-INAH 54-

25 8 0
                                    

-Theo's POV-

Napatingin ako sa mga bakas ng mga kalmot ko sa pader ng kwarto ko,yung mga basag na salamin,punit punit na kumot..tangina parang ginahasa tong kwarto ko..

Napansin kong bukas pa yung bintana kaya agad akong umupo doon..

Hindi ko siya matiis,hindi dapat ako lalabas pero diko siya matiis na hindi makita.. Hindi ko na kilala yung sarili ko bigla bigla nalang ulit ako bumabalik sa dati kong anyo,yung mabangis ma asonglobo..

Nitong mga nagdaan na araw diko makontrol ang sarili ko,bigla bigla nalang akong bumabangis na wala sa oras kaya nong gabing kasama ko si Zamariah doon nagumpisa ang lahat..

Hindi ko namalayan non na habang nagtratransform ako may kumukuha ng video sakin at naiupload pa to sa social media usapusapan ako kaya pinagbawalan ako nila Blake na lumabas hindi naman nakita mukha ko eh tss.

Kaya kanina,nong narinig kong nandito sa mansyon ko si Shaymee halos gusto kong lumabas at magpakita sakaniya kaso badtiming dahil muntik na akong magtransform ulit kanina lumabas na mga pangil ko nong mga oras na yun mabuti at napigilan ko..

Laking gulat ko rin dahil ito yung unang beses na napigilan kong maganyong asonglobo pero bigla akong nanghina pagkatapos non hanggang sa narinig ko ang malakas na pagkalampag ng pintuan inisip ko nakalabas na siya ng mansyon ko kaya agad akong tumalon mula sa bintana na kinauupuan ko ngayon hanggang sa ibaba nito..

Nong oras na yun gusto gusto ko siyang yakapin ng mahigpit kaso biglang may tumama sakaniyang bala ng baril hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na yun dahil pinangunahan ako ng takot..

Ayokong mawalay ulit siya sakin..hindi ko na kakayanin..

Sinubukan kong hanapin yung taong may gawa sakaniya non kaso huli na ako dahil hindi ko siya naabutan kung sino man siya magbabayad siya sa ginawa niya sa babaing pinakamamahal ko..

"Kamusta na si Shaymee?" Sabay upo niya sa tabi ko.

"Ok na siya natanggal na yung bala sa katawan niya" nagaalala yung mga mata niyang tumitig sakin.

"Blake,Bakit hinayaan mong masampal siya ni Zamariah?" Bumuntong hninga lang siya at bumaling ng tingin sakin.

"Kilala mo si Zamariah pag mas lalo siyang nagagalit lalong lumalakas kapangyarihan niya gusto mo bang matusta Shaymee mo?,tao si Shaymee pero tayo hindi anong laban niya? May kapangyarihan tayo siya wala.
Theo hindi tayo tao"

Alam ko naman yun ang punto sana man lang ay inawat niya si Zamariah kilala niya ako hindi ako makakapayag  na may masaktan ni isa sa mga taong mahal ko lalo na ang Bedrios ko.

"Alam ko,oo hindi tayo tao Blake,pero hadlang ba yun para magmahal? Hindi tayo tao pero may puso rin tayo" bigla niya namang tinapik yung balikat ko.

"Bakit hindi mo subukang aminin sakaniya ang tungkol saatin?"

Napatingin ako sa malayo.

"Natatakot ako Blake,baka pag inamin ko sakaniya ang totoo matakot siya saakin o saatin baka layuan niya ako."

Minsan nga iniisip ko na dapat nga bang ako yung minahal niya? Hindi ko kayang ibigay sakaniya ang lahat ng gustuhin niya..

Karapatdapat ba ako sakaniya?
Napabuga ako ng mga mabibigat na hangin sa naisip ko..

"Kilala ko si Shaymee Theo,mahal ka non kaya imposibleng layuan ka niya,sabihin na nating matatakot siya pero di yun sapat na dahilan para kamuhian kaniya at layuan"

Sana nga..

Pero mali eh,hindi ako nararapat sakaniya..Marami pa diyang lalaki na kaya siyang pangitiin ng higit pa sa pagpapasaya ko sakaniya..ilang araw din siyang naconfine sa hospital..

Handa naba akong magtapat sakaniya ng totoong pagkatao ko? napahinto lang ako sa pagiisip ng mga bagay bagay ng biglang pumasok si Farrah dala dala ang walis at dustpan,

"Mukha atang naiistorbo ko paguusap niyo" sambit niya bago simulan ang pagwawalis bumaba naman ako sa bintana at nilapitan siya.

"Itigil mo nga yan dikita pinatira dito para maging alila" hinablot ko yung walis na hawak niya "tumutulomg lang naman ako Theo,hayaan mo na ako minsan lang naman to eh

tinitigan ko lang siya at binalik yung walis sakaniya " bahala ka,"

"Alam naba niya?" Napatingin naman ako sakaniya habang pinupulot yung mga salamin na nabasag. "Ang alin?"

"Yung tungkol satin"

Umiling lang ako,nagpaalam naman na si Blake na aalis kaya diko na siya pinigilan pa.

"Kailan mo naman balak sabihin?"

"Sabi ko sakaniya pag nakalabas na siya ng hospital.."

"Ganun ba?" Lumapit siya sakin at niyakap ako.."Good luck Theo"

Kakawala na sana ako sa yakap niya ng mapansin kong may kagat siya ng pangil sa leeg. O_O hindi ko nagkakamali pangil nga iyan saan naman niya nakuha?

"Farrah,saan mo nakuha iyan?"

Turo ko sa bandang gilid ng leeg niya. "Saan?" Paknosente niyang sagot

"Yang kagat sa leeg mo" bigla naman siyang napalunok.

"H-ha? K-kagat lang iyan ng ipis" lalong humigpit yung pagkakahawak ko sa braso niya. Hindi to pwede!

"Nagsisinungaling ka" hindi siya nakaimik sa puntong yun..

"Alam kong pangil iyan! Magsabi ka nga ng totoo..nagpakagat ka?"

Imbes na sagutin niya ako pinagpatuloy niya ang pagwawalis pero di ako nagpatinag na iisnobin niya lang ako, "kinakausap kita Farrah!"

Nag angat siya ng tingin sakin na may bahid ng luha ang mata niya..

Lumapit siya sakin at humagulgol ng iyak.. "May nangyari saamin h-hindi namin yun s-sinasadya.."

Tangina..

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maiinis..

"Sino"

"H-hindi namin yun sinasadya Theo.."

"SAGUTIN MOKO SINO?!???!!!"

halos umalingawngaw yung sigaw ko sa buong kwarto "Si Lohrence.."

---------------------------------------------------------------

Im NOT a HUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon