Fallen Angel - Sariel (bxg)

637 5 0
                                    

Ako si Sariel ang anghel na nangarap na maging Seraphim o ang anghel na mas kilala bilang the burning ones. Sila ang klase ng anghel na pinakamalapit kay Ama dahil nagdudulot at nagbibigay sila ng dalisay na liwanag sa lahat at si Lucifer, isa siyang seraphim.

Isa siya sa pinakamagaling na anghel dahil nauungusan niya ang iba pang mga katulad namin bago siya naging fallen angel o ang anghel na pinatalsik sa langit.

Pero hindi ko na naabutan pa at nakilala si Lucifer, sayang nga eh dahil isa siya sa parang hinangaan ng ibang mas nakakatanda sa akin.

Ang susunod sa Rank of Angels (oo tama kayo may rank din kami at nagsimula pa itong pag aralan noong unang panahon siguro noong ika 5th century A.D ng isang eastern scholar na may ngalang Dionysius ).

Ang ranking namin ay depende sa pinakamalapit sa ama una na nga ang Seraphim.

Sumunod ang Cherubim - sila ang mga anghel na nagbabantay sa Lagusan ng Eden. Sila ang bearer's of God's throne. At para mas maintindihan niyo sa panahon ngayon ang mga cherubim ay yung mga chubby babies na may pakpak.

Next in line are the Thrones o mas kilala bilang many eyed ones. Sila naman yung nagsasagawa at nagsasakatuparan ng bawat nagiging desisyon ng ating Ama.

Then here comes the Dominions na kung saan ang trabaho naman nila ay para bantayan ang bawat trabaho ng iba't ibang klase ng anghel at masigurado nila na lahat ng gusto ng ating Ama ay naisasakatuparan.

Virtues or the Angel of Grace sila naman ang nagdadala ng biyaya sa mundong ibabaw. Kilala din sila bilang brilliant or shinning ones. Kaakibat nila ang katagang heroism.

Powers Ang trabaho ng mga anghel na ito ay ang mapigilan ang pagkakaroon ng fallen angels para mapangalagaan ang mundo pati ang buong universe. Binabalanse nila ang Birth and death.

The next would be Principalities - The guardian angels of cities, nations and rulers and guards against invasion of evil.

at ang susunod ay ang pinakasikat sa amin ang Archangels. Ang mga anghel na nagbibigay mensahe sa mga tao. Sila din ang god's armies na nakikipaglaban sa kasamaan.

at ang huli ay ang ANGELS - THE CELESTIAL BEING. Ano nga ba ang celestial? it means heavenly or holy. Sila ang mga anghel na pumapagitna sa makapangyarihan at normal na nilalang. Kilala din sila bilang mga guardian angels.

-------------

Papano nga ba ako naging fallen angel kung ang kagustuhan ko lang naman ay maging isang mahusay na seraphim?

Nagsimula ito noong panahong nag aaral pa ako sa Angel Academy. Ito yung lugar kung saan dito kami hinahasa para maging isang magiting at mahusay na mga anghel. Katulad ng mga tao may mga kaibigan din kami na may iba't ibang pag uugali.

Ako? isa ako sa parang bad boy look na anghel na palaging nakasuot ng kulay itim. Pero gusto ko lang naman talagang ipakita sa kanila, sa mga nakakataas sa amin na hindi naman masamang kulay ang itim. Yun kasi ang ipinamulat sa atin hanggang sa panahon ngayon.

Pero dahil sa pagsusuot ko ng kulay na ito kaya madalas akong napapatawag sa opisina. Bakit daw ang tigas ng ulo ko at hindi na lang sumunod sa patakaran? Hindi ko daw ba nakikita na ang suot nang ibang mga anghel ay puti??

Sinabi ko naman sa nakatataas na hindi naman dahil nakaitim ako ay hindi na ako mapagkakamalang anghel dahil wala naman yun sa panlabas na kaanyuan kung hindi sa panloob.

Napailing na lang sa akin ang guro namin, wala na raw may mas titigas pa sa ulo ko, ang hirap ko raw pangaralan. Papano daw ako magpapasunod sa mga nakababatang mga anghel kung ako daw ay hindi marunong sumunod?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories (gxg /bxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon