Online Game Part II

924 2 0
                                    

'' hindi nga ako ang king drakult niyo, ako si Jo.nas!!!! '' paulit ulit kong pagkumbinsi sa kanila. Ramdam ko pa ang sakit ng pagkakasuntok sa mata ko kanina ng pangit na halimaw na mandirigma na yun.

'' king drakult gamutin po natin yang itim mo sa mata '' makailang offer na rin ni Narifa.

'' hindi nga ako sa drakult! ako si -- ''

'' JONAS!!! '' sabay sabay nilang pag uulit.

'' Yown! nagets niyo rin. Hindi ako mandirigma at hindi ako taga dito '' umupo ako sa putol na puno dito sa labas ng palasyo nina mostafa na isa rin palang dugong maharlika. Kung pano siya naging mandirigma? it's history daw. Arte!

Nakasalumbaba ako at naghihintay ng kanilang sasabihin pero nakatitig lang din sila.

'' hay! ''

'' drakult! '' may tumawag sa likod ko. Sumagot ako ng hindi lumilingon.

'' Hindi nga ako si draku.....lt '' pahina ang aking boses ng makita ko ang isang napakalaking ulo na lumulutang sa harap ko. Nagsitayuan ang mga mandirigma at nagbigay galang. Ang ulo ay ang totoong drakult.

'' i-ikaw? a-anong nangyari? b-bakit ka nagkaganito? ''

'' mahabang kaganapan. Ako ang dahilan kung bakit ka nandito. Sinugo ko si angel para dalhin ka. ''

'' pero bakit? ''

'' may misyon ka ''

'' misyon? ano naman ang maitutulong ko dito? '' napapakamot na ako ng aking ulo.

'' Kailangan mong patayin si sarmon ''

Talagang nahulog ang panga ko sa lupa. Nababaliw ba sila? ni hindi ko mabuhat ang espada niya, ang bigat nito at kahit magawa ko man ay hindi ako marunong gumamit.

'' Bakit ako? normal na estudyante lang ako. Walang alam bukod sa pagalawin kayo gamit ang keyboard at mouse ''

'' alam ko, pero may angkin kang talino sa paglaro at yun ang kailangan ng grupo para magpunyagi sa paglusob kay topas ''

'' kami na pong bahala sa kanya king drakult '' nakisabad si mostafa. Tumango ang ulo atsaka nawala.

'' saglit! ''

'' jonas yun ang utos ng hari. Hindi mo kailangan magbuwis ng buhay. Maaari mo kaming gawin na pananggalang sa palaso o mahika ''

'' wala talaga ako balak magpakamatay noh! '' sagot ko. Mukhang di naman nila naintindihan na magkasing kahulugan lang ang dalawang salita.

Maya maya pa ay lumitaw si angel. Naka armor na din ito at nakapuyod ang napakahabang buhok. Mapula pa rin ang mga labi. Tumingin siya sa akin at ngumiti, ang ganda!!!!!!!

'' yumao na tayo mga kasama '' pasimuno nito atsaka nagsimulang maglakad ang mga mandirigma.

'' saglit!!! san tayo pupunta???? '' kinakabahan kong pagtanong. Lahat sila ay nakatingin sa akin na parang sinasabi na seryoso ba ako sa tanong ko?

'' isasakatuparan ang misyon '' sagot ni ikwela na nakangisi.

'' huwag ka mag alala handa na kami '' dagdag ni angel.

'' pero ako hindi pa '' sagot ko naman na pabulong lang.

Ganun nga ang nangyari naglakbay kami sa apat na bundok at kagubatan. Madilim pa ang bawat daanan. Iba pala ang pakiramdam kapag ikaw na mismo yung character, mapagod at nakakatuyo ng pawis. Nakakamanas ng paa, bakit ba walang rubber shoes dito? Mas madali talaga ang buhay sa keyboards lang. Naglalakad ako na parang zombie ng bigla silang huminto. Tumama ang mukha ko sa hinaharap ni angel na bigla namang humarap sa dako ko.

One Shot Stories (gxg /bxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon