Chapter 19

11.2K 261 35
                                    

Karylle's POV

Here I am alone in my room. Nakaupo sa kama habang yakap ang unan na palaging ginagamit ni Vice kapag nandito sya. Sobrang bigat ng loob ko at idagdag mo pa ang malakas na buhos ng ulan sa labas na mas lalong nagpapa-emo sa atmosphere ko.

Kanina ko pa iniisip kung anong dapat gawin. Gusto kong sabihin kay Vice ang totoo. Na magiging tatay na sya. Na magkakaanak na kami. Pero ayokong makasagabal sa pangarap nya.

Hindi ko namamalayan na umaagos na pala ang mga luha sa pisngi ko. Basa na din ng luha ko ang unan na yakap ko. Nahihirapan ako sa sitwasyon. Gusto kong igrab ni Vice yung offer pero ayokong magkahiwalay kami. Pero parang ang selfish ko naman kung pipigilan ko sya sa pangarap nyang bigyan ng magandang buhay ang nanay nya just to be with me.

Napasulyap ako sa orasan na nasa side table ng kama. It's already 12midnight. "1st monthsary na pala namin" sa isip ko. Bigla nalang may nabuong desisyon sa utak ko.

"I'll take the risk." bulong ko.

Nagpunas ako ng luha tsaka umayos ng higa. Ilang oras pa ang lumipas bago ako tuluyang nakatulog.

.

.

.

General POV

Kinabukasan ay wala sa mood na pumasok si Karylle. Masyado na syang naiistress sa kanyang mga iniisip nitong mga nagdaang araw.

Tanghali na pero hindi padin nagpapakita sa opisina si Vice. Ni text man lang kay Karylle ay wala. Hinayaan lang muna ni Karylle ito dahil hindi nya din feel kausapin si Vice ngayon.

~

"I'm sorry Sos, nakakapanghinayang man pero di ko kayang iwan si K. I choose to refuse the offer because ayokong malayo sakanya." diretsong sagot ni Vice kay Solenn. Tumawag kase ito para tanungin ulit tungkol sa offer ni Rajo Rauler.

"Okay Vice, pero kung magbago man ang isip mo. Just call me ha." -Solenn.

"Sige.. bye." -Vice.

Pagkatapos makipag-usap kay Solenn ay naisipang itext ni Vice si Karylle.

To: Mahal Ko <3

Hi Mahal. Sorry absent ako ngayon, may inaasikaso lang ako. Susunduin kita mamaya. I love you Mahal ko.

Message sent.

.

.

.

Bago umuwi ay naabutan na ni Karylle si Vice sa parking lot. Nakasandal ito sa hood nang sasakyan ni Karylle habang nag-aabang dito.

"Mahal, nandyan ka na pala." sabi ni Vice nang mapansin si Karylle. Hinalikan nya ito sa labi.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong nya pa dito. Tahimik lang naman si Karylle habang tinitignan si Vice.

"Sa condo nalang. gusto ko na magpahinga." malamig na sagot ni Karylle.

"Okay, tara na." inalalayan ni Vice si Karylle para makasakay sa kotse tsaka nagmaneho papunta sa condo ni Karylle. Tahimik lang naman ang dalawa buong byahe. Pinauna na ni Vice si Karylle sa unit nito dahil may kukunin pa daw sya sa sasakyan.

Pagkabukas ni Karylle ay nagulat sya nang makita ang mga rose petals na nagkalat sa sahig ng condo nya. At may nakaset-up na table sa gitna. Maya maya pa ay nasa likod na nya si Vice na may dalang bulaklak para sakanya. Binackhug sya nito.

"Happy 1st monthsary Mahal. I love you." bulong ni Vice. Karylle turn to face him. Matamang tinitigan sya nito sa mukha.

Napansin ni Vice na may kakaiba sa titig ni Karylle kaya medyo naconcious sya. Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Karylle.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon