Fave Part 2

634 5 0
                                    

5 days and 4 nights ang tour. Eto yung pinili ko para naman hindi bitin at sulit ang bayad. Ang kuripot ko pa naman din. You know, sayang ang pera. Ang hirap kayang kumita.

Kinaumagahan, ay maaga na naman akong nagising mga 4am (haha) papaaga na siya ng papaaga. Baka next day 3am na then 2am then 1am... Then di n matutulog char. So kidding aside. I prepare myself na. Nagbihis ako ng kumportableng t-shirt at pants then yung paborito kong peak na sapatos. Pinag iisipan ko kung ma cap pa ba ako o hindi na, paulit ulit ako ng pag suot at pagtanggal sa tapat ng salamin. Hanggang sa '' wag na nga lang '' kasi mahangin naman.

I grab my messenger bag and aim for the door. Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako ng makita ko si snobbish girl. Halos mapalundag ako at naka all black siya tas ang itim pa naman ng hair nya at madilim pa ang buong paligid, kaya akala ko kung ano. Ang laki pa naman niya. I mean matangkad not fat or warevs.

'' g-goodmorning '' bati ko para takpan ang nakakahiya kong asal. But like yesterday, hindi ako nito pinansin. At ang mga titig nya ay talagang nakakaintimidate, nakakalusaw. Para kang hinuhubaran at hinahatulan na tumungo na agad sa impyerno kahit wala ka naman ginawang masama😱😱😱.

Syempre joke lang yun. Sadyang ganun lang ata sya?

Tiningnan ko si ano, si snob, ay si jek pala. Nagpatiuna na ito sa elevator di ko alam kung saan pupunta at maaga pa naman. Hindi man lang talaga ito bumati pabalik. Hays.

Bumaba na rin ako at naghanap ng makakainan. Sa katabi ng lodge ay may maliit na tindahan. Pumasok ako at bumili ng kape. Humihigop na ako ng may napansin ako. Si jek na naman at nag ja-jogging?. Nagsalubong ang kilay ko. Seryoso talaga pati dito sa tour ay ginagawa niya yan? Hmmm okay. Let her be sam at magkape ka na lang.

Ang let her be na sinabi ko sa sarili ko ay naging kabaliktaran. Mas lalo akong namamagnet na pagmasdan siya. Nag isa isa na naman ako sa mga suot ng babaeng ito. Branded na naman, siguro halagang 8 k pataas ang presyuhan. Yamaners ata to. Hmmmm.... Think so. Pero pakialam ko ba? Anyway makapag bayad na nga at masimula na ang second day of tour namin.

At 5am ay dumating na ang service. Naupo ako sa unahan katabi sya na nakaputing damit na. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon na tingnan tatak nito dahil baka malula na ako.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan, tulog pa ang iba naming mga kasama, at si snob ay di as usual snob pa rin. May nakasalampak itong earphone sa tenga nya at nakatingin lang sa labas ng bintana. Hindi ata ako kapansin pansin kaya ganito sya, o malabo ang mata at hindi makita ang beauty ko🤭(kidlatan na ang hindi sasang ayon).

Pano ko nasabing malabo? kasi  minsan ay nakikita ko syang walang salamin at madalas meron eto. Not for classy look but for a better sight. Pero bakit nga ba ang cute cute ng mata niya?. Singkit na hindi mo maintindihan. Lol. What's wrong with me, puro na ako mata.

'' nandito na po tayo sa bataneees light house!!! '' sigaw ni kuyang driver. Napapitlag ako mula sa pagkakaupo, busy kasi ako sa pagnakaw nakaw tingin sa katabi ko.

'' kuya kailangan po talaga sumigaw ka? '' saad ko, sa nagulat kasi ako. Katabi ko pa naman siya.

'' sorry mam, napalakas naexcite po kasi ako at nasa lighthouse na tayo ''

Nang marinig na ng iba ang lighthouse ay nag unahan silang bumaba, maging ang katabi ko ay lumabas na ng service. Hindi man lang ako hinintay at never akong inimikan sa byahe.

Hinayaan ko na lang at sumunod sa kagrupo namin. Habang pinapaliwanag ni kuya  ang lahat ay nakinig ako dahil gusto kong mas maintindihan pa ang lugar na ito. Nang.....

'' jek you want? ''

Narinig ko mula sa likuran. Teka kilala ko ang boses na yun ah. Si trina!

One Shot Stories (gxg /bxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon