Chapter 9: Forever Lost

45 2 0
                                    

Teka nasaan kaya si kuya? Tignan ko nga sa baba baka kumakain na, Ano? Wala sila dito sa baba, saan kaya sila nag-punta? Ang daya naman! Hindi nila ako sinama :(

Dahil ako lang mag-isa sa bahay ay lumabas muna ako, pumunta muna ako sa Parke, sari-saring mga tao ang nasa Parke, ang tanging nakapag-bigay pansin sa akin ay ang isang Guy na nakasuot pang-pormal na may hawak na bulaklak at singsing.

Mga ilang oras na ang nakalipas ay yung Guy na nakapang-pormal ay parang balisa't maluha-luha, hindi siguro siya sinipot nang nobya niya, wala man lang konsensya yung babae, kung ako yung babae, sinipot ko na itong si Guy :(

Lumapit sa akin yung Guy, bibigay niya sa akin ang bulaklak na dala-dala niya, hindi din naman ako makatanggi kaya naman tinanggap ko na lang, sabi niya ay pahalagahan ko daw ito kagaya daw ng pagpapahalaga niya sa nobya niyang hindi siya sinipot, ibigay ko daw ang bulaklak sa isang taong espesyal sa aking puso.

3:00pm na ako nang makauwi sa bahay, pagka-uwi ko ay wala pa rin sila Mama, medyo nag aalala na ako, tinawagan ko si Mama sa Phone ko pero 0.00 balance na pala ako, mabuti na lang ay iniwan ni Mama ang isa niyang Cellphone, dahil duon ay matatawagan ko sila.

Tut tut tut tut! ,Bakit ganun? paano ko sila matatawagan? Hindi ako mapalagay, kailangan kong kumalma.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay may nag door bell sa pintuan, siguro sila na iyon, pagpunta ko sa may Pinto ay bigla kong narinig ang pagbasag ng Family Picture namin, nanginginig ako habang binubuksan ko ang pinto, kasi nga kapag may nabasag na gamit na hindi naman ginagalaw ay ito raw ang sign na may mangyayaring masama.

Binuksan ko na ang pinto, si Mama nga kaso nasaan si kuya? Di ako mapakali,

"Nasaan po si kuya Mama?" Ang pagtataka ko

"Wendy, Ang kuya mo Patay na! Wala na siya!" Ang malungkot at maluha-luhang pagsabi ni Mama

Bigla bang nadurog ang puso ko ng marinig ko iyon, unti unting lumalabas ang luha sa mga mata ko, na hindi ko maipaliwanag, bakit ganun? Kinuha na siya ni Lord, mabuti na lang ay nakausap ko pa siya, ang hero ko ay patay na, sino na ang Superhero ko?, Rest in Peace my Brother :'(

Kiss me if you say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon