Prologue

15 1 0
                                    

Santia's POV

Naglalakad ako pauwi galing sa eskwela. Gaya ng ordinaryong araw, mausok at magulo. Traffic kahit hapon na. Nasira ang motor na gamit ko kaya heto ako ngayon, nag-iisa, naglalakbay sa gitna ng dilim.

🎶 Pero shempre, joke lang. Hapon palang naman e. Kaya may araw pa.


Ramdam na ramdam pa ang kapangyarihan ni Haring Araw. May buwil na ng pawis sa aking noo at basang-basa na ang likod ko. Ngunit 'di ko ito inalintana. Kinuha ko lang ang panyo na nasa bulsa ko saka pinahid ito.

Sa halip, mas binilisan ko ang bawat hakbang ng aking paa, marami mga estudyante ang nakakasabayan ko ng mahulog ang librong kanina pa nakasukbit sa aking braso.


Kinuha ko at pinagpag ang kakahiram ko lang na libro.


I love to read stories. Specially fantasy stories..


Mga kwento na maituturing man na malayo sa katotohanan pero aminin natin na nagbibigay daan para matakasan natin ang nakakatakot na realidad.


Ngunit ng dahil sa isang aksidente, ang pantasiya na akala ko'y sa libro lang namamalagi ay magbubukas ng daan para mapuntahan ko.


Ako si Santia Agustin. Ito ang istorya ko.


---

[A/N:]

This isn't my first story. But I am deleting my story everytime na tamarin ako. Hahahaha! So, I'll try to finish it this time.

-Selle 🧚‍♂️

Inside A FantasyWhere stories live. Discover now