Online Game Part III

657 4 0
                                    

'' akala mo hindi ko malalaman na ikaw ang may gawa ng mga sugat ko sa mukha, malaki ka lang pero kayang kaya kita! '' patuloy na pagbabangayan nina mostafa at ni durak patungkol sa pagsuntok ng huling pangalang nabanggit sa una.

Naglalakad sila sa unahan ni angel tapos ako. Hindi ko sila binibigyan ng kaukulang atensyon, ang sakit kasi ng sampal ni angel kanina. Bastos daw ako? hindi na nga nagpasalamat sa akin sa pagkakaligtas ko mula sa hipnotismo ay ito pa ang naabot ko. Hindi ko akalaing may pagka magaan pala ang kamay niya na isang karakter sa laro na walang ginawa kundi ang  magbasa at sumulat.

Dati nga tinatanong ko sya sa monitor kung ano pinaglalagay niya sa dalang notebook, at eto na nga alam ko na mga witchcraft pala. Biruin mo may paganyan ganyan siya? galing! Anghel tapos witchcraft?? bagay na bagay.

Napatingin naman ako kay angel. Yung paglakad niya at yung paggalaw ng bewang niya sa bawat paghakbang.

Bigla namang uminit pisngi ko na parang nagpapaalala na tumigil ako sa kamanyakan. Graaabeee humahanga lang naman ako, manyak agad agad? Ano kaya yun.

Hawak pa rin ang aking pisngi ay pinagpatuloy ko ang paglalakad, nang nagsalita si angel.

'' nandito na tayo! ''

Nagsitigil ang iba pang mga mandirigma.

'' dito na ba yun? '' tanong ni narifa.

'' yes dito na ''

'' ang alin? '' tanong ko naman.

Sabay sabay nila akong tiningnan na parang bata na walang muwang sa mundo. Napakamot na lang ako ng ulo. At umiwas ng tingin, manlisik ba naman kasi yung mga mata ni angel sayo tsk! nahiya yung pisngi kong namumula pa rin.

'' tara na! '' asik nya sabay hila.

'' s-san??? '' tanong ko na kinakabahan na.

Baka kasi ihulog na niya ako at di lang basta pagsampal. At totoo nga dinala niya ako sa tuktok ng burol na hindi ko namalayan na meron pala. Ang hangin ay halos lunurin na ako at tangayin sa sobrang lakas, isama mo pa ang biglaang pag ulan ng meteorites. Nakakamangha talaga. Napanganga na lang ako sa sobrang dami at ganda.

'' hoy jonas tingin dito ''

Nang hindi ako tumingin ay saka ako nito sapilitang pinaharap.

'' ano? '' mahinahon kong pagtanong, nakakatakot pa rin hitsura niya eh. Ang sungit.

Nagulat ako ng may sinuot siyang singsing sa daliri ko. Maluwag ito nung una tapos ng kumapit sa daliri ko ay humigpit na at kumasya. Titig na titig pa rin ako dito ng may inabot siya sa akin na katulad ng suot ko.

'' suot mo dali! ''

Nagmamadali lang? Nandilat na naman mata niya kaya wala akong naging choice kundi ang isuot iyon.

'' and you may now kiss the bride '' napatalon ako sa gulat ng lumitaw sa pagitan namin ni angel ang ulo ni king drakult.

Nagka crack na ang ulo nito, para siyang rebulto na binato ng mga batang paslit. Anong nangyari? at bakit siya nagsabi ng....

'' wait anong kiss the bride? '' napairap ang ulo. Ang sagwa pala haha.

'' Mahahalikan mo na ang iyong asawa ''

Ya!tinagalog lang anong akala nila boplaks ako sa english? nag english 1 at 2 kaya ako pati nga 3 eh.

'' alam ko naman ibig sabihin nun, eh bakit bride? yun ang tanong ko. ''

Napailing na lang ang iba pang mandirigma.  Parang sinasabi nila na ano ba ang tanga mo!

'' kayo ay mag asawa na, kailangan kayong makasal para mapagsama ang inyong kapangyarihan na ipagkakaloob sa inyo ng dalawang tumpar na singsing. '' aapila na naman sana ako ng pinatigil ako ng ulo.

One Shot Stories (gxg /bxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon