ILANG linggo na ang nakakalipas, patuloy pa rin ang sobrang pagkaclose na namin ni Sheena, A.K.A Kups. Nakakatuwa pala talaga siyang makasama. Hindi siya bad influence, dahil nag-eexcel din naman siya sa kaklase. Masaya lang pala siya maging kaibigan.
Kada break time, lunch time, galaan time, siya at siya ang nakakasama ko. May mga panahon pa ngang pag maaga kaming nadidismissed sa klase, eh pumupunta pa kami sa mga malls para lang magwindow shopping. Tama, kaming dalawa lang. Minsan pa'y, naghahanap kami ng pogi. Pero siyempre, hindi naman pagtataksil ang tawag dun. Nagpapaalam naman ako kay Dustin na pupunta kami ni Sheena kunwari sa SM, o kaya sa Greenhills, pinapayagan naman niya ako. Ang hindi niya lang alam ay minsan trip namin ang maghanap ng pogi. Pero! Hindi naman namin kinakausap ni Sheena 'yun, 'no. Sadyang trip lang talaga namin 'yun. Nothing more, nothing less. May mga common interests kami sa mga bagay-bagay kaya naman talagang nagkakasundo kami.
"So kamusta na naman kayo ni Gerald?" Tanong ko agad sa kanya nang makaupo na siya dito sa upuan malapit sa akin. Hindi naman kasi talaga dito 'to nakaupo. Paniguradong may chikka lang naman 'to sa akin kaya ako tinabihan nito ngayon. Pabulong ko ring tanong sa kanya 'yun, dahil kanina pa nandito ang teacher namin. And as usual, late na naman siya. Buti nga at pinapasok pa siya. Haha!
"Hi-hi-hi!" At saka pinalo niya nang mahina ang balikat ko, "Kami na, kups!" Nakangiti niya pang sabi sa akin.
Parang nasiyahan ako sa balita niya sa akin. Masaya ako para sa kanya, para sa kanila. Tignan niyo nga naman, naging kupido pa kami ni Dustin sa pagmamahalan ng dalawang 'to. Si Gerald ay 'yung pinsan ni Dustin na nagpapahanap ng mairereto sa kanya.
Kaya naman nung araw na sinabi kaagad sa akin ni Sheena 'yun, pagkauwi na pagkauwi ko ay kinuwento ko agad sa tawag 'yun kay Dustin. At dun na nga nagsimula, binigay namin sa kanila ang contact number ng isa't-isa. Nagkamabutihan, nanligaw si Gerald sa kanya, at heto nga ngayon, nalaman kong sinagot na pala ni Sheena si Gerald.
"Wow! I'm happy for you, friend!" Sabi ko pa sa kanya.
"Thanks kups! Grabe, ang sweet nga niyang si Gerald eh. Waaah. Feeling ko, bigay talaga siya sa akin ni Lord!" Sabi pa niya with matching hawak pa sa dalawang kamay niya at sobrang lapad pa ng ngiti niya.
"Kamusta naman?! Paano mo siya sinagot?! Kuwento naman!"
Kinuwento sa akin ang puno't dulo ni Sheena ang lahat ng mga nangyayari sa kanila ni Gerald, at kung paano niya ito sinagot.
**
SIMULA nung araw na 'yun, mas lalo pa talaga kami naging close. Mabilis man kung isipin, pero 'yun na rin naman ang nangyari. Araw-araw, magkasama kami. Nagkukulitan at nagkukuwentuhan. Nagpapasalamat pa nga ako kay Gerald at kay Dustin, dahil kung hindi dahil siguro sa kanila, hindi ko magiging kaibigan itong si Sheena. Sa aming dalawa, feeling ko nga ay ako pa 'tong pinakasuwerte dahil naging kaibigan ko siya, although hindi naman ako nakukulangan sa mga kaibigan at hindi naman ako loner. Masasabi ko lang na, maituturing ko na talaga 'tong si Sheena Hannah Lee na isang tunay at bestfriend ko na.
Dumaan ang ilang mga buwan, at talagang hindi mo na kami mapaghihiwalay. Parang magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. Lahat ng mga saloobin niya, saloobin ko, naikukuwento na namin sa isa't-isa. Kung may kaaway ako, kaaway na rin niya. Ganun lang naman eh. Kahit nga puro walang kakuwentahang mga bagay, kinukuwento namin sa isa't-isa eh. May mapag-usapan lang. Kadalasan pa rin, lagi pa rin tungkol kay Gerald at Dustin ang pinag-uusapan namin. Dahil nga magpinsan ang dalawang 'yun.

BINABASA MO ANG
Temporary (ONE SHOT STORY)
General Fiction(COMPLETED) Akala siguro natin may mga mananatili nang permanente sa ating buhay. Di natin alam, na ang iba ay pansamantala lang pala at tumambay lang saglit para mag-iwan ng upos. Ang tanong, ilang hithit ba ang gagawin nila para makatambay pa sa b...