Fave Part 3

530 7 1
                                    

Akala ko pa naman kung anong gagawin namin sa proposal na sinasabi niya. Eh mag sosolo daw kami ng lakad at huwag ng sumama sa iba pa.

Waiiiit whuuut??? Kaming da.la.wa lang?? OH NO!!! AS IN OMG!!!?

'' siguro oa na naman naiisip mo noh '' ang sabi ng lumitaw na boses sa likod ko. Lumapit si jek at tumayo sa gawing kaliwa ko.

'' b-bakit n-naman? ''

Ayyy ano ba yan nauutal pa ako. Tsk! malamig kasi eeee...

'' magkadikit kasi mga kilay mo, kita ko from behind '' kaswal nitong sagot, o nag jo-joke ba sya? Hmmm.

Dunno.

'' ehh kasi naman sure ka ba na pwede tayong humiwalay sa grupo? ''

Humarap sa akin si jek at hinawakan ang magkabilang balikat ko para paharapin sa kanya. Ngunit bago pa yun ay may narinig kaming tunog ng kuryente. Pag dikit niya sa damit ko ay malakas itong tumunog.

'' aray! '' sabay naming pag sigaw.

'' ano ba yun, bakit may kuryente ka? '' sabi niya na pinapaypaypaypay pa ang kamay nya.

'' huh? ewan ko ganyan na ako dati pa, matapos akong makuryente nung bata pa ako. Ganito na. Nasugatan ako that time, tapos according to others na mas nakakatanda nasa loob ko pa daw ang kuryente kasi walang naging portal of exit ''

Syempre di ko din alam kung totoo yun that time. haha, ngayon alam ko naman na may tinatawag na static electricity.

'' naniwala ka naman? '' sabi niya. Yung tono na nagmamagaling.

'' oo bakit ba! bata pa ako that time. ''

kaurat to hmp. akala naman niya cute siya. Ang pangit naman.

Napangiti ako sa naisip ko. Sa salitang pangit.

*mocking grin.

At syempre napansin niya ito.

'' tara na nga, ngingiti ngiti ka pa dyan '' aya na nito at maglalakad na palayo.

'' woy saglit kapag tayo nawala tingnan mo ha. '' pagbabanta ko sa kanya. Kasi naman basta makapag isip na humiwalay sa grupo.

Dahil nga nakailang hakbang na rin siya mula sa pwesto ko ay muli itong napalingon.

'' kakilala ko yung tour guide kaya wag ka magworry dyan '' seryoso nitong saad. Mukha tuloy syang teacher gawa din sa salamin niya.

Napatango na lang ako atsaka walang nagawa kundi sumunod. Nasa likuran niya lang ako, tinitingnan ang likod niya. May dala siyang backpack na di naman kalakihan. Siguro pareho kami ng laman. Tubig, pamunas atsaka pagkain.

Naglakad kami ng naglakad sa di ko alam na lugar. Maliwanag na lang ay hindi pa rin kami nakakarating sa kung saan kami pupunta. Napapaisip nga ako kung mapagkakatiwalaan ko ba ang snob na to, na mas pinapatunayan na snob sya dahil hindi lang ako imikan. Goodness, mapapanisan ata ko ng laway sa babaeng ito.

At hindi na ako nakatiis. Hinawakan ko siya na kaagad niya namang tinanggal.

'' I don't like touching ''

Napataas ako ng kilay, eh hinawakan niya kaya ako kanina. Mukha namang narinig niya nasa isip ko.

'' I mean with bare...ahmm skin to skin ''

I pursed my lips.  '' okaaay? hindi ko naman sadya. And I'm not touchy either ''

arte!

char.

'' ano ba yun? '' tanong nito. Nakahawak ang pareho nyang kamay sa handle ng bag nya.

One Shot Stories (gxg /bxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon