nito naku! kung hindi dahil sayo mapapawalang saysay ang ginawa kong pagpupuyat kagabi '' saad ko pagkakuha ng foulder na hawak hawak niya.

'' walang anuman mabuti nga same school tayo '' ngumiti ito sa akin kaya tipid akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Ang ngitian niya kasi iba.

I'm not that friendly rin naman talaga. Dalawa lang kaibigan ko at wala na akong balak dagdagan pa. I don't easily give my trust to anybody. Mahirap magtiwala sa kung sino sino lang lalo na sa panahon ngayon. Trust is like a solid knife. It bleeds you when someone breaks it.

'' ah eh oo nga eh ''  tipid kong sagot.

Pakiramdam ko ay gusto pa na makipag usap sa akin nitong si girl. Iba talaga makatitig parang may...ahm...basta iba, naiilang ako. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

'' sige pasok ka na '' sabi niya.

'' o....okay thanks again '' at nagpaalam na ako. Naiwan lang naman itong nakatayo at nakatingin pa rin sa akin.

'' uy Ava okay ka lang? bakit parang nagmamadali kang maglakad? '' tanong sa akin ng kaibigan ko na si Marikar habang sinasabayan niya ako sa bilis ng paghakbang patungo sa classroom.

'' huwag ka ng magtanong bilisan mo na lang ang lakad mo! '' madiin kong sabi, yun naman ang ginawa ni marikar.

Nang makarating na kami sa classroom ay kaagad kaming sinalubong ni agnes, ang pangalawa at huli kong kaibigan.

'' anyare at bakit pawis na pawis kayo? may marathon bang naganap na hindi ko namamalayan? '' tambad nito agad sa amin.

'' ewan ko dito kay ava at nagmamadali maglakad mukhang may tinataguan hooo! '' hingal naman na sambit ni marikar habang nagpupunas ng pawis sa noo at leeg.

Hinila ko ang dalawa ng mabilis at umupo. Inilapit ko ang mukha ko sa dalawa na parang bubulong.

'' kasi there was this girl na binalik yung foulder ko na accidentally naiwan ko sa jeep and.... '' napatigil ako dahil dumaan yung babae na tinutukoy ko, nakaupo kasi kami sa gitnang bahagi ng classroom tas dumaan siya wearing the red dress, may kausap siya pero the time na tumapat siya sa pintuan tumingin siya sa akin hanggang sa makalampas na.

'' hoy ava ano na? '' nakatingin din yung dalawa sa pinto.

'' dumaan siya nakita niyo? ''

'' sino? '' sabay na tanong ng dalawa.

'' yung babae na nagbalik ng foulder ko. ''

Napakamot ng ulo si agnes.

'' hindi mo pa nga tapos yung kwento mo, malay ba namin '' kumakamot pa rin ito.

'' tsk, so yun nga pagkakuha ko, for the first few moments nakyutan ako sa ngiti niya, ang sweet kasi pero after that nailang ako bigla. Mukhang may balak '' tamang hinala kong turan. Magkasabay inilayo ng dalawa mga ulo nila.

'' pssshhh naku ayan na naman tayo sa pag iisip mo ng di maganda sa kapwa mo tao noh ewan sayo ava! '' si agnes. Sumandal ito sa upuan, mukhang hindi na naman naniniwala sa gut feelings ko.

'' ano ka ba, this time tama na ako. Kung nakita nyo lang hitsura niya. Mukha siyang party girl. Singkit ang mga mata, mapula ang lipstick at maiksi ang shorts. See? school kaya 'to at yung babaeng yun ay may gana na magsuot ng shorts tsk ''

One Shot Stories (gxg /bxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon