"SO, sino naman ba itong si Dustin whoever-it-is ba?" Tanong sa akin ni Sheena.
Kanina pa talaga niya ako kinukulit kay Dustin. Ngayong break time nga namin, ay talagang sumabay pa talaga siya sa akin para kulitin ako kay Dustin eh. Talagang makulit siya, kanina pa kasi ako nagsasabi na mamaya ko nalang sa kanya ikukuwento. Mukha ngang hindi talaga 'to titigil hangga't hindi ko maikukuwento sa kanya eh.
"Teka ha, oorder muna ako ng pagkain ko. Maghantay ka riyan." Sabi ko habang nakapila dito sa canteen.
"Sige! Uupo nalang muna ako dun ah?" Sabi niya sabay turo dun sa bakanteng upuan. May mga dala na rin naman siyang pagkain. Napansin ko nga na ang takaw niya, dahil bukod sa dala niyang sandwich, may dala rin siyang mga biskwit.
Ganito pala kakulit ang babaeng ito, "Oyy, Patty! May hindi ka pa naikukuwento sa amin ah!"
"Oo nga. Baka naman puwede mo nang ikuwento ngayon?"
"Kaya nga! Sabik na akong malaman ang kuwento ng isang Patricia Shane Borja!"
"Me too!" Ayan na naman sila. Akala ko pa naman tuloy, si Sheena lang talaga ang sobrang interesado sa buhay ko. Naalala ko nga palang, pati rin pala itong mga makukulit kong kaklase."Oo na, oo na. Pero teka, ako na ang oorder..." Sabi ko sa kanila, "Isang hotdog at isang rice na rin, ate. Heto po ang bayad." Abot ko sa nagtitinda ng fifty pesos.
**
"ANO naman bang feeling?" Tanong sa akin ni Sheena habang ningunguya niya ang pagkain niya.
"Feeling ng ano?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Ng magkaboyfriend!" Sabi niya pa sa akin.
Naikuwento ko na kasi sa kanila ang tungkol kay Dustin. Sinummarize ko na rin siyempre, dahil gaya nga ng sabi ko, aabutin talaga kami ng siyam-siyam kung ikukuwento ko ang lahat tungkol sa amin ni Dustin.
Pero ayos din 'tong si Sheena eh, hindi pa natinag! Ang dami niyang mga tanong. At heto nga ngayon, bumabanat na naman ng isa sa mga nakakabobo niyang tanong, "M-mashaya?" Sabi ko habang ngumunguya pa rin. Malapit ko na rin namang maubos 'tong kinakain ko. Heto na rin kasi ang almusal ko dahil hindi pa rin naman talaga ako nag-aalmusal sa bahay.
"Talaga? Parang gushto ko tuloy maramdaman din ang ganyang feeling! He-he!" Natatawa talaga ako dito kay Sheena. Parang ang cute niyang tignan, tapos laging ganyan ang tawa niya. Hindi mo alam kung maiinis ka ba o matatawa eh. Pero sa part ko ngayon, natatawa ako sa kanya!
Hoy, don't get me wrong ah. Mahal ko si Dustin, at wala akong kainteres sa kauri kong babae. Arasso?
"Malamang! Hahaha. Alam mo na naman siguro ang feeling 'noh. Eh diba, nagkaboyfriend ka na?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya, "Oo nga. Pero matagal na 'yon. Matagal na akong single!"
Ganun? Talaga ngang hindi ko pa siya ganun kakilala, at wala pa akong masiyadong alam sa kanya. Dahil ngayon ko lang naman siya nakausap tungkol sa buhay niya eh.
**
NAGKUWENTUHAN kami sa isa't-isa hanggang sa dumating na ang teacher namin. Feeling ko ay halos manuyo ang lalamunan ko sa kakakuwento sa kanya ng hindi lang basta lovelife ko, kasama na rin ang buhay ko. Pero more on lovelife pa rin talaga. Likewise, siya rin. Napag-alaman kong dalawa lang pala silang magkapatid. At naninirahan siya dun sa bahay ng Lola niya, dahil ang mga magulang niya ay parehong nasa ibang bansa. Ngunit, hindi na rin naman daw siya bata para mag-inarte pa na namimiss niya ang mga magulang niya. Sanayan nalang daw 'yan.
"Hahahaha! Utas ang tawa ko dun ah! Hahahaha!" Sabi niya sa akin habang tumatawa ng palihim. Eh pa'no, kinukuwentuhan ko siya tungkol dun sa isang babaeng nakaaway ko dahil kay Dustin. Kung anu-ano kasing mga kababuyan ang mga sinabi ko dun sa babae.
Nako, napakabad ass tuloy namin ngayon at pasimpleng daldalan lang kami dito. Ang kulit kasi nitong si Sheena eh!
"Oyy. Hahahaha. Shh! 'Wag kang maingay. Sikreto lang natin 'yun! Ikaw lang ang nakakaalam nun, 'no. Kahit si Dustin hindi alam kung ano ang mga pinagsasabi ko dun sa babae niya. Wahaha." Pabulong kong sabi kay Sheena. Totoo naman eh, ang gaan na kaya ng loob ko dito sa kanya kahit ngayon lang kami nagkausap tungkol sa buhay naming isa't-isa.
"Teka pala! Natatawa pa rin kasi talaga ako sa tinawag mo sa kanya. TUBOL kamo, diba? Hahahaha! Eh diba, 'yun 'yung tae na matigas at mahirap kung ila---"
"AHAHAHAHAHAHA!" Hindi ko na napigilan pa ang tawa ko. Napatawa na ako ng malakas dahil sa mga pinagsasabi dito ni Sheena. Kanina pa kasi talaga niya ineemphasize ang salitang tubol na 'yan. Natawa pa ako sa kanya dahil 'yun pala ang kahulugan nun. Hindi ko kasi alam eh, basta ko lang sinabi 'yun sa babaeng nanlalandi kay Dustin. Kaso, hindi nga lang papersonal kong nasabi. Nakita ko lang kasi siyang nagpopost lagi sa wall ni Dustin kahit hindi naman siya nirereplyan. Ayun, sinugod at inaway ko nga!
"Hey, Ms. Borja! At talagang mas malakas pa ang boses mo, kaysa sa boses ko ah? Kanina pa kayong dalawa diyan ni Sheena... Isa pa't talagang palalabasin ko na kayo." Pagsita sa amin ng mahal naming guro sa Physics.
"Sorry po." Sabay naming sabi ni Sheena habang nakatungo pa rin dahil sa pagpipigil ng tawa namin.
Hindi na kami pinansin ni Ma'am, at nagpatuloy nalang siya sa pagtuturo niya.
At hanggang ngayon, pinipigilan pa rin namin ni Sheena ang paghalakhak namin nang sobrang lakas.
"Kupal ka talaga! Hahaha." Sabi niya sa akin. Ano pala 'yun?
"Teka, anong ibig sabihin nun?" Inosente kong tanong sa kanya.
"Pfft! Hahahaha. 'Wag mo nang alamin! Hahaha!" Pabulong na naman siyang tumatawa. Ayy nako.
"Mas kupal ka pa rin! Hahaha." Sinunod ko nalang ang sinabi niya at binalewala ang mean niya dun.
"Kups! Hahaha!"
"Ano naman ba 'yun?"
"Pinaikli at pinaarte ko lang ang salitang kupal. Hahaha! Kups talaga." Aba'y lokong 'to ah. Bakit feeling ko, kahit hindi ko alam ang ibig sabihin niyan, eh parang may MAS IBA PANG MEANING 'YUN? Napag-alaman ko na rin talaga na ito ngang si Sheena ay may lahing Shrek!
"Simula ngayon, Kups na talaga ang itatawag ko sa 'yo..." Dagdag pa niya.
"Oo nalang, kups!" Pagsang-ayon ko.
"Kups, itanong mo nga diyan sa boyfriend mo, kung may kakilala pa siyang iba diyan at maireto naman niya sa akin. Kung mayroon lang naman ah?" Sabi niya sa akin.
Hmm. Mayroon yata eh? Alam ko, oo. Teka! Oo! NAALALA KO, MAYROON NGA!
**FLASHBACK II**
"HUN. May pinsan ako dito. Naghahanap ng puwede ko raw ireto sa kanya. May kakilala ka raw ba? Pati sa 'yo, nagpapatulong magpahanap eh." Sabi ni Dustin sa kabilang linya.
"Nako, hun. Wala akong mairereto diyan sa pinsan mo. Tsk." Sagot ko.
"Ayy. Hayaan mo na 'to. Haha. Bahala nalang siya diyan..."
**END OF FLASHBACK II**
"MAYROON! MAYROON SIYANG PINSAN, KUPS!" Excited kong pagkakasabi.
"TALAGA?! IPAKILALA MO AKO, KUPS!"

BINABASA MO ANG
Temporary (ONE SHOT STORY)
General Fiction(COMPLETED) Akala siguro natin may mga mananatili nang permanente sa ating buhay. Di natin alam, na ang iba ay pansamantala lang pala at tumambay lang saglit para mag-iwan ng upos. Ang tanong, ilang hithit ba ang gagawin nila para makatambay pa sa b...