Temporary [EPILOGUE]

196 11 0
                                    

            "OH. Nakatingin ka na naman sa kanya... Sa kanila. Hindi mo na 'yan bestfriend, tama na sa kahibangan." Sabi sa akin ni Megan.

            Kaagad naman akong napakurap nang ilang beses, at nakita ko pala ang sarili kong nakatingin sa grupo nila Sheena.

            I sighed, "Masaya na nga talaga siya dun. 'No, Megan?" Sabi ko sa kanya pero hindi ako sa kanya nakatingin. Deretso nalang ang tingin ko sa unahan.

            Tinapik niya ang balikat ko, "May mga tao talagang dadaan at dadaan lang sa buhay mo. Hindi natin masasabi kung permanente na nga ba talaga silang mag-iistay diyan sa buhay mo, o kaya kung trip lang nila na pansamantala lang pala. Patagal nang patagal, nagbabago ang hilig ng isang tao. Kasama na dun sa mga hilig na 'yun, ang mga taong nakakasama nila. May mga ganung tao kasi, na minsa'y naghahanap ng panibagong makakasama. Para bang isang alien na gustong iabduct ang ating mundo. Gusto nila ng panibago at nakakacurious na environment na ginagalawan nila..." Nakangiti pa niyang sabi sa akin.

            Sobra akong napaisip mabuti sa mga sinabi sa akin ni Megan, siya kasi ngayon ang madalas kong nakakasama. Bukod sa wala na rin siyang masiyadong kaibigan, ay pareho rin kasi kami ngayon ng pinagdadaanan.

            "Megan, gusto ko kasi sa kanya. I meant, gustong-gusto ko talaga siyang maging bestfriends pa muli." Heto nalang ang naisagot ko sa kanya.

            Umiling siya, "Tandaan, sa jeep mo lang dapat pinagsisiksikan ang sarili mo." Pagkasabi niya nun, ay saka niya ako kinindatan.

            Oo nga naman...

            Bakit ko nga naman pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya?

            "Dahil lang naman siguro diyan sa boyfriends ninyo, kaya kayo naging magbestfriend eh. Let's think wisely, worthy at deserving nga ba talaga siya sa pagbigay mo sa kanya ng atensiyon mo? Look at yourself! Maraming gustong makipagkaibigan sa 'yo, pero bakit sa isang tao mo lang pinagtutuunan ang atensiyon mo?"

**

            HINDI ko na siguro talaga makakailang masaya na si Sheena sa kung ano ang mayroon na siyang bago ngayon.

            Hindi na niya ako pinapansin, kung papansinin man, ay turing parang kaklase nalang.

            Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa aming dalawa. Parang wala na rin naman yata siyang pakielam kung nasira na nga nang tuluyan ang pagkakaibigan namin.

            Madali-dali sigurong tanggapin kung may dahilan ang pagkasira naming dalawa eh. Pero ang masaklap kasi, bigla nalang niya ako nilayuan... Hindi nalang niya ako biglang pinansin. 'Yun ang masakit sa part ko. Ilang beses man akong nag-attempt na kausapin siya, pero parang hindi naman siya concern sa gusto kong iopen sa kanya.

            Simula nung araw na sinabi sa akin ni Megan ang mga salitang 'yun, biglang nagbago ang pananaw ko at tuluyang naniwala na sa mga sinabi niya, dahil napatunayan ko na rin naman ang mga sinabi niya. May basehan eh.

            Naisip ko nga rin na, baka nga dahil lang sa lalaki kaya kami naging magbestfriends.

            Pero hindi naman ako nagsisisi dun...

            Ituturing ko nalang na parang isang magandang lesson ang nangyari sa amin... Sa akin... At ni Sheena...

            Tanggapin kahit mahirap, alam kong unti-unti rin akong magiging okay.

            Iisipin ko nalang na si Sheena Hannah Lee ay dumaan lamang sa buhay ni Patricia Shane Borja.

            Mas masakit pala talagang mawalan ka ng kaibigan, kaysa mawalan ng kasintahan.

- WAKAS -

Temporary (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon