Chapter 13

12K 266 29
                                    

General POV

Kapansin pansin ang panlalamig ng pakikitungo ni Vice kay Karylle nitong mga nagdaang araw. Kahit nasa isang opisina lang sila ni Karylle ay hindi nya ito tinitignan at kinikibo. Tahimik nyang sinusunod ang mga utos nito.

Hindi naman ito nakaligtas sa mga mata ng mga katrabaho nya, lalo na kay Anne. Hindi kase sila sanay na cold si Vice kay Karylle kahit na madalas silang magbangayan. Unti unti na ding nararamdaman ni Karylle ang pagbabago nito. Hindi na kase sya kinukulit at tinatarayan ni Vice. Minsan pa ay umuuwi nalang ito nang hindi nagpapaalam sakanya.

Dahil sa sobrang bigat ng dinaramdam ay niyaya ni Vice ang pinsang si Buern para mag-inuman sa karenderya nito. Todo laklak si Vice ng alak kaya nag-alala naman ito.

"Couz, ano bang problema mo?.. Ginagawa mo nang tubig yang pulang kabayo ha." puna ni Buern sa pinsan nito na mapungay na ang mga mata sa kalasingan.

"Inlove yata ako." diretsahan nyang sagot.

"Inlove?!.. Sinong basketball player nanaman yan?!" sabi ni Buern.

"Gag*! basketball player ka dyan!.. inlove ako sa babae!" asar nitong sabi sabay bato ng mani kay Buern. "Hindi mo ba nakikita? nagbago na ko, nagpakalalake na ko para sakanya.. pero wala eh, ang manhid pala ng mga babae." dagdag pa nito.

"Mga pinsan!.. mukhang malalim ang usapan nyo dyan ha!" sabi ng lalaking pumasok sa karinderya ni Buern. Napatingin naman ang dalawa sa direksyon nito.

"Ay kaloka!.. kelan ka pa dumating!" masayang bati ni Buern dito.

"Oy Vhong! nandyan ka pala!.. halika dito, tagay tayo!" lasing na sabi ni Vice. Lumapit naman si Vhong sa dalawa at umupo sa bakanteng silya.

"Oh anyare dyan?" tanong ni Vhong kay Buern.

"Ayan, nabrokenhearted sa merlat.. Ewan ko ba dyan!" sagot naman ni Buern.

"Ssshhh.. manahimik ka dyan Ruben! ambaho ng hininga mo!" sabi ni Vice sabay tawa. Inirapan lang naman ito ni Buern.

"Hay nako Vhong, mukhang hindi ako ang kelangan nyan.. kausapin mo nga yan!" inis na sabi ni Buern sabay walkout papuntang kusina kaya sila Vice at Vhong nalang ang natira.

"Brad, ano bang problema?" tanong nito.

"Eh yung Simang na yun kase, ang manhid manhid.. Hindi nya maramdaman na gusto ko na sya." panimula ni Vice. "Tapos narinig ko sabi nya, 'Vice is just my assistant. Utusan ko lang sya.' oh di ba masakit?" sabay hawak sa dibdib.

"Naku brad, hayaan mo na yang mga babae na yan.. One day marerealize din nyan na mahalaga ka pala sakanya... teka nga, alam ba nya na gusto mo sya?" -Vhong.

"Hindi!" -Vice

"Yun naman pala eh.. Try mong magtapat, wala namang mawawala." -Vhong

"Hindi brad, langit sya, lupa ako.. Never nya kong magugustuhan." -Vice

"Bakit naman?" -Vhong

"Dahil may Dingdong na sya.. Matangkad, gwapo at mayaman pa!" -Vice

"Vice, kung mahal mo talaga sya, dapat ipaglaban mo.. Wag mong isipin yung istado nyo sa buhay." -Vhong

"Ahh basta!... kakalimutan ko na 'tong feelings ko kay Simang." -Vice

"Talaga lang ha.. mahirap yan brad.. Once na mainlove ka sa isang tao, hindi mo na matatakasan yan." -Vhong

"Ang dami mong alam brad... uminom ka na nga lang!" asar na sabi ni Vice sabay laklak ng pulang kabayo.

.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon