Temporary [PROLOGUE]

763 20 1
                                    

            NARANASAN mo na bang ma-"Friendship Over" nalang nang biglaan at wala namang dahilan?

            Hindi ka man niya dineretso, pero ramdam at halata mo naman ang mga pagbabago.

            Masakit 'yun, panigurado. Hindi lang kasi basta kaibigan mo lang ang tumapos sa pagkakaibigan niyong dalawa, kundi bestfriend mo eh.

            Minsan maiisip mo nalang, kung may dahilan lang ba talaga ang pagiging magkaibigan niyo...

            Nang dahil kasi sa lalaki, naging magkaibigan kayo eh. Pero nang mawala na ang lalaking naging dahilan ng simula ng pagkakaibigan niyo, ay 'yun na rin pala ang katapusan ng pagkakaibigan ninyong dalawa.

            Mas masakit pala 'yun...

            Mas masakit pa sa iniwanan ka ng boyfriend mo.

            Permanenteng kaibigan na nga ba niya ako? Or I was just her...

            TEMPORARY FRIEND?

---

(A/N: Hello sa inyo! Ngayon nalang ulit ako nakapagsulat ng one-shot story after ilang months! Medyo busy kasi eh, at saka dahil malapit na rin naman ang September 16... Kaya, ayun. Naisipan ko to. Based on my own experience ko to, pero di ko na masiyadong ginawang detailed pa dahil on-shot naman ito. At nasa ganitong stage ako ngayon, kaya medyo inspired sa paggawa ng ganitong genre. Hehe.

Hanggang 4 chapters ito, sana'y basahin niyo. Salamat!)

Temporary (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon