STTB ~ chapter 14 ~

44.8K 580 8
                                    

dinala kami sa isang magandang bahay? para familiar tong bahay na ito? parang naka-punta na ako dito. dinala kami sa isang kwartong madilim, punong puno ng mga lumang gamit dito. tinali kaming tatlo malapit sa kama. nilibot ko iyong mata ko, at tama nga ako na naka-punta na ako dati dito. ito iyong dati naming bahay, at dito kung saan kami nakatali ngayon ito iyong kwarto ko dati.

"Are you okay? pangako ko sayo mag-babayad iyang kakambal mo sa ginawa niya" bulong sa akin ni Zach, tumango na lang ako. naka-sandal iyong ulo ko sa balikat niya parang feeling ko gumaan kahit papaano iyong pakiramdam ko.

"Aba! lintik talaga kahit dito nag lalandian parin kayo! At ikaw Vincent bakit hindi mo sila pinipigilan!" nag-hihimutok na sigaw ni Alexis, totoo nga rin siguro iyong sinasabi nila na sa sobrang galit nag babago iyong tao. At kailangan kong tanggapin na wala na iyong kakambal ko na si Alexis, dahil kinain na siya ng galit niya.

"Bakit ko naman gagawin iyon? kung alam ko na doon sasaya si Bria hindi na ako tututol sa pag-iibigan nila" bigla akong napa-tingin kay kuya Vincent, tumingin rin siya sa akin at parang sinasabi niya na sorry. tumango na lang ako bilang sagot.

"Mga peste kayo! papatayin na lang kitang Vincent ka wala ka pa lang kwenta!" hinawakan na ni Alexis iyong baril niya at tinutok iyon kay kuya Vincent, tumngin ako kay kuya Vincent bakit ganun? bakit hindi siya kinakabahan.

"okay ng mamatay ako ngayon, atleast alam ko na kahit papano may nagawa akong mabuti bago ako mamatay, tingnan mo nga iyang sarili mo, pati sarili mong kapatid ginaganito mo. wala naman siyang kasalan" bigla naman nanlisik iyong mata ni Alexis, itinapat niya na sa mismong ulo ni kuya Vincent. naramdaman ko namang hinawakan ni Zach iyong kamay ko sa likod ng nakatali naming kamay.

"ANO SA TINGIN NIYO NA GUSTO KO ITO! diba ako iyong nasaktan pero bakit?! bakit ako iyong nagiging kontrabida dito! ako iyong iniwan! AT NA GAGALIT AKO SA SARILI KO BAKIT HINDI KO MA PUTOK PUTOK ITONG BARIL NA ITO SA KAPATID KO!-------" napa tingin ako sa kanya, hindi ko lubos na maiisip na iyun pala iyong nararamdaman niya. gusto ko siyang yakapin kaso baka itulak niya lang ako. "at kahit anong gawin ko hindi ko mabura sa isip ko na kapatid kita na kailangan kitang protektahan, bakit hindi ko kayang kalimutan kayo! KAHIT KINALIMUTAN NIYO NA AKO SA MAHABANG PANAHON! Bakit? Bakit ko nararamdaman ito, gusto ko lang namang maging masaya" napa-luhod na si Alexis sa sahig. rinig na rinig namin iyong paghagulgol niya tumulo narin iyong luha ko. Gusto ko siyang yakapin para mapawi iyong lungkot niya, All these time parehas lang pala kami na nag-hahanap rin ng taong mag maahal sa amin.

"I-i"m s-sorry hindi ko alam na ganun pala iyong nararamdaman mo, Alexis kung alam mo lang, kung alam mo lang na h-hirap narin ako, sinasabi ko pa nga nun na swerte ka na nakuha ka nila. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko ng mawala sila mommy" huli na ng maka-sagot siya sa akin dahil biglang dumating iyong pulis, lagi na lang pag dumadating iyong pulis late na. pinosasan nila iyong kamay ni Alexis.

"Chief hindi po namin siya ipapakulong, tangalin niyo na po iyong posas sa kamay niya" utos ko sa pulis, tinagal na rin nila iyong tali namin sa kamay at sa paa. bigla naman akong niyakap ni Zach " I thought that this will be the end of our life, I love you and I want you to be mine. Will you marry me?" ito, ito iyong gusto kong marinig sa kanya hindi iyong paraan ng pag-sasabi niya sa akin noong una.

"Yes I'm accepting it" masaya kong sabi sa kanya, unti-unti niyang nilapit iyong labi niya sa labi ko. parang biglang nag slow mo iyong paligid parang kaming dalawa lang iyong nandito ngayon. wala akong naririnig na ingay tangi pag tibok lang ng puso ko iyong naririnig ko. Were kissing shamelessly.

"I love you" sabi sa akin ni Zach it was the loveliest thing I ever heard, kasi nararamdaman ko talagang mahal na mahal niya ako.

"Hindi ka ba nag-sasawang mag sabi ng I love you sa akin?" tanong ko sa kanya, medyo may pang-aasar na sa boses ko. bigla naman siyang nag puppy eyes, Hindi bagay sa kanya.

"Bakit naman ako magsasawa I was born to say I love you to you" ngumiti pa siya ng malawak, napangiti rin ako sa sinabi niya. aaminin ko kinilig ako doon.

"Ano kinilig ka naman?" pang-aasar niya pa sa akin, inirapan ko na lang siya. kainis panira ng moment.

"Ito naman sorry na po Wifey, kasi naman ikaw e hindi ka nag I love you too" so ayun pala pinuputok ng buchi niya, napangiti ako ng palihim. ang cute pala niyang mag tampo.

"Edi ito na mahal, I love you too" sabi ko na may pag ka sweet ng sobra doon sa boses ko. ngumiti siya ng pagka loko loko.

"Yes you finally said it!" masayang Masaya na sabi ni Zach, habang tumatalon-talon pa para siyang nanalo sa lotto. Napa-ngiti na lang rin ako.

"hoy hoy mga love birds pwede tigil muna, kukulong na kaya ako nila noh?!" may pagaka siga na sabi ni Alexis, tiningnan ko siya ng napaka tagal, hindi na ba siya galit sa akin?

" oy oy ano tinitingin-tingin mo diyan? tara na nga sis ikukulong na nila ako oh? bukas na kayo mag pakasala grabe atat lang" sabi niya sa akin sabay akbay sa balikat ko, na una kaming mag lakad nasa likod namin si Zach saka kuya Vincent saka may isa pang lalaki eh.

" i"m soyy sis dahil naging bato itong puso ko kasi kayo e iniwan niyo ako" tiningnan ko lang ulit siya para akong nagugulat totoo na ba to? hindi ba to joke?

"I'm really sorry" malungkot na sabi ko sa kanya, ang tagal niya bago sumagot; tapos bigla na lang siyang ngumiti, ngumiti na rin ako.

"Ang drama mo! Tara na nga! Basta ah kwentuhan mo ako ng mga nangyari nung wala ako" para lang siyang nangibang bansa, parang walang nangyari kangina. Tiningnan ko siya na parang sina-sabi " seryoso talaga?"


"Ayan na naman, dun ka na nga sa fiance mo" pag-tulak niya sa akin papunta kay Zach, nasalo naman ako ni Zach. akala ko hindi niya ako masasalo.

"buti na salo mo ako" sabi ko sa kanya, pero hinalikan niya ako sa pisngi.

"Malamang sasaluhin kita mahal kita e" sabi niya sabay halik na naman sa pisnge ko, nakakarami na tong taong to ah. Mukhang kailangan ko na yatang ma immune, kasi parang palagi niyang gagawin ito pag kasal na kami.

"I love you forever, mahal" bulong ko sa tenge niya, nakita ko namang namula iyong mukha niya pati ilong, ibang klase rin tong mag blush. Hindi ako mag-sasawa na ulit ulitin iyon sa kanya, dahil iyon iyong totoo mahal na mahal ko siya.

And now I can say that I am now happy, wala ng kulang pa, sobra pa yata. Now I have a sister, who will love me and protect me. And a loving fiancé who will trust me and who will care for me.

Hindi porket marumi kang babae, mag stay na iyon sa iyo. Intayin mo lang at makakahanap ka rin ng taong mag-mamahal sayo ng buong-buo. Love? Love is so powerfull. Naniniwala ako na pag may taong nag mamahal sayo okay ng wala kang pera atleast nandiyan siya.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


VOTE!!

COMMENT!!

SHARE!!

~ see ya sa Epiloque kung meron :)

sold series 1: sold to the bachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon