Briella's Point of view:
Ito na iyong araw na ikakasal kami ni Zach, sobrang bilis ng pangyayari hindi ganito iyong pinangarap ko na wedding, gusto ko kasi iyong sa isang malaking simbahan tapos nadoon lahat ng mga mahal ko sa buhay. oo malaki naman iyong simbahan kaso 5 tao lang iyong nandito at hindi ko pa sila kakilala.
Nandito ako ngayon nakatayo doon sa may pinto ng simbahan, nag simula ng tumugtog iyong pangkasal na kanta, may nag assist na sa akin na mag lakad na daw ako. habang ako'y nag-lalakad na tatanaw ko si Zach sa altar bakit ganoon, parang iyong mukha niya iyong masaya talagang kinakasal bakit sa mukha niya parang sobra sobra niya akong mahal.
Nakarating na ako sa dulo ng altar, inalalayan na ako ni Zach. Naka ngiti siya ng napaka-tamis.
"You look amazing wife" bulung ni Zach sa tenga ko, para naman akong tukmol na hindi maka-galaw. Kinakabahan ako, dahil lang ba to sa ikakasal na ako?
Bigla na lang may lumapit sa aming mga lalaki at hinawakan kami isa-isa, pati mismong pari hinawakan nila; nag pumipiglas ako pero parang wala naman iyon magagawa.
"f*ck! Don't touch my wife!" galit na sabi ni Zach sa mga lalaki, pero may narinig na lamang kaming pumapalak-pak, at si kuya Vincent iyon. Sabi na nga ba may mangyayaring kakaiba ngayon. Hindi pa ako ready na mamatay ngayon dahil hindi pa ako na-papatawad ng kakambal ko, kaya kailangan kong mang-laban dito.
"MGA PESTE KAYO ITIGIL NIYO ITONG KASALAN NA ITO! bwisit sinayang mo lang dude pera mo hahaha" narinig ko iyong galit na galit na boses ni kuya Francis, naramdaman ko na lang na may humila ng kamay ko, pagka harap ko nakita ko si kuya francis nga.
"Masakit bitawan mo ako!" pag-pupumiglas ko sa kanya, ibang iba na nga siya hindi na siya, iyong dati ko kasing kuya ipagtatangol ako, ngayon siya na iyong nanakit sa akin.
"wala akong pake! mga peste kayo! lalo ka na Mr. Zach Fuentes, akala mo happy happy na kayo perket na paalis niyo na si Alexis, too bad nagkamali ka dahil nandito parin siya hahaha tanga ka talaga kahit kailan!" nakita ko naman na pa-suntok na si Zach, pero napigilan ito ng mga lalaking malalaki ang katawan at hinawak si Zach ng napaka-higpit. kasabay noon ang pag-dating ni Alexis.
"Hello my dear sister, long time no see hahaha. And hello to you my love" sabi ni Alexis habang nasa tabi ni Zach, bigla namang hinalikan ni Alexis si Zach. ayoko sila tingnan dahil nasasaktan ako pero napansin ko naman na hindi nag respond si Zach sa halik ni Alexis. kaya tumigil na rin siya at dinuraan niya pa ito.
"Hay naku my love, hindi mo ba alam na babaeng bayaran lang itong malanding kakambal ko, and for sure hindi na iyan virgin. sayang ka naman kaya dapat akin ka na lang"nasaktan ako sa lahat ng pinagsasabi ni Alexis, dahill totoo naman iyon eh bayarang babae lang ako, pero hindi naman ako ganung klaseng babae kahit ganun lang ako pinapahalagahan ko parin ang dignidad ko at ang katawan ko.
"I don't care if she's a prosti, I love her at iyun ang importante!" hirap na hirap na sabi ni Zach dahil hawak parin siya noong mga lalaki. tangin kaming 3 na lang nandito at iyong mga lalaking ito. Nag takbuhan na yata iyong kasama ni Zach at iyong pari o baka pina-alis na sila ng mga lalaking tsongo ito.
"Wow taragis talaga iyang love love na iyan noh? paano kayo kung patayin ko na lang itong kakambal ko para ako na iyong mahalin!" bigla naman nag pupumiglas si Zach parang gusto niyang suntukin si Alexis, napaurong rin ako sa narinig ko kaya niya akong patayin walang duda. pero ako hindi ko siya kayang patayin dahil kapatid ko siya.
"Subukan mo lang Alexis at ako ang makakalaban mo, diba sabi mo na paglalayuin lang natin silang dalawa wala tayong napag-uspang ganyan!" sabi ni kuya Francis kay Alexis, pero si Alexis ngumiti lang ng pagka-loko loko parang may binabalak talaga siya una pa lang.
"Well I changed my mind! alam mo parehas kayo niyang malandi kong kambal parehas kayong t*nga!" bigla naman susugurin ni kuya Francs si Alexis kaso hinawakan na rin siya ng mga lalaki. parang ang pinaka boss nila ay si Alexis talaga at hindi si kuya Francis, para siyan na set-up.
"walang hiya kang g*g* ka! ay alam ko na papatayin ko na lang kayong dalawa mag sama kayong dalawa sa impyerni at kami ni mahal ay mag sasama sa kama hahaha diba ang saya!" parang nahahalata ko, bakit parang may mali kay Alexis para siyanng baliw? Gusto ko siyang sagutin pero kahit pag tataas ng boses hindi ko magawa dahil mahal ko siya dahil kapatid ko siya.
"Please Alexis, pakawalan mo na kami. maawa ka sa amin" tiningnan niya lang ako na may halong galit sa mga mata niya, iyong lang na babasa ko sa mata niya, pero parang meron pang isa hurt?
"Maawa? bakit na aawa ba kayo sa akin nun iwan niyo ako sa macau?! hindi niyo ba alam kung gaano kasakit iyon. Imagine 12 years old pa lang ako nun?! tapos sasabihin mong maawa ako?! bakit naawa ba kayo sa akin nung iwan niyo ako!" alam ko na marami siyang hinanakit sa amin pero hindi ko akalain na ganito pala iyon kalaki, hinanap naman namin siya ang kaso hindi namin siya nakita.
"hinanap ka namin Alexis, alam mo kahit nga ng mawala ka sa amin nag seselos ako sayo kasi kahit wala ka na. Ikaw at ikaw parin iyong mahal nila, naalala mo ba nung bata tayo diba ikaw lang iyong binibilhan nila ng bagong damit tapos ako palaging gamit na o hindi kaya galing ukay-ukay. Tapos ikaw iyong palagi nilang gustong kasama sa mga party, minsan nga narinig ko sila mommy at daddy na nag uusap gusto daw nila akong ipa-ampon-----" tuluyan ng tumulo iyong luha ko na kangina ko pa pinipigilan, tiningnan ko siya at halatang nakikinig siya sa akin.
" d-dahil ang itim itim ko raw. alam mo ba nung mga oras na wala ka sa amin, ako iyong sinisisi nila na sana raw ako na lang iyong nawala. alam mo selos na selos ako sayo nun pero hindi ako nagalit kasi alam ko may kasalan ako kung bakit ka nawala. I'm sorry dahil sa akin hindi mo nakasama sila mommy ang sama sama ko" nakita ko na umiiyak na rin si Alexis, na sayang iyong mga taon na hindi kami mag kasama.
Sana ma-patawad niya ako, kasi kahit anong pilit kong maging Masaya may kulang at kulang parin sa akin at siya iyon. Gusto ko lang naman madama iyong pag-mamahal ng kapatid kahit hindi ko iyon naramdaman sa mga magulang ko, iyong pag-mamahal niya sapat na.
"d-dalhin niyo na sila sa sasakyan tuloy parin iyong p-plano" tiningnan ko siya, pero naka-yuko ito. Okay na rin ako dahil napaliwanag ko na sa kanya, kahit alam ko na hindi niya ako ma-papatawad.
dinala na kami ng mga lalaki, naka tingin parin ako sa kanya habang hinahatak nila kami.
"i-i'm s-sorry" bulong ko, pero alam kong narinig niya iyon, sana masaya na siya dahil nakaganti na rin siya sa akin. kahit anong mangyari mahal na mahal ko siya kahit patayin niya ako mahal na mahal ko parin siya.
"I love you my long lost Sister Alexis" and everything went black
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vote!!!
comment!!
share!!
see ya last chapter :)
sana happy ending XD
![](https://img.wattpad.com/cover/16097009-288-k400398.jpg)
BINABASA MO ANG
sold series 1: sold to the bachelor
RomanceSold means it is not yours anymore, I'm worth 10 million pesos and now I'm sold. "Going once, going twice" all I can hear is the beating of my heart. "Sold" and that''s the line. I don't own myself anymore. He is the most privilege person you can ev...