Chapter 10

12.2K 269 28
                                    

Second month na ng pinagbubuntis ni Karylle at ngayon sya naka-schedule para sa check-up.

Pagkatayo nya sa kama ay agad nyang kinuha ang phone nya para itext si Vice.

To: Bakla

Bakla, malelate lang ako ng ilang oras. I have something to do. Wag mo na tanungin kung ano. Ikaw na munang bahala.

Naghintay pa sya ng ilang minuto sa reply ni Vice. "Grabe talaga si Bakla, wala man lang panload." nasabi nya sa sarili nang walang matanggap na reply.

After nya magprepare ay agad na syang umalis ng condo nya para magtungo mag-isa sa ospital. Pagkarating nya ay inasikaso naman agad sya ng isang nurse na nakaassign sa receiving area. Niyaya sya nito sa isang kwarto.

"Mam, dito na po muna kayo. Parating na po si Doc." sabi ng nurse.

"Okay."

Ilang minuto ang lumipas ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Napalingon naman dito si Karylle. Nagulat sya nang makita kung sino ang pamilyar na pumasok sa pintuan.

"Good day, Ms.Tatlonghari." bati nito.

"T-teka, Dingdong?.. Ba-bakit nandito ka?" gulat na sabi ni Karylle.

"Nakipagpalit ako ng pasyente kay Doktora para ako na ang maghahandle sayo at sa baby mo." masaya nitong sabi.

"Paano mo nalaman?" -Karylle.

"Na buntis ka?.. syempre dito ako nagtatrabaho kaya hindi naman maiiwasan na magkwentuhan kami ng mga co-doctors ko dito." napasmirk naman si Dingdong. "By the way, hindi ko pala naikwento sayo kung anong klaseng doktor ako... I'm a gynecologist.. kaya maaalagaan kita at simula ngayon, ako na ang magmomonitor sayo." mahaba nitong paliwanag.

"Really? it's annoying." pailing-iling na sabi ni Karylle.

"Yes, nakakabakla man 'tong profession ko pero I enjoyed it.. I love giving birth to the babies... so, simulan na natin?" nakangiti nitong sabi.

"Alin?.. hindi pa naman ako manganganak ha?." kunot noong sabi ni Karylle.

"No.. I mean sisimulan ko na yung check-up sayo." -Dingdong.

Napatango nalang si Karylle sa mga sinabi ni Dingdong. Wala naman syang magagawa kaya pumayag nalang sya. Pagkatapos ng check-up ni Karylle ay agad din syang umalis ng ospital.

.

.

.

.

Gaya ng nakagawian, busy ang lahat sa 3Kings Company habang magkasama naman sa opisina sila Vice at Karylle.

Si Karylle ay busy sa paggawa ng presentation sa laptop nito habang busy din si Vice sa pag-eencode ng mga papeles sa laptop din na hawak nya. Sosyal na si Bakla.

"Okay ka lang dyan Simang?" biglang tanong ni Vice. Tumango naman si Karylle.

"Yah, I'm okay. Just focus on what you doing there." sagot nya.

"Gusto mong magkape? Teka, ikukuha kita." agad tumayo si Vice at lumabas ng opisina ni Karylle. Aawatin sana ni Karylle ito ngunit nakalabas na sya ng pinto. Maya maya pa ay bumalik na si Vice na may dalang dalawang tasa ng kape.

"Eto na yung coffee mo oh." sabi ni Vice habang nilalapag ang coffee sa table ni Karylle.

"Thanks... Oo nga pala Vice, kelan daw dadating yung bagong model natin?" -Karylle.

"Ahmm mamaya daw ata?.. check ko nalang." sagot ni Vice. Tumango lang naman si Karylle.

Pagkatapos noon ay bumalik na sila sa mga pinagkakaabalahan nila. Bigla namang bumukas ang pintuan ng opisina.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon