Fave Part 4

446 5 1
                                    

'' panget look mo, lalo kang pumangeeet. Eyebags mo taas at baba na. Hahahaha, panda lang? hahaha '' pambubully ko kay jek ng hapon na kami ay magkita na.

Dahil nga umaga na kami natapos sa pagkukwentuhan kanina kaya nagising kami pareho ng hapon na. Dali dali itong tumakbo patungong banyo sa baba ng lounge. Pagkalabas ay nagmadali rin siya na lumapit sa akin.

She's pouting her lips na akala mo ay kina-cute niya ng sobra.

'' mukha na akong panda bru? '' ngayon ay yan na ang tawag niya sa akin, pinaikling bruha.

'' oo mukha ka ng panda pero mas lamang pa rin ang pagigi mong kingkong gawa sa balbon mo na hindi maitago. Tapos idagdag mo pa ito '' tinuro ko ang guhit guhitan niyang kulay sa balat.

'' zebra '' sabi niya.

Umitim kasi siya kahapon at wala syang suot na jacket. Feeling di tatalban ng init ng araw. Ayan tuloy.

'' true haha,grabe kunti na lang may zoo ka na ''

Ganito na kami mag-usap ni jek, walang ilangan. Madalas pa puro kulitan at tawanan.

'' gaga ka kasi hinihiram ko yang jacket mo, ayaw mong ipahiram '' at talagang ibinalik pa sa akin ang sisi.

'' excuse me? Yung jacket ko ay ako ang may suot, ako ang nagdala at ako ang maglalaba, so bakit ko ipapahi -- '' hindi ko na natuloy pa sasabihin ko ng bigla niyang hinila ang hood ng suot ko ngayon na pulang jacket. Mula likod ay dinala niya ito sa harapan para ipantakip sa bibig ko.

'' ummmm wag ka na mag ingay at malamang di yan kasya sa akin. '' pagbibiro nito habang nakangiti, napapadalas na nga rin pala ang pag ngiti ngiti nito kahit kay trina. MINUS THREE SA KASUNGITAN.🤭

Pinalo ko kamay niya. '' grabe ka talaga kahit kailan, pati jacket ko papakain mo sa akin. '' anggil ko. Ngumiti na naman ito at nagyaya nang paalis.

Sa mga natitirang araw ay kaming dalawa na lang ni jek ang parating magkasama. Tinungo namin ang iba't ibang lugar. Ilan dito ay ang mga sumusunod.

Honesty Coffee Shop.

Wala ditong bantay o kahit sino man, ang mga kinuha nyong paninda ay kusa niyo at matapat na babayaran.

House of Dakay

Ang pinakamatandang bahay na yari sa bato sa buong probinsya. Ang isa sa masasabi mong dapat bisitahin. Ang mga batong dingding ay pinanatili mula nung gawin ito. Samantalang ang bubong na cogoon ay pinapalitan tuwing dekada.

San Carlos Borromeo Church

Ang simbahan na binigyang titulo bilang National Treasure noong 2011.

Tinungo din namin ang Ruins of Song Song ang lugar na sinira at sinalanta ng tsunami noong 1950. Dahil sa pangyayaring ito ay lumisan ang lahat ng nakatira dito at itinuring ito ghost town na ngayon naman ay isa ng tourist attraction.

At ang pinakahuli namin sa lahat ng gala at pagbisita ay ang Rakuh a Payaman (marlboro hills). Ang paligid ay puro green, sobrang lamig ng hangin dala ng dagat at sobrang aliwalas ng paligid. Eto ang isa sa paborito kong moment.

Naupo kami ni jek, pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Nanahimik lang ako dahil ganun din siya. Mga ilang minuto din siguro kami na nasa ganitong posisyon bago siya naunang magsalita.

'' alam mo ba na..... ''

'' hindi ko pa alam '' pag singit ko.

Hindi ko alam kung anong mahika ba ang meron sa higanteng ito dahil nawala sa kanya ang hiya ko. Kung dati ay palagi akong ilag sa pagtitiwala at pakikipag usap, sa kanya iba. I feel comfortable talking to her, be with her. Sa ikli ng araw na magkasama kami ay masasabi kong may iba sa kanya.

One Shot Stories (gxg /bxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon