-INAH 34-

25 8 0
                                    

-Shaymee's POV-

Mukhang masaya nga siya sa iba..

Saakin kaya?

Sasaya rin ba siya ng ganiyan?..

"Huy babaita" tsaka lang ako natauhan ng tawagin ako ni Rachella

"H-ha?"

"Hay nakuu nakikinig ka paba.?

Hay..sa kakaisip ko kanila Theo lumilipad na sa himpapawid isip ko napabuntong hininga nalang ako hayyy...

"ano nga ulit sinasabi mo?"

Pagtatanong ko.

"Hayst wala wala nakuu"

*pout*

Biglang tumayo si Farrah at kinuha yung mic.

"Hello good evening everyone im Farrah San Miguel,siguro excited na kayo sa special number nila Blake Ashton at Theo Imperial"

Tanaw ko mula dito si Farrah hindi ko maipagkakaila na Maganda siya.

Pero mas maganda ako noh papatalo ba ako?

Special number nila Theo at Blake???

Hmm??

Pagkatapos magsalita ni Farrah agad namang pumunta sa stage sila Theo at Blake.

Huminto ang tugtog kaya nagkaroon ng katahimikan

Inakbayan ni Theo si Blake.

"Noong grade seven kami ni Blake nagkaroon kami ng crush"

Natatawang sambit ni Theo.

"Oo pareho naming crush yung babaing yun kaya nagkaroon kami ng pustahan ni Theo"
-Blake
"Kung sinong mananalo sa one on one namin sa football siya ang manliligaw sa babaing gusto naming pareho"
  -Theo

"Kaso nong araw na yun napilayan si Theo kasi nahulog siya sa puno ng mangga HAHAHAHA!" Halakhak niya pati tuloy ako natawa hahahaha hindi ko maimagine na isang Theo Imperial mahuhulog sa puno ng mangga HAHAHAHAHAHA

"kaya si Blake ang nagtapat kaso pft---nautot siya HAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHA!!!!!" TAWANAN NGMADLANG PIPOL HAHAHAHA!!!

Ang epic non magtatapat kana nga mauutot kapa hahahaha

Pareho silang humagalpak ng tawa sa stage hahahaha

"Kaya simula nong araw na yun nagpromise kami sa isat isa na hindi na kami magkakagusto sa iisang babae"

Napatigil ako at napatitig kay Theo..habang sinasambit niya yun..

Ibig sabihin..

"Kaya simula nong araw na yun nagpromise kami sa isat isa na hindi na kami magkakagusto sa iisang babae"

"Na hindi na kami magkakagusto sa iisang babae"

"Sa iisang babae.."

Ibig sabihin lang non..wala na akong pag asa sakaniya...

Ewan ko kung bakit bigla nalang nanikip yung dibdib ko,nasasaktan ako...

"Shay? Ok ka lang?" napalingon naman ako kay Chella..

"H-ha o-oo"

parang iiyak ata ako..

Nakita ko sila Theo at Blake na sumasayaw na sa stage aalis na sana ako ng bigla akong hilain ni Blake at..

At...
Hinalikan niya ako

"Wwoooooaaahhhh" hiyawan ng mga tao sa bar agad akong lumayo sakaniya habang sila ni Theo ay patuloy sa pagsasayaw..

Bigla akong nakaramdam ng pagkairita..ewan ko kung bakit..

Naramdaman ko lang naman yun ng halikan ako ni Blake..

Naiinis ako sa ginawa niya kaya agad akong lumabas ng bar at naghintay ng taxi.

"Bakit ka umalis" sabay hablot niya sa braso ko.

"Uuwi na ako" cold kong sabi.

"Hatid na kita" tumango nalang ako bilang sagot.

nang makarating na kami sa bahay agad akong bumaba at akmang bubuksan ko na yung gate ng magsalita siya

"Susunduin ulit kita bukas"

Nakangiti niyang saad pero nanatiling blanko ang ekspresyon ko..

"Huwag mo na akong sunduin bukas o kahit kailan."

"May problema ba Shaymee?"

"Umuwi kana Blake"

Tsaka ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay..

Nagbabadyang tumulo yung mga luha ko pero pinigilan ko ito

Ayoko makita nila mama at kuya na umiiyak ako..

Agad na lumapit si mama saakin dala yung laptop

Inilapag niya naman ito ng mahila niya ako sa sofa.

"Tumawag yung papa mo,pag nag top ka raw sa klase doon kana magaaral sa america!" Tuwang tuwang sabi ni mama

Maski ako natuwa at nabawasan ng kaunti ang kalungkutang nararamdaman ko..

"Talaga?!"

"Kaya galingan mo lalo na at graduating ka"

Noon pa man pangarap ko ng mag-aral sa America

"Kaso wala pa yung results"

Sana top ako..

Pero pag nangyari man yun..malalayo ako sa taong mahal ko..

May nakakapagpasaya naman na sakaniya eh
Siguro ayos lang na lumayo layo ako..

"Kamusta pala yung party nila Blake?"

"Ayos lang naman ma,"

"Napansin ko lang ang aga mo atang umuwi Shay,"

"Inaantok napo kasi ako.."

Pagkatapos non umakyat na ako sa kwarto ko tsaka naghilamos siyempre nagbihis pa ako bago ako tuluyang nahiga sa kama ko

Hay..wala naman akong masiyadong ginawa pero bakit parang pagod na pagod ako..hay....

Siguro sa kaiisip ko ng mga bagay bagay..

Bukas na last ng pasukan..

Pero wala parin yung results..Binabalak ko pa namang hidi pumasok kaso bukas pa malalaman ang resulta ng grades namin naeexcite tuloy ako na kinakabahan.

Kaya ipinikit ko na ang mga mata ko at niyakap yung malambot kong unan..

-------
Isang silid na gawa sa purong kahoy,may puting mahahabang kurtina na sumasayaw sa ihip ng hangin...

May nakasilip na kaunting liwanag ng araw na siyang nakapagpagising sakin..

Unti unti akong napamulat at napatingin ako sa isang brasong pumupulupot sa bewang ko..

"Gising kana pala binibini ko.."

ngumiti ako sakaniya..

"Kanina kapa bang gising ha ginoo?"

"Oo binibini ko kanina ko pa pinagmamasdan yung maganda mong mukha.."

Nang walang ano ano'y bigla ko siyang hinalikan at hinaplos ang maliit na tattoo sakaniyang leeg...

Agad akong napabalikwas ng bangon at hinihingal na naupo sa kama ko..

Isa nanamang panaginip..

———————————————♥——————————————

Im NOT a HUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon