Chapter 11

11.8K 246 13
                                    

Vice's POV

It's already 8am at nandito na ako sa opisina. Napaaga ang pasok kase hindi na ako nakatulog after kong ihatid yung bibingka ni Simang. Good thing at nandito nadin si Solenn at sinamahan muna ako sa table ko. Well, namiss ko din 'tong upuan na 'to dahil lagi naman akong tambay sa opisina si Simang.

Nakipagkwentuhan muna ako kay Solenn dahil hindi pa naman office hour tsaka wala pa si Simang. Kalog din pala itong babaitang 'to kaya napasarap ang kwentuhan namin. Nagbabato rin ng mga corny jokes si Solenn pero natatawa ako kase hindi mo aakalaing manggagaling iyon sa napakagandang babaeng katapat ko.

"Eto Vice, may sampung butiki sa kisame, tumambling yung isa. So ilan yung natira?" tanong ulit ni Sos. Sos nalang daw tawag ko sakanya eh.

"Nine?" hula ko.

"Mali!" natatawa nyang sabi.

"Ilan ba?" balik kong tanong sakanya.

"Edi isa nalang!" kampante nya sabi. Napakunot noo naman ako. Pinagloloko ata ako nitong babaitang 'to.

"Bakit?!" tanong ko ulit.

"Eh kase nagpalakpakan yung siyam kaya nahulog sila!" sabi nya sabay halakhak at palo ng slight saken. Seriously?! Natawa nalang din ako.

Habang nagtatawanan kame ay may dumaan naman sa likuran namin. Dire-diretso ito sa opisina nya.

"Palagi bang may regla si Madam? nakabusangot nanaman eh." diretsahang sabi ni Solenn.

"Ikaw naman, di ka na nasanay." sabi ko. Napangiti naman si Solenn.

"Oh sige, puntahan ko muna yun, baka may iuutos eh." paalam ko.

.

.

.

.

Karylle's POV

Before I open the glass door ay naaninag ko na si Bakla. Infairness, ang aga nya ngayon. Matutuwa na sana ako dahil maaga syang pumasok ngunit naudlot nang makita ko na kasama nya pala yung model namen. "Dito pa sa office naghaharutan, tsk." sa sarili ko.

Inis kong binuksan ang glass door at dire-diretsong naglakad sa opisina ko without dropping my eyes on them. I don't know kung bakit ako naiinis, pero baka mood swing lang siguro dahil sa pagbubuntis ko.

Pagdating ko sa opisina ay agad kong binuksan ang laptop ko at sinimulan ang pagtatrabaho. My eyes are automatically looking at the door. Wala bang balak si Baklang puntahan ako? Busy?. Then I just focus on my work.

Maya maya pa ay bumakas na ang pintuan ng opisina ko. Nakita ko si Bakla na pumasok pero dedma lang ako.

"Para sayo." he said sabay lapag ng tasa sa table ko. "Hot chocolate nalang ginawa ko, bawal ka sa kape di ba?"

"Thanks." I said without looking at him. Then he leave. Napansin ko namang may sticky note sa cup.

"Goodmorning Simang. I wish makita ko yung matamis mong ngiti this day. (smiley) --Poging Bakla "

I found myself smiling while staring sa sticky note.

"Ang pangit ng sulat, parang kinahig ng manok." nangingiti kong sabi.

"KARYLLE!!!!!!!!!" halos mapatalon naman ako sa sigaw ni Anne.

"What the!.. why are you shouting me?!" pasigaw kong tanong.

"Eh pano naman girl, kanina pa kita kinakausap but you don't notice me!.. you keep staring at that cup of hot chocolate na yan.. mauubos yan sa kakatitig mo!" dire-diretsong sabi nito.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon