Chapter 12

11.4K 237 17
                                    

Hingal na tinignan naman ni Vice si Karylle na seryoso padin ang mukha pero deep inside ay kilig much na ito.

Ilang segundo pa silang nagtitigan nang unti unti nang sumilay ang ngiti kay Karylle at sinabayan pa nya ng palakpak.

"Yiieeehhhh!!!!" sabay sabay na tili nila Anne, Archie at Francis. Walang kibo naman si Bernard habang nilalaklak ang alak.

"Bernard, may problema ka ba?.. grabe ka lumaklak ng alak ha." kunot noong tanong ni Vice.

"Lakampake!!" sagot ni Bernard na halatang may tama na. "Kanta pa tayong pusong bato!!!"

Nagtawanan naman lahat dahil sa itsura ni Bernard na lasing na lasing na.

"Napanuod ko na yang gimik mo bakla." nakangiting sabi ni Karylle. Nagliwanag naman ang mukha ni Vice.

"Napanuod mo?!" ngiting ngiti nitong sabi.

"A very special love?!" sabay na sabi nila Vice at Karylle. Sabay din silang natawa. "Sa wakas ngumingiti na sya." sa loob ni Vice.

Nagtagal pa ang kantahan at inuman nila Vice. Tanging si Karylle lang ang hindi nalasing. Nauna nang umuwi si Archie habang kaladkad nya si Bernard na sobrang lasing na. Sinundo naman si Francis ng boylet nya kaya sila Anne, Karylle at Vice nalang ang natira.

"Paano na 'to?" sabi ni Karylle sabay tingin sa nahihimbing na si Vice.

"Kaya mo na yan!.. may susundo naman saken eh." lasing na sabi ni Anne. "Ihatid mo sa bahay nila, o kaya ibahay mo na yan!!!"

Napailing nalang si Karylle dahil kung ano ano na ang sinasabi ng kaibigan sa sobrang kalasingan. Di kalaunan ay may sumundo na kay Anne kaya no choice na si Karylle. Inalalayan nya si Vice para makasakay sa sasakyan niya.

"Ang bigat mo bakla!.. makukunan ako sayo!" inis na sabi ni Karylle.

Nagmaneho na sya paalis ng centerstage.

Naisipan ni Karylle na sa condo nya nalang patutulugin si Vice kase ayaw na din nyang gambalain pa ang siguradong natutulog nang nanay ni Vice. Baka masermonan pa sya nito at masabihang bad influence sa anak.

Pagkababa ni Karylle ay nagulat sya nang makita si Dingdong sa labas ng condo.

"Hi K, I want to tell you something." sabi nito. Halatang nakainom ito ngunit hindi naman ganoon kalasing.

"Not now Dingdong." iwas ni Karylle. "Please help me nalang para maipasok si Vice sa kwarto ko?" napakunot noo naman si Dingdong.

"O-okay." -Dingdong.

Inakay ni Dingdong si Vice hanggang sa unit ni Karylle. Pinahiga nya ito sa sofa. Nagmamadali namang kumuha ng tubig at towel si Karylle para hilamusan si Vice sa mukha. Kitang kita naman ni Dingdong ang pag-asikaso nya dito.

"K, uuwi na ko." paalam ni Dingdong.

"Ahh ganun ba.. sige, ingat ka.. Pakilock yung pinto." sabi ni Karylle habang abala sa pagpunas kay Vice. Agad nang umalis si Dingdong.

.

.

.

May nagaganap nanamang photoshoot sa rooftop ng building nila Karylle. Si Vice ang nag-organisa ng lahat.

Pagkadating ni Karylle ay nagustuhan naman nya ang lahat ng kanyang nakita. Agad nyang hinahanap si Vice.

"Where's Vice?." tanong nya.

"Ayun oh!" nguso ni Anne.

Kasalukuyang nakikipagchikahan ito kay Solenn. Nakita pa ni Karylle na nagtatawanan ang mga ito at kung minsan ay maghahampasan.

"Girl, bagay sila noh?" saad ni Anne. Napakunot noo naman si Karylle.

"Bagay nga." kibit-balikat ni Karylle. Agad nyang ipinatawag si Vice at sinimulan ang photoshoot.

Habang nagpo-photoshoot ay panay ang tawanan nila Vice at Solenn. Si Vice kase ang nagga-guide kay Solenn ng mga pose nito.

Lingid sa alaman ni Vice at pinagmamasdan lang sila ni Karylle na kanina pa wala sa mood.

"Okay ka lang K?" tanong ni Anne dito.

"Y-yah... I'm okay, medyo sumakit lang ang ulo ko." palusot nito. "Pakisabi kay Vice, sya na munang bahala dito.. I'll go to my office." sabay tayo at lakad papalayo kay Anne.

Nang makarating si Karylle sa office nya ay napasandal nalang sya sa upuan nya at pumikit. Hindi nya maunawaan kung anong nararamdaman nya ngayon.

"I hate seeing him with other girl. Why?" inis nyang sabi. "No.. It can't be... hindi pwedeng------

Hindi nya na tapos ang sinasabi nya dahil sa biglaang pagpasok ni Dingdong sa pintuan.

"Dingdong?.. bakit ka nandito?" tanong nya.

"K please.. Tell me, si Vice ba?.. sya ba ang ama?" diretsahan nyang tanong. Nagulat naman si Karylle.

"A-anong sinasabi mo?" -Karylle.

"Just answer me K!" pangungulit ni Dingdong. "Nakita ko kung paano mo itrato si Vice. Kung paano mo sya alagaan nung nalasing sya.. so sya ba?"

Karylle nodded.

"Mahal mo ba sya?.. may namamagitan ba sainyo?" tanong ulit ni Dingdong.

"Bukod sa pagiging ama ng anak ko.... wala na!" inis na sabi ni Karylle. "Vice is just my assistant, wala nang iba pang namamagitan samen! utusan ko lang sya!"

Natahimik naman si Dingdong. Sa totoo lang ay sinabi lang yun ni Karylle para manahimik na si Dingdong. Hindi nila alam na may nakatanaw sakanila sa may pintuan.

.

.

.

Vice's POV

Nang balikan ko ng tingin si Simang sa upuan nya ay nagdisappear na ito.

Saktong paparating si Anne kaya tinanong ko na.

"Anne, nasan na si Madam K?" tanong ko.

"Ay nasa office na nya, masama yata yung pakiramdam." sagot nya. Nakaramdam naman ako ng pag-aalala kaya minabuti kong puntahan si Simang. Pagkarating ko sa may pintuan ay may naririnig na akong boses ng lalaki at babae. Obvious na si Simang yung girl, maybe si Dingdong yung boy.

Nang buksan ko ang pinto ay may kung anong tumurok sa puso ko sa narinig ko.

"Vice is just my assistant, wala nang iba pang namamagitan samen! utusan ko lang sya!" narinig kong sabi ni Simang.

.

.

.

.

to be continued......

@kaiceVK14

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon