CHAPTER 4.

154 9 0
                                    

            "HINDI ka sasama sa gala namin, kups?" Tanong sa akin ni Sheena kasama sila Audrey, Kristine at iba pa naming mga kaibigang lalaki.

            Napakamot ako sa ulo ko, "Hindi ako makakasama. Ang dami ko kasing mga dalang gamit, at medyo nahihirapan na akong sumakay ng jeep pag inaabot ako ng hapon eh." Tugon ko sa kanya sabay pakita ng mga gamit kong dala, dahil kinabukasan ay exam na rin. Hapit ako sa pagdala ng mga libro ko, eh nagla-locker naman kasi ako at hindi rin naman ganun kalakihan ang bag ko. Saka commute lang ako. Jeep lang ang sinasakyan ko, tapos pagbaba ko sa tapat ng subdivision namin, ay lalakarin ko na papasok dun sa loob.

            "Ganun ba, sayang naman. Magfofood trip pa naman sana kami sa bahay nila Kristine... Sige, ingat nalang. Bye, kups!" Paalam niya sa akin, kasabay ang paalan ng iba pa niyang mga kasama sa akin.

            Binigyan ko nalang sila ng isang ngiting banayad.

            Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

            Parang may kirot dito sa puso ko habang tinitingnan ko sila palayo, nagkukulitan sa isa't-isa. Lalo na kila Kristine at Audrey...

            Tanga ka rin kasi, Patricia eh! Hindi ka sumama-sama sa kanila, tapos magdadrama ka ng ganyan?!

            Ayan na naman. Tinatanga na naman ako sa likod ng utak ko. Hay. Oo nga naman, bakit ko nga ba kasi masiyadong pinoproblema ang sarili ko sa kanila? Eh may mga exams na nga pala bukas kaya kailangan ko nang mag-aral mabuti.

**

            "PATTY! Umagang-umaga, laptop ang kaharap mo diyan. Kumain ka muna 'dine ng almusal oh!" Sigaw ng nanay ko mula sa baba.

            "Opo!" Sigaw ko nalang pabalik.

            Hindi na sila nasanay sa akin. Kada umaga naman, pagkabangon na pagkabangon ko, alam naman nila na eto kaagad ang pinagkakaabalahan ko eh.

            Tulad din ninyo, author din ako sa Wattpad. Kaya naman I often use laptop kaysa sa phone. Ginagamit ko lang ang phone kapag katext o kausap ko na si Dustin. Pero hindi pa rin maikakailang mas hilig ko pa rin ang paggamit ng laptop.

            Sinabi sa akin ni Sheena, na nakikipagbalikan daw sa kanya si Gerald nung isang araw. It was a good news for me! IT WAS. Pero, nung malaman kong hindi pala siya pumayag... I'm kinda bit dissapointed.

            Gaya nga ng sinabi ko sa inyo, gusto ko silang dalawa para sa isa't-isa. Kahit nga itong si Dustin, ay namomroblema sa dalawang 'yun kung paano sila magkakaayos eh. Dahil kinukulit daw siya ni Gerald na tulungan kay Sheena. Kahit si Dustin, kinakausap naman si Sheena at ineencourage na pumayag nang balikan si Gerald, pero... Bigo pa rin talaga.

            Naisip ko na unti-unti na pala yata talaga natanggap ni Sheena ang mga nangyari sa kanila ni Gerald. Although sa una, talagang hirap na hirap siya. 'Yung makarinig lang siya ng pangalang Gerald, o kaya karhyme nun, magwawalk out na 'yan. Makikita niyo na pagkabalik niya dito, magang-maga na ang mga mata niya.

            I check my facebook home page.

            Sakto namang bumungad ang mga pictures nila Darwin at ang mga kaibigan niyang lalaki...

            Kasama na rin sila Sheena, Kristine at Audrey.

            Chineck ko 'yun isa-isa...

Temporary (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon