B2: Chapter 2

8.9K 213 13
                                    

May convention na dinaluhan si Vice sa Batangas kaya pinakiusapan nya munang samahan ni Anne si Karylle habang hindi pa sya nakakauwi.

Pangalawang araw nang wala si Vice. Pero ni walang tawag o text man lang syang natatanggap mula kay Karylle. Tanging si Anne ang nagrereport sakanya ng mga nangyayari.

After magtanghalian ay nagkulong nanaman sa kwarto si Karylle. Kahit si Anne ay hindi nya din masyadong kinakausap. Napagpasyahan ni Anne na tawagan si Vice dahil baka nag-aalala nadin ito.

"Hello Bakla!" -Anne

"Oh Anne?.. May problema ba? Nilayasan na ba ko ng asawa ko? May nangyari ba kay Karylle? Uuwi na----"

"Wag kang praning Bakla!.. Safe yung asawa mo, kumpleto pa sya." putol ni Anne.

"Buti naman... Kamusta naman sya?" mahinahong tanong ni Vice.

"Ayun, nasa kwarto nyo.. Grabe ha, malapit na kong mabaliw dito sa bahay nyo.. Pati ako, ayaw kausapin." -Anne

"Pasensya ka na... Bukas ng umaga uuwi na ko." -Vice

Halata ang lungkot sa boses ni Vice kaya nakaramdam naman ng awa si Anne sa kaibigan.

= = = =

Kinagabihan ay naisipang kausapin ni Anne si Karylle. Kaya nag-isip sya kung paano.

Tahimik na nanunuod si Karylle sa sala nang tumabi si Anne dito at maglapag ng snacks at vodka sa mini table. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Girl, namiss ko 'to.. Yung bonding natin, yung tayong dalawa lang... I miss you bestfriend." kabadong panimula ni Anne.

Napangiti naman si Karylle sa sinabi nito.

"Hindi naman ako nawala.. May mga bagay lang na mahirap tanggapin." sambit ni Karylle habang binubuksan ang bote ng vodka at nasalin sa dalawang baso. Inabot nya ang isa kay Anne.

"Thanks Anne... I need this... I need you now." -Karylle

Nagulat pa si Anne nang biglang tunggain ng straight ni Karylle ang laman ng baso.

"Hinay hinay lang girl!." saway ni Anne.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nasaniban na ng spiritu ng alak si Karylle. Nakita nalang sya ni Anne na nakayuko at humihikbi.

"Girl, kaya pa?" tanong ni Anne. Niyakap naman sya ni Karylle.

"Anne, I missed Cassy... I really missed my daughter.. Dapat ako nalang yung namatay... Kasalanan ko!" -Karylle

Eto ang talagang plano ni Anne. Ang mailabas ni Karylle lahat ng saloobin nya. Sobrang nag-aalala na sya sa pananahimik nito. Simula kase nang mangyari ang aksidente ay parang any moment ay magpapatiwakal na si Karylle kaya hindi nila hinahayaang mag-isa ito.

.

Ano nga bang nangyari 2 months ago?

.

Isang umaga, masayang kumakain ng almusal ang Viceral Family. Si Vice ay nakaready na para pumasok ng opisina habang si Cassy naman ay nakasuot nadin ng uniporme sa eskwelahan. Hindi alam ni Vice kung bakit, pero may iba syang nararamdam noong araw na 'yon.

Habang kumakain sila ay lumapit si Cassy sa gitna nila Vice at Karylle.

"Mommy, Papsie... Mahal na mahal ko po kayo." sambit ng bata.

Nagkatinginan naman ang mag-asawa at sabay na napangiti.

"Mahal na mahal ka din ni Mommy at Papsie, Cassy." sambit din ni Karylle sabay hipo sa baba ng anak. Napachuckle naman ang bata.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon