-INAH 51-

26 9 0
                                    

-Shaymee's POV-

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko..hay..Hindi ako makatulog gising pa kaya si Theo..Umalis kasi ako sa Mansyon niya..

Bumalik lang ako dito sa dating bahay namin namimiss ko lang din kasi..
Napatingin ako sa bukas na bintana ng kwarto nakalimutan ko palang isara kaya tumayo ako at isinara to.

Biglang humangin ng malakas kaya dinama ko to ng bigla kong maalala yung sinabi ni Theo doon sa Bus stop nong isang gabi,nong pagkatapos ng fashion show..

"Kahit anong mangyari huwag kang bibitaw.."

Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon iniisip ko yan,parang may ibang meaning sakin.

Di kaya..

>_<

Huwag naman sana!! Hindi ko kaya na isang araw pag gising ko, Iba na ang mahal niya..

Haystt..bakit ba hindi ako makatulog?! Ano na bang oras? Napatingin ako sa wall clock ko seriously?!! 2:45?!

Napabuntong hininga nalang ako..

Inaatake nanaman ako ng INSOMNIA..

kaya kumuha ako ng Jacket sa Closet ko at isinuot sabay labas kinuha ko yung kotse ko sa garahe at nagmaneho papuntang City Park
Dito hindi ata natutulog ang mga tao see? May mga magjowa pa tss hahaha

Nakakita ako ng 7/11 kaya pumasok ako bumili ng tubig at donut.

Mag a icecream sana ako kaso..Masiyadong malamig..

Paglabas ko humanap ako ng upuan sabay kagat ko sa pagkain na binili ko.

Nang maubos ko na akmang itatapon ko sa basurahan ng may babaing pamilyar na tumabi sakin "Shay?"

O_O oh.my.gosh. waaahhhh kaya agad ko siyang niyakap namiss ko tong babae na to!!!! "Rachella!" Mangiyak ngiyak ko na sambit ganun rin siya ewan ko kung bakit siya naiiyak siguro dahil nagkita ulit kami.

Mas lalo niya lang hinigpitan yung yakap niya. "Namiss kita babaita!!" Hahahaha namiss ko rin yung pagtawag niya sakin ng babaita! Hahaha

"Waahhh miss na miss kita Rach!,kamusta kana pala?" Sabay hagis ko ng kalat ko sa malapit na basurahan saamin.

"Okay lang! Ikaw ha dika man lang nagsabi na nakauwi kana!"

"Paano ba naman! Kinokontak kita di mo naman sinasagot!"

Waahhhh ang sayaaa koooooooo

"Ahyyyt oo nga pala nagpalit na ako ng number.Hahaha so kamusta buhay mo sa America?"

"Ok naman masaya hehehe"

"Nagasawa kana ba ng amerikano roon" natatawa niyang sambit.

"Hindi! Di naman Amerikano type yieee tsaka may boyfriend na ako"

Nakita ko naman yung gulat sa mga mata niya..

"T-talaga?! Sino si Blake ba?" Tuwang tuwa niyang sambit nangingiti naman akong umiling.

"Eh sino?"

"Hulaan mo", kinikilig ko pang sambit hahahaha

" ehhh sabihin mo na!"

"Si Theo ^_^"

Bigla siyang natigilan..yung kninang masaya niyang reaksyon napalitan ng pagkadismaya...

"K-kayo ni Theo??"

"Oo,bakit parang dika naman masaya"

"A-ah h-hehehe sye-syempre masaya ako para sainyo..."

Im NOT a HUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon