-INAH 44-

27 9 0
                                    

-Blake's POV-

Naiinis akong lumabas ng kotse aist!!

"Ngayon pa talaga!"

Napakamot nalang ako sa ulo ko hayst!!!! "Paano yan?" Kalmadong sambit ni Geliva nasa kalagitnaan kasi kami ng biyahe ng biglang huminto tong kotse ko --_-- anak ng..

"Hay..diko alam"

"Eh? Alangan namang dito tayo magpapalipas ng gabi?!"

--_--
"Syempre wala tayong magagawa nasa kalagitnaan tayo ng kalsada!"

Umirap siya at pinagkrus ang dalawa niyang kamay

"Sa susunod kasi,siguraduhin mong maayos ang kotse mo bago bumyahe!"

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Umismid lang siya at naupo sa harap ng kotse.
Bakit ba ang sungit sungit nito ngayon? Ngayon lang siya nagsungit sakin ng ganito.

Mabuti at handa ako,may dala akong tent kinuha ko naman to sa Likod ng kotse ko at itinayo..

Mabuti nalang at sa gilid nitong kalsada ay may bakuran kaya di ako nahirapang itayo tong tent medyo gumagabi narin kaya niyaya ko siya sa tent sa dagat dapat kami pupunta kaso nga ayun nasiraan kami ng kotse.

"Bakit mo ba kasi ako sinama?"kalmado pero parang may pagkairita sa boses niya

Psh.

" bakit ayaw mo ba? Di dapat sinabi mo nalang!" Tsaka ako tumayo at umalis tsss parang pinupunto niyang dapat di nalang siya sumama tsss.

"Blake!" Pero diko siya nilingon at patuloy ako sa paglalakad.

Tsss..

Huminto ako saglit at nilingunan ko siya  "Blake sa--"

"Geliva!" Agad akong tumakbo pabalik sakaniya tangina! Bigla siya natumba! "Geliva!! Okay ka lang?"

"Nahihilo ako Blake"

"Kaya mo bang tumayo?" Bigla akong nakaramdam ng pagaalala..

Tumango naman siya kaya pero inalalayan ko pa rin.

"Nahilo lang siguro sa biyahe" sabay upo niya sa tent,Napatingin naman ako sakaniya.Iba ang kutob ko.

Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko,tsaka niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Blake,sorry kanina kung nasungitan kita" huminga naman ako ng malalim at hinalikan ang noo niya.

"Okay lang akala ko nga araw mo hahAhaha" natawa siya ng kaunti.

"Siguro mag bus nalang tayo pauwi bukas,gabi na kasi", sambit ko

" paano yung kotse mo?"

"Kotse lang yun napapalitan"

"Sabagay mayaman ka naman hahaha"

Nagpaalam ako sakaniya na kukuha ng panggatong gagawa lang ako ng maliit na apoy bilang ilaw --_-- magpapasundo sana ako kay Theo kaso walang signal hay buhay nga naman!

Pagbalik ko nadatnan ko si Geliva na mahimbing na ang tulog hay naguiguilty tuloy ako dapat nga ni check ko muna tong kotse kung may sira o wala..

Agad kong sinindihan tong mga kahoy gamit ang pagkuskos ng bato sa kahoy >,< napanood ko lang kasi sa isang pelikula nong naistranded yung mga bida sa isla..pvta.

Nang masindihan ko to bumalik ako sa kotse at kinuha yung picnic basket n may lamang beer,medyo malamig pa naman kaya nagumpisa na akong lagukin to.

Walang KAMI ni Geliva pero parang meron ewan basta alam lang namin na mahal namin ang isat isa.

Pero hindi kami..

Ang gulo? Hindi naman lahat pag nag ilove you sa isat isa may KAYO na..

Ang alam ko walang label relasyon namin hay..napatingin ako sakaniya..Tama yung sinabi ni Theo hindi siya mahirap mahalin ,sa lahat ng babaing nakasalamuha ko kakaiba siya..ang buong akala ko diko malilimutan si Shaymee pero habang tumatagal,naalis si Shaymee sa puso ko at siya ang unti unting pumapasok..

Agad akong tumabi sakaniya at tinitigan siya saglit bigla kong naalala yung gabing yun..

•F L A S H B A C K•

Pareho naming hinahabol ang hininga namin,pagkatapos naming marating ang rurok

Umaalis ako sa pagkakapatong ko sakaniya at niyakap siya "Sorry,Geliva.."

Sambit ko habang abala siya sa pagtitig sakin.

"Para saan?"

"Dahil kinuha ko pagka birhen mo?" Saglit siyang tumawa at kinurot yung pisngi ko.

"Hindi kita sinisisi Blake,Pareho nating ginusto to,pareho nating ipinaramdam sa isat isa ang pagmamahal natin" nginitian niya ako at hinalikan sa pisngi.

"Mahal kita" hindi ko alam kung bakit nabanggit ko iyang mga salitang iyan sakaniya kusa nalang bumuka ang bibig ko at isinambit iyan.

"mahal rin kita".

•E N D O F F L A S H B A C K•

napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko ulit yun..

Bigla siyang nahilo kanina paano kung paano kung...buntis siya!

>_<!!!!

Aist kung ano anong pinagiisip mo Blake eh! Malay mo nahilo lang talaga siya sa biyahe!

Hindi pa naman ako gumamit ng Condom bakit kasi ang libog ko nong gabing yun ah! nalasing lang ako eh

Siguro kung nakumpirma ko nga na Buntis siya ano pa nga bang magagawa ko? Eh nandun na yun eh.

Ang dapat kong isipin kong paano kami makakaalis sa lugar na to

--_--

Napangiti nalang ako at yumakap kay Geliva.

---------------------------------------------------------------

Im NOT a HUMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon