CHAPTER 1.

472 13 3
                                    

            "PATTY! Balita namin, may boyfriend ka na raw ah! Sino naman ba 'yun? Pakilala mo naman sa amin!"
            "Oo nga naman, Patricia! Nakita kaya namin sa Facebook mo 'yung mga wall posts ninyo sa isa't-isa. Baka naman may balak kang ipakilala sa amin 'yun?!"
            "Patch! Saan ka nakadampot ng ganung kaguwapong nilalang?! Madaya ka! Pakilala mo rin naman kami sa mga kaibigan niya oh!"
            "Kailan pa ba naging kayo? Paano naging kayooo?"

            Kabi-kabila ang bungad nila sa umaga ko.

            Sabi na nga ba, sabi ng isip ko. Kakalat at kakalat talaga ang balitang 'yun hindi lang basta sa mundo ng internet. At siyempre, dito rin sa buong klase- mundo ng mga tsismosa.

            Nilagpasan ko na muna sila at inilapag ko muna ang mga gamit ko sa upuan, "Kayo talaga, umagang-umaga ayan ang ibubungad niyo sa akin. Baka naman puwede niyo muna siguro akong paupuin, ano?" Sabi ko sa kanila.

            Kaagad silang sumunod sa akin na para bang mga batang sabik na sabik sa mga paagaw na kendi at pera, "Grabe ka kaya! Ang sweet niyo!" Tinulak pa ako ng mahina nitong si Louise. Grabe ka rin makatulak, feeling mo close tayong dalawa.

            "Oo nga! Kahit ako nga rin, kilig na kilig sa wall posts ninyong dalawa eh. Siguro kahapon mo lang siya sinagot 'no?" Sabi naman sa akin ng bakla naming kaklase na si Bobis. 'Yun lang ang apelyido niya, kaya trip ko lang din siyang tawaging ganun.

            Sobrang kulit talaga ng mga 'to, oo. Bakit at paano ba ito nangyari? Ganito kasi 'yun...

**FLASHBACK**

            IT was Sunday afternoon. Sobrang bored ako, at hindi pa rin naman nagtetext sa akin si Dustin. He was my boyfriend since December 2012 pa. Eh ano nang year ngayon? 2013 na. And I've decided na itago nalang muna ang relasiyon namin sa iba. Dahil hindi pa rin naman namin nakikita ang presence ng isa't-isa. I meant, hindi pa talaga kami nagkikita sa personal. Sana 'wag ako ang ibash niyo ngayon nang dahil sa internet kaya namuo ang love-love na 'yan. Pero what can I do? Generation nowadays, masiyado nang mapupusok ang mga kabataan when it comes sa pakikipaglandian online lang.

            At isa ako sa mga "kabataang" iyon, na napusok.

            Back to my own senses, ayun na nga. Kung ikukuwento ko pa sa inyo kung paano kami nagsimula ni Dustin, at kung anu-ano na nga ba ang nangyayari sa aming dalawa, paniguradong ibang istorya na 'yun. Dahil sa kuwentong ito, hindi siya ang bida dito ngayon... Kundi ako. Ako lang, at wala nang iba. Kemerut!

            At dahil nga sa tinagal-tagal na naming magkarelasiyon. I've made up my mind. I've decided na gawing public na ang relasiyon namin. Hindi naman 'yung publikong-publiko talaga. Ang ibig kong sabihin, ay hindi na ako magdedeny ng kung anu-ano pagdating sa mga binabato nilang mga tanong sa akin about sa lovelife ko, kung may boyfriend kyeme na raw ba ako, o kung anu-ano pa.

            Pagbabago ng relationship status into "In a relationship," check.

            Pagwa-wall to wall namin sa isa't-isa, check.

            Paggi-GM na may "bhenTe dOz mHaldiTah !", chec---Mali pala! PagiGM lang pala na may pangalan niya. Siyempre, hindi ko na isinama ang number ng monthsary namin, check.

            And last, pagiging babaeng-babae na rin, check.

            Papanindigan ko nalang pala talaga ito.

Temporary (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon