-INAH 27-

33 10 0
                                    

-Shaymee's POV-

Palingalinga ako dito sa campus habang naglalakad,hinahanap ko kasi si Rachella,namimiss ko na rin kasi yung babaeng yun.

Uupo na sana ako dito sa isa sa mga bench dito sa gilid ng hallway ng may gumulat sakin.

"Ay butiki!"

"Grabe ha mukha bang butiki ang ganda ko?" napatawa na lang ako at niyakap siya

"Wahhh namiss kita!"

"Weh? O baka mas miss mo si fafa Blake hahaha" loko kurutin ko kaya singit nito!

"Grabe ah!"

"So kamusta na pala kayo? Ano ng ganap? Hahahah" umasta naman akong kunyareng nagiisip hahaha

"Ganun pa din"
"Anong ganon pa din? Ibig sabihin hindi mo pa siya sinasagot?" Tumango nalang ako bilang sagot.

Matapos ng pag uusap namin dumiretso na kami sa classroom dahil malapit ng magtime.

Hayst heto nanaman ang boring na klase..tsh.

Sasagutin ko ba siya? >,<!!! Waahhhhhhhhh bakit ko ba iniisip to?! Am i naguguluhan na haystttttttt!!!!!!!!!!!!!!

Ewan.

Mayat maya ay nag ring na yung bell hudyat na ng umpisa ng klase.

Pagpasok naman ni Sir sabay sabay kaming bumati sakaniya at umupo pwera nalang sa bagong dating na si Theo.

Hinihingal to at tagaktak ang pawis -,- palagi nalang siyang late.

"Imperial! Hindi ba uso sayo ang pagpasok ng maaga?!"

"sorry po tss.." Tsaka siya umupo sa upuan niyang malapit sa bintana napakamot pa siya sa ulo niya ng may marealize siyang naiwan niya ata tsh.

Pero ang kyut niya! ^,^

HA?!!!!! O_o ano bang pinagsasabi ko hayst.

Itutuon ko na sana yung pansin ko kay sir na hinahanda ang powerpoint para sa bago naming lesson ng bigla kaming magkatitigan..

Agad naman akong umiwas.

>\\\\<!!!

Tsh!

"Okay class,absuwsyfsfbzjaowduxsnssek"

~After a couple of hours~

Napalingon ako sa classroom nila Blake.. Bakit hindi ko siya nakita ngayon? Hindi ba siya pumasok?? Hm..

Agad na nagpaalam sakin si Rachella dahil tumawag yung papa niya emergency daw eh.

Napanguso nalang akong lumakad patungong soccer field nagbabakasali lang naman,masiyado pa kasing maaga para umuwi wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya napagdesisyunan kong pumunta sa soccer field..pero..

Bumagsak ang mga balikat ko at napahinga nalang ako ng malalim ng walang Blake akong nakita.

Umupo ako sa damuhan at isinalpak yung dalawang earphones sa tenga ko at saglit kong dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.

------
-Theo's POV-

"Dre,bakit di pumasok si pareng Blake?"

Nagkibit balikat nalang ako pakialam ko ba sakaniya -,-

"Hindi parin ba kayo nagpapansinan? Ano bang ugat ng pag aaway niyo." Tanong ng tanong tong baklang to.

Si Lohrence -_-

"Hindi naman sa nagaway kami dre,sadyang tinatamad akong pansinin siya" sambit ko at agad naman niya akong binatukan tss.

"Grabe namang katamaran yan!"

"Huwag kana kasing matanong"

Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy kami sa paglalakad papalabas ng campus ng makita ko si Shaymee na patungo sa soccer field,at nakasalubong namin si Rachella na kumakaripas ng takbo nahulog pa niya nga yung isa niyang libro.

"Rachella! Libro mo oh" pagaabot ni Lohrence sa librong nahulog ni Rachella na kaniya namang pinulot.

"Thanks!" Sabay ngiti niya kay Lohrence psh pakunyare pa si Lohrence deep inside kinikilig na betlog niyan hahaha!

Siniko ko naman siya "uy~"

"Tangina dre nginitian niya ako!! Yeah buo na araw ko!" Masaya niyang sambit tss parang yun lang! Ang bakla naman, bago pa siya magsalita ulit naglakad ako pabalik ng campus.

"Huy! Saan ka pupunta?!"
Kumaway ako sakaniya.

"Mauna kanang umuwi may nakalimutan lang ako sa locker ko!".

  Tumango naman siya kaya binilisan kong maglakad patungong soccer field hahahah
Eh? Ano namang gagawin ko do'n?!
Malamang nandun si Shaymee eh
-,- tss! Napaisip nga rin ako
kung bakit di pumasok yung ugok na yun tss..

Nadatnan ko naman si Shaymee na naka indian sit sa soccer field at nakahalukipkip napansin ko naman yung earphones na nakasuot sa tenga niya bahagya akong lumapit sakaniya at tumabi agad naman siyang napatingin sakin ng maramdaman niya yung presensya ko.

Tumitig lang siya sakin saglit at itinuon ang atensyon niya sa asul na kalangitan.

Napangiti naman ako sa kawalan ng pagmasdan ko saglit yung kagandahan niya.Sayang nga lang dahil iba yung gusto niya.Agad na nawala sa mga labi ko yung ngiti ng maalala ko yung mga masasayang tawanan nila Blake tangina.

"Anong tinitingin tingin mo?" mataray niyang sambit tss..

May dalaw ata to ah.

"Araw mo ba?" Natatawa kong sambit.Nakakatawa kasi yung mukha niya sa tuwing napipikon parang tambutso ng track kung magpakawala ng usok hahaha

"tsh" sabay irap niya sakin.

Humikab naman ako at humiga sa soccer field ang sarap palang humiga dito,hapon na kasi kaya hindi mainit sa halip malamig na hangin yung nararamdaman ko..

Naramdaman ko rin na humiga siya kaya saglit akong napangiti..

"Theo" pagtatawag niya sa pangalan ko kaya agad ko siyang nilingunan.

"Hm?"

"Ahm..bakit..ahy wala!" tss..
-,- isa din tong pakunyare.

"Bakit hindi pumasok si Blake? Yan ba ang tanong mo? Hindi ko alam ang sagot ko" tsaka ako umismid.

Bakit ba parati niya nalang isinisingit si Blake sa usapan? nakakawala ng mood tangina.

-_-!

Hindi niya na muli akong pinansin,ano kayang kanta ang pinaparinggan niya?.

Napatingin ulit ako sa maamo niyang mukha hindi ko maitatanggi na maganda nga siya..lalong nagpapaganda sakaniya yung mga mapupungay niyang mga mata na may mahahabang pilikmata..

"Sayang nga lang kahit paulit ulit kong sabihin na gusto kita wala pa rin yung magagawa dahil nasa kaibigan ko ang puso mo.."
——————————————♥———————————————
------

Im NOT a HUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon